Globe Asiatique Tower 1, Mandaluyong City
November 9, 2013
“Anong ginagawa natin dito?” nagtatakang usisa ni Travis sa kanya habang lulan sila ng elevator na maghahatid sa kanila sa roof deck ng GA Tower kung saan kasalukuyang ginaganap ang SCREAM party.
“Makiki-party tayo. This is a post-Halloween celebration. Bale naisip ko, this is the best way para turuan kang makipag-socialize sa ibang tao,” aniya habang nakatingin sa repleksyon niya mula sa salamin na nakapalibot sa loob ng elevator. She looked sassy and chick. Samantalang lumutang ang kagwapuhan ni Travis sa suot nitong sweatshirt at rugged pants.
Looking at him through the mirror, she could say that he’s well endowed when it comes to physical attributes. Bagay na malamang ay namana nito sa Amerikano nitong ama. Malayo pa sana ang lalakbayin ng utak niya pero bumukas na ang elevator. Nasa roof deck na sila.
Sinalubong sila nang malakas na tugtog na nagmumula siguro sa makeshift stage na kita rin naman mula sa kinatatayuan nila. Nagpa-register muna sila bago sila pumunta sa mismong umpok ng mga partygoers. Karamihan sa mga nakikita niyang naroon ay mga bata pa. Siguro ay nasa sixteen to nineteen ang karamihan ng mga ito.
Dahil free-flowing with unlimited drinks ang drama ng party, niyaya niya si Travis sa may bandang counter.
“Miss, I’ll have two glasses of Margarita, please,” aniya sa pinakamalapit na bartender. Medyo nainis pa siya nang makitang nginitian nito si Travis na nasa tabi niya samantalang ni hindi man lang siya tinanguan nito.
Pagkaabot ng bartender sa inumin nila ay mabilis na niyaya niya si Travis palayo sa spot na ‘yun. She hated the bartender’s guts!
Bahagya lang napayapa ang loob niya nang huminto sila ng binata sa isang sulok ng roof deck kung saan kitang-kita niya ang buong kamaynilaan. Parang mga bituin sa langit na kumikislap ang bawat ilaw na nagmumula sa mga matatayog na building.
Kinuha niya ang cellphone niya and took a picture of the breathtaking scenery. And soon enough, it was uploaded on her i********: account. Paglingon niya kay Travis, nakita niyang mataman itong nakatitig sa kanya.
And for a moment, she was breathless when she saw his silhouette. She then realized that even darkness could not mar his male beauty. It was perfect. So perfect that she wanted to touch his face and bury her face into the hallow of his neck so she could sniff his natural scent that has been bugging her since they have been together that night.
But the thought was really off. She shouldn’t be thinking that way. They were there because she has to teach him how to be sociable. She shouldn’t be entertaining her weird thoughts. So instead, she raised her glass and offered him a toast.
“Cheers,” magkapanabay na sabi nilang dalawa saka tinungga ang laman nang kanya-kanyang baso.
Matapos masaid ang laman ng baso niya ay binalingan niya si Travis. “Travis, I want you to go back there. Meet new people. Makipag-usap ka. Or maybe you can dance with some random girls out there. Tonight, you should bare yourself and learn to socialize.”
“At iiwan kita dito na mag-isa?” There was anger in Travis’s voice. Dahil ba iyon sa itinataboy niya ito papunta sa ibang girls? How I wish!
“Well… well… well, nandito ka na palang bruha ka. Ni hindi mo man lang ako tine-text.” Nagulat siya nang bigla na lang sumulpot mula sa kung saan si Celebii. May kasama itong matangkad na lalaki. And she recognized that the tall guy was Gian Ana. Ang isa sa pina-padrino ni Barbie sa kanya noon.
Nagbeso sila ni Celebii. “Hi mars. I’m sorry at hindi kita na-text agad. Halos kadarating lang din kasi namin,” she said with a happy voice. Ipinakilala niya si Travis kay Celebii at pati na rin kay Gian.
“Celebii, this is Travis. Travis, meet Celebii and Gian.”
