CHAPTER XXIV AGLAEA ROSEANNE CLOSING ako ngayon pero maaga akong nagising dahil maaga rin akong nakatulog kagabi. Maaga pa lang ay naririnig ko na ang ingay ni Diwa na walang tigil na kumakanta. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko pa itong akala mo ay nagwawala habang kumakanta ng It’s Raining Men. Napapailing na lang akong dumiretso sa kusina at naghanap ng makakain namin pero tinatamad naman akong magluto kaya lumabas na lang ako at pumunta kay Aling Mameng. Maaga pa lang ay parang pang hanggang hapunan na ang luto nito. Sabagay lagi namang maraming namimili kay Aling Mameng. “Anong sayo? Huwag kang magtagal mamili marami pang taon,” pagsusungit na naman sa akin ni Crystal. Inaano ko kaya ang babaeng ito? Lagi na lang mainit ang ulo sa akin. Inagawan ko ba siya ng ulam ng hindi k

