Nagkatitigan kami ni Matteo ng panandalian. Sobrang lalim ng kanyang titig sakin. Ang kanyang ngiti ay halos umabot sa kanyang tenga. Itong mga ngiti niya ngayon ay ang ngiting Matteo noon. Bakit ako nahahawa sa ngiti niya? Bakit kay sarap tignan ng mga ngiti ni Matteo? Naipilig ko ang aking ulo. Damn! Magpapabola ka na naman ba Mary? Alam mo namang sobrang galing ng lalakig ito pambobola. Huwag ka na muling magpapakatanga pa sa isang katulad ni Matteo. It's okay to miss an ex, even if you don't want him back. Here's why? Because once a ex? Always an ex. Isang nakaraan na dapat ko ng ibaon sa limot. Ayaw ko ng bumalik pa sa nakaraan kong gano ako nasaktan. Para saan pa? Hindi ako naniniwala sa second chance na sinasabi nila. Masasaktan lang ako pag babalik ako sa taong nasaktan na ako. S