Malagkit ang tingin ni Celebii kay Travis habang si Gian ay napapansin niyang panay ang titig sa kanya. Well, it has been a long time since they two saw each other.
Sinenyasan niya si Travis na pumunta na sa gawi ng dance floor. “Sige na, susundan na lang kita dun maya-maya. May pag-uusapan lang kami ni Celebii.”
Halatang napipilitan lang si Travis nang umalis ito sa tabi niya.
“Who’s that guy, mars? Your new boyfriend?” agad na usisa ni Celebii nang tuluyang makalayo si Travis sa kanila.
Umiling-iling siya. “Hindi ah! Kaibigan ko lang ‘yun. Partner ko rin siya sa contest na sinalihan ko sa Metro Image Philippines,” pagkaklaro niya.
“Really? Well, that guy seems to like you. Hindi mo ba napapansin?”
Celebii shrugged her shoulder as if she knows something that she didn’t know. “Hindi napapansin ang ano?”
“Malagkit ang mga titig niya sayo. He likes you, mars. It was so obvious. I can sense that.”
Doon naman sumingit si Gian na hindi niya namalayang naroon pa pala. “At kelan ka pa naging manghuhula ng feelings, Celebii?”
“Tse! Don’t interrupt us, Gian,” mataray na wika ni Celebii. Pero hindi naman ito mukhang galit. “Anyway, I have to leave you for a while, mars. May mga iche-check lang akong things, okay?”
Wala sa sariling napatango siya. “Okay.”
“Gian, are you not coming with me?” ani Celebii dahil ang kasama nito ay parang permanente nang napako sa kinatatayuan nito habang panay pa rin ang titig sa kanya.
“I’d just stay here. Sasamahan ko si Daniella.”
At bago pa man siya makapag-react na pwede naman nitong isama si Gian ay nakaalis na palayo si Celebii. A smile formed in her lips when she saw Celebii’s way of walking. It was like she was seeing a beauty queen walking in a red carpet.
Unfortunately, hindi niya alam na nag-aasume na pala si Gian na ito ang dahilan ng pagngiti niya.
“I suppose, ako ang dahilan kung bakit ka nakangiti ngayon,” super cool na sambit ni Gian habang nakatukod ang dalawang siko nito sa brandilyas ng pader.
Natawa siya sa sinabi ng binata. Masyado naman yata itong assuming. “Of course not! May naisip lang akong nakakatawa. Hindi ikaw ang rason kung bakit ako nakangiti. Anyway, pupuntahan ko muna iyong kasama ko.”
Pero bago pa man siya makahakbang ay nahakawan na ni Gian ang braso niya. “C’mon, hindi mawawala ang kasama mo dito. Hayaan mo na muna siyang mag-enjoy. Meanwhile, mag-usap muna tayo dito, Daniella.”
Napatingala siya kay Gian. He’s only seventeen pero sobrang tangkad na nito. Naglalaro yata sa 6’2” ang height nito.
“Ano naman ang pag-uusapan natin? We barely know each other.”
“Kaya nga. I just want to ask you kung bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko. Pati friend request ko sa f*******:, hindi mo pa rin ina-accept hanggang ngayon. May ginawa ba akong hindi maganda?”
Napailing-iling siya. “No. Wala kang ginagawang masama, Gian. It’s just that I don’t see any valid reason para sagutin ko ang mga text at tawag mo.”
“Pero gusto kitang ligawan,” walang kiyemeng saad ni Gian. It was so direct that she was caught off-guard.
“Y-you’re not my type,” prangkang saad niya. “Besides, masyado kang bata para maging boyfriend ko. You’re just seventeen while I’m twenty years old.”
Nabigla siya nang hawakan ni Gian ang isang kamay niya at pinagsalikop ang mga iyon. Hindi niya nagawang bawiin iyon kahit alam niyang iyon ang dapat na ginawa niya. “I don’t mind the three years gap, Daniella. It’s just a number, anyway.” Itinaas ni Gian ang magkahawak nilang mga kamay. “And see? Mas malaki pa ang mga kamay ko kesa sa mga kamay mo. No one would know that you’re older than me. Kaya kitang protektahan. At mas kaya kitang mahalin kumpara sa mga lalaking ka-edad mo.” At lalong nagulat siya nang dalhin ni Gian ang kamay niya na hawak nito papunta sa labi nito. “Just give me a chance, Daniella.”
