"Narinig mo ang sinabi ng Doctor Mia, kailangan mong magpalakas at kumain ng tama. Papayagan kitang magtrabaho bukas basta huwag matigas ang ulo mo," sabi ko dito. "Oo nga naman Mia, makinig ka kay Sir Brandon," sabi ng Inay nito. "Brandon nalang ang itawag nyo sa akin Aling Iska," sabi ko dito. "Nakakahiya naman, pero kung 'iyan ang gusto mo Brandon, pwede mo na rin akong tawaging Inay tulad ng tawag ni Mia sa akin," nakangiting sabi nito sa akin. "Papa," sabi ni Jasmine na ikinagulat nila. Natawa ako sa reaction nilang dalawa na parang isang krimen ang pagtawag sa akin ng Papa ng bata. "Jasmine, hindi mo sya Papa, pasensya ka na po Sir. Sa kakapanood siguro ng telebisyon sa hospital kaya akala tatay ka nya," paliwanang ni Mia. "Huwag mo ng isipin 'yan. Bata naman kasi sya. Kahit a

