CHAPTER XXVI AGLAEA ROSEANNE NANGINGINIG pa rin ang buong katawan ko habang nakaupo dito sa gilid ng eskinita. Habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep ay isang kotse ang mabilis na huminto sa tabi ng kalsada. Akala ko ay simpleng bababa lang ang mga tao mula doon. Pero halos gapangan ako ng takot ng ilang mga lalaki ang bumaba mula doon at mabibilis ang mga kilos na naglakad palapit sa akin. Sa sobrang takot ko ay nanghihina na lang akong napaupo. Ngunit isang lalaki ang biglaang sumulpot sa harap ko at pilit akong pinaglaban sa mga lalaking nagtangkang kidnapin ako. Habang pinapanood siyang makipag-away sa mga ito ay tahimik akong umaasa na sana siya ang lalaking inaasahan ko. Pero kahit anong dasal ko ay talagang si Brandon ang nakikita kong nag-aalalang nakatayo sa harap ko

