Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupoan ko. Ngayong araw ang daming nangyari pakiramdam ko sinadya ni Lucas ang muling pagpapakita niya sa akin. Hindi ko man lang mabasa kong anong plano niya para gawin niya akong assistant. Hindi ko kayang tanggihan ang kahilingan ni ate Catherine kaya wala akong pagpipilian kong hindi ang maging assistant ni Lucas De Rizzo. “Wala pa ring pinagbago ang lalaking pinaglihi sa sama nang loob. Sasabihin niya pang boss ko siya at kailangan ko siyang sundin. Nakakainis talaga, siya na nga nanakit siya pa ang nagsusungit. Hindi ba dapat huminge man lang siya nang tawad sa akin” mahina kong turan. Tumingin ako sa pintoan nang opisina ni Lucas. Mukhang malapit talaga sila ni ate Cath nakita ko kong paano alagaan kanina ni ate Catherine si Lucas. Hindi ko al