* * * * *
Napahinto sa paglalakad si Travis nang makita niyang dinala ng lalaking kasama nito ang isang kamay ni Daniella papunta sa labi nito.
Sobrang determinasyon ang kinailangan niya para pigilan ang sariling sugurin nang suntok ang lalaking humalik sa kamay ni Daniella. But seriously, sino ba siya para gawin iyon? It’s none of his business. Wala siyang karapatan sa dalaga. He is not even her boyfriend kaya hindi dapat nagngingitngit ang loob niya.
Besides, ano na lang ang sasabihin ng dalaga kapag nalaman nitong nagseselos siya sa lalaking kasama nito? Siya na ang malakas ang loob na nagsabing huwag itong mai-in love sa kanya. Damn!
Napipilitang bumalik siya sa umpok ng mga yuppies na tila lalo lang dumarami sa paglipas ng mga oras. Humingi siya ng isang bote ng beer at agad na tinungga ang laman niyon. He wanted to pacify his raging emotions. What he feels isn’t right.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang may lumapit sa kanyang isang babae. Kanina pa niya napapansin na pinagmamasdan siya nito. “Hey! Kanina ko pa napapansin na mag-isa ka lang. Do you mind if I give you some company?”
Para ma-distract siya mula sa pag-iisip kay Daniella ay tinanggap niya ang paanyaya ng babae. The girl was nice and full of stories. Hanggang sa hindi na niya namalayang naparami na pala ang nainom niya ng beer.
Nang yayain siya ng babaeng kasama niya na nakalimutan na niya ang pangalan papunta sa dance floor ay hindi na siya tumanggi pa. Unti-unti na rin kasing umeepekto ang alak sa katawan niya. He was starting to lose his inhibitions. And so they danced.
No, they were dirty dancing. At hindi lang ang babaeng kasama niya kanina ang nakasayaw niya. There were lots of them. So many faces that he couldn’t even remember. One of them even kissed him on the cheek. And then there was this gentle hand that grabbed his arms.
“Let’s go. Umuwi na tayo at lasing ka na.” It was Daniella. Minus that tall guy who kissed her gentle hand. Where’s that stupid tall guy? He tried to survey the place pero hindi niya nakita ang lalaki. Idagdag pa na nanlalabo na rin ang paningin niya.
“Ayoko pang umuwi. Can’t you see? I’m still enjoying the night. They have good music here. Tapos andami pang chicks. Let’s stay for a little while, please?”
Pero hindi siya pinakinggan ni Daniella. Kahit na maliit lang ito na babae ay nagawa siya nitong kaladkarin papunta sa elevator.
Nakahawak si Daniella sa bewang niya samantalang nakaakbay naman siya dito. They were like hugging; well, almost. And he could smell her hair. It smells like heaven. He couldn’t help sniffing.
Kahit nung nasa taxi na sila ay hinayaan lang siya ni Daniella na nakasandig dito. Siguro ay iniisip nito na talagang lasing na lasing siya. Well, medyo nahihilo nga siya pero nakakapag-isip pa naman siya nang matino.
Aware siya sa pagkakalapit ng mga katawan nila. And he could feel her boobs poking at his arms so it was so hard not having a hard on. Mabuti na lang ay maong ang suot niyang pantalon.
Inalalayan siya ni Daniella hanggang sa makaakyat siya sa kwarto niya. Nang nakaupo na siya sa kama niya ay ginawa niya ang bagay na matagal na niyang gustong gawin sa dalaga.
Hinigit niya ito hanggang sa mapaupo ito sa kandungan niya. And without saying a word, he claimed her lips and kissed her with so much passion. Nakahawak ang kamay niya sa magkabilang pisngi nito habang lalo niyang pinapalalim ang halik na pinagsasaluhan nila.
