CHAPTER XXXI AGLAEA ROSEANNE NANG PUMUNTA ako sa gazebo ay nag-uumpisa na ang party nila pati at bonfire. Sa isang gazebo ay dalawang lamesa ang nandoon. Nakaupo ang mga bagets at nagkukwentuhan habang umiinom. Si Crystal at Aling Mema ang bangka sa kwentuhan. Mag-ina talaga sila! Maraming christmas light na maliliit ang nakasabit sa buong lugar. Sa ibang parte ng resort ay ito ang nagsisilbing ilaw at ilang mga hanging lamp. Iisipin mong para kang nasa isang lugar sa parte ng tokyo o kaya sa china town. Ang sabi ko kasi ay hindi na ako sasali dahil nga sa dami ko ng pagod buong araw. Pero itong mga kasama ay hindi ata alam ang salitang ‘yon dahil hanggang ngayon ay ang taas pa rin ng energy nila. Aakalain mong ngayon pa lang nag-uumpisa ang event na plinano nila. Nagulat pa ako

