Ang pagkikita namin ni Lucas ay hindi mawala-wala sa isip ko. Simula nang magkita kami bumalik ang sakit na dinulot niya sa akin six years ago. Natatakot akong malaman niya na anak niya si Luke dahil alam kong hindi pagkaraniwang tao si Lucas. “Freya narinig mo na ba ang balita? turan ni Lorna ang kasamahan kong engineer sa Ibañez firm. Nasa Ibañez tower kami dahil sa biglaang pagpapatawag nang meeting ni ate Catherine. Hindi ko alam kong para saan ang meeting nang tawagan ko siya. Ang tanging sinabi lang ni ate Cath ay urgent meeting. “Anong balita? Wala akong alam na kahit na ano. Umiral na naman ang pagka-marites mo” Napailing-iling ako dahil si Lorna ang pinakamadaldal na engineer at nangunguna sa pagpapakalat nang mga balita. “Kunwari ka pa Freya chismosa ka din naman. Gustong-G