Narinig niya ang bahagyang pag-ungol ng dalaga nang magsimulang galugarin ng dila niya ang bawat sulok ng bibig nito. She tasted so sweet, so divine and ethereal. And he wanted more.
Pero naramdaman niya nang itulak siya ni Daniella dahilan para maghiwalay sila. Gusto sana niya itong habulin at muling yakapin pero wala na siyang lakas para gawin ‘yun. Napahiga na lang siya sa kama habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Daniella na nakatalikod sa kanya.
“Hindi ito tama, Travis. You shouldn’t have kissed me. Ikaw itong may sabi na huwag akong mai-in love sayo. Pero anong ginagawa mo? Ikaw ang gumagawa ng paraan para suwayin ko ang gusto mo. You’re always making me fall for you.”
Naramdaman niyang lumapit sa kanya ang dalaga. “Travis? Travis? Sht! Tinulugan ako,” frustrated na saad ng dalaga. Ipinagpatuloy niya ang pagkukunwaring pagtutulog-tulugan.
At sa nanlalabong isip ay napaisip rin siya. Bakit ko nga ba siya hinalikan?Hindi ba’t ayoko siyang ma-in love sakin kasi hindi naman na talaga pwede? Iyon ang nasa isip niya hanggang sa tuluyan siyang igupo ng antok.
Hapon na nang magising siya kinabukasan. At nagulat pa siya nang makitang nasa kusina si Daniella at may inilalabas na pagkain mula sa isang plastic bag.
“Hi! Gising ka na pala. I brought you some food. Alam ko kasing hindi ka pa kumakain. Halika, sabay na tayong kumain. Hindi pa rin kasi ako nagla-lunch.”
Hindi niya alam kung nagpapaka-cool lang ba si Daniella o talagang wala lang para dito ang halik na pinagsaluhan nila kagabi. Sa totoo lang, iba ang inaasahan niyang mangyayari sa araw na iyon. He was expecting na kakausapin siya nito tungkol sa halik na iyon. But he was wrong. Heto nga at parang wala lang iyon para sa dalaga.
“Masakit pa ba ang ulo mo?” anang dalaga habang magkaharap na sila sa mesa.
“Hindi naman na. Salamat nga pala dito sa mga pagkain.”
Bahagya lang itong tumango sa kanya. “Sige na, kumain ka na.”
At matapos nilang pagsaluhan ang mga pagkaing dala nito ay humantong sila sa sala. Magkaharap uli sila this time. Naroong bubukas ang bibig ng dalaga pero wala namang salitang namumutawi sa labi nito. Parang may gusto itong sabihin na hindi nito masabi-sabi.
“May sasabihin ka?” tanong niya sa dalaga.
Napabuntong hininga muna ang dalaga bago ito tuluyang nagsalita. “I just want to ask if you remember that you kissed me last night. Do you?”
Saglit na napatitig siya sa dalaga. Nagtatalo ang isip niya kung sasabihin ba niya dito ang totoo o hindi. Pero sa huli, mas naisip niyang papaniwalaan na lang ito sa kasinungalingan kesa ilagay nila ang mga sarili nila sa isang magulong sitwasyon.
“I’m sorry. I was really drunk last night. Hindi ko na natatandaan ang mga pinaggagagawa ko pagkatapos kitang iwan kasama ang mga kaibigan mo.” He said without even blinking an eye. “Did I kiss you?”
Nakita niya ang biglang pag-uulap ng mga mata ng dalaga. Nagbabanta ang pagbagsak ng mga luha nito. “No, you didn’t,” tugon nito sabay tayo. “The photo shoot is scheduled next week. Ako na ang bahala sa mga isusuot mo. Dadaanan kita dito sa mismong araw ng shoot, okay? Babalik na ‘ko sa bahay at may mga gagawin pa ako.”
Iyon lang at naglakad na ito papalayo sa kanya. Gusto sana niya itong habulin para sabihing naalala niyang he intentionally kissed her on the lips. Pero para ano pa? Komplikasyon lang ang idudulot niyon sa kanila.
So ang ending, natagpuan niya ang sarili sa ilalim ng dutsa na para bang matatangay ng tubig ang init na nararamdaman ng katawan niya.