"Tara na anak, parang nilalamig ka na," sabi ko kay Jasmine. "Liam akyat na kami kasi baka magkasakit na itong anak ko sa sobrang babad sa tubig," paalam ko dito. "Sige sabay na tayo Mia," nakangiting sabi nito. Umahon muna ito sa tubig tsaka inabot si Jasmine. Ako naman ay aahon na sana ng biglang naalala ko na makikita na ni Liam at ng ibang tao sa may pool ang kabuuan ko. "Ah eh Liam, pwede mo bang iabot mo muna sa akin ang roba, aahon na kasi ako," alanganin na sabi ko dito. "Umahon ka muna dyan bago mo soutin ang roba dahil mababasa ito sa pool. Tutulo ng sobra," sabi nito habang nakangiti. "Ay oo nga," mahinang sagot ko. Huminga muna ako ng malalim bago umahon. "Wow Mia, you are so hot! Bakit ka nahihiya sa suot mo eh bagay na bagay sa'yo 'yan swimsuit," namamanghang sabi nit

