**** Other Person's: Nakakadalawang tawag na si Mary pero hindi ko parin sya sinasagot. Hinahayaan ko lang na tumunog ang aking cellphone. Natatakot, nangangamba at kinakabahan ako sa maaari niyang malaman. Hindi ako sigurado sa nakita pero hindi naman maaring magkamali ang mga mata ko. Alingasa ako sa kama. Hindi ako makatulog dahil gumugulo parin sa isip ko si Rocky. Ang hirap magtago sa katotohanang dapat sinabi ko agad kay Mary. Ayaw ko lang naman kasing sumawsaw at makialam pa sa buhay nila. Pero kaibigan ko si Mary. Konektado at naging parte na sya ng buhay ko. Napaupo sa kama. Iginala ko ang aking mata sa kwarto. Tulog na tulog na silang lahat. Maging ang tatlo kong kaibigan. Tumayo ako at napagdesyonang mag pahangin sa labas ng bar. Umupo ako sa may bench. Gusto kong makalang

