“Kanina ka pa tulaley dyan, ateng. Inaabangan mong lumabas yung bago nating neighbor ano?!” Untag sa kanya ni Barbie isang hapong nakatunganga siya sa porch ng bahay. Totoo ang tanong-paratang sa kanya ni Barbie. Kanina pa nga niya hinihintay na lumabas mula sa bahay nito ang bago nilang kapitbahay.
Paano’y pangatlong araw na simula nang matanggap niya ang sulat mula sa Metro Image pero hindi pa rin niya ito nakakausap para sabihing kukunin niya itong partner. Bihira kasi kung lumabas ang bago nilang kapitbahay. At kung lumalabas man ito, malamang ay hindi sila nagpapang-abot.
Tumingin siya ng diretso kay Barbie. “Is there any way para makausap ko yung bago nating kapitbahay?”
Nakangising tinaasan siya ng kilay ng bakla. “So, inaamin mong hinihintay mo nga si Kuyang pogi?”
At dahil iyon naman ang totoo, hindi na siya nag-deny pa. “Yeah. I need his help kasi. Natatandaan mo yung pa-contest ng Metro Image Philippines?” Tumango si Barbie bilang senyales na natatandaan nito ang sinasabi niya. “I got accepted. Isa ako sa magiging contestant nila this year. But unfortunately, I need someone else’s help. I need someone who’s not into fashion. ‘Yung baduy manamit.”
Napatango-tango naman si Barbie. “Yun lang pala eh. Hayaan mo, may mga ire-refer ako sayo. Pwede kong kontakin si Bogart para maging partner mo.”
Napangiwi siya sa suhestiyon nito. “Si Bogart? Eeew! No offense ha, hindi sa minamaliit ko ang pagiging kargador niya dahil matinong trabaho naman ‘yun. But I don’t think kaya kong maging partner si Bogart. Masyado siyang mahangin. Baka isipin pa niyang type ko rin siya noh!”
Si Bogart ay isang kargador sa may palengke ng Tandang Sora na matagal na ring nagpapalipad-hangin sa kanya. Ang kaso, nasobrahan naman sa pagiging mahangin itong si Bogart. So erase sa option ang unang pina-padrino ni Barbie.
“Ah, ganoon ba? Sige, ‘yung friend ko na lang na si Gian. I’m sure papayag ‘yun,” excited na sabi ni Barbie.
Mabilis na hinagilap niya sa memory bank niya kung sino ang Gian na sinasabi nito. “Masyado namang bata si Gian Ana. Ayokong maakusahang pedophile. Kahit 6’2” ang height niya, evident pa rin na bata pa siya. Saka ang sabi, someone who’s not fashionable. Eh fashionista kaya ‘yun.”
Ang Gian na tinutukoy ni Barbie ay nakilala lang nito sa f*******:. Masyadong bagets for her tastse. At hindi papasok sa kategoryang hinahanap ng Metro Image Philippines. Nakita na niya ito one time nang pilitin siya ni Barbie na dumayo ng SM Taytay para lang manood ng show nina Gian para sa isang brand ng pampaputing sabon.
“Eh, palabasin mo na lang na baduy manamit si Gian. Pwede naman yun ah,” hirit pa ni Barbie.
“Pwede naman ‘yun. Ang kaso, baka matulad ako kay Venus Raj. Na kapag nasungkit ko ang korona ay maraming magsulputang aberya. Ayokong ma-dethrone dahil lang sa nandaya ako. So erase din sa option si Gian.”
Nagkakamot ng ulo na nagtaas ng ulo si Barbie. Parang malalim ang iniisip nito. Parang any moment ay tutunog ang nakapatay na bombilya sa porch dahil sa nakaisip ito ng brilliant idea.
“Alam ko na! Eto, alam ko talaga papayag ka eh. Si Anton! Tanda mo si Anton? Yung pinakilala ko sayo noong nakaraang Undas?”
Napangiwi uli siya dahil sa suggestion nito. Si Anton na mabalbon? Napailing-iling siya. “Barbie naman. Gusto mo yatang ma-rape ako eh.”
Inirapan siya ni Barbie. “Ikaw, napaka-judgemental mo. Nagbago naman na ‘yung tao.”
“Kahit na. Mahirap pa ring magtiwala sa taong ex-convict.” Minsan nang nakulong si Anton dahil sa kasong panggagahasa. Pero nakalaya rin ito dahil iniatras ng pamilya ng biktima ang kaso. Besides, maisip pa lang niya ang mabalbon na dibdib ni Anton, nangingilabot na siya. Buti sana kung pinong balbon lang yun. Ang kaso, masyado iyong sagana!
Noon biglang tumunog ang cellphone ni Barbie. May text ito at parang maiihi yata ito dahil sa sobrang kakiligan. Malamang ay may bago na naman itong ka-textmate sa village nila. Abot hanggang tenga ang pagkakangiti ni Barbie habang nire-replyan nito ang kung sino mang ka-text nito.
Nang hindi na siya makatiis ay hinablot niya ang cellphone nito at saka binasa ang kakarating lang na message. “Masarap, yung cookies na bigay mo. Salamat,” ayon sa text message.
“Sino naman tong Travis Paxton na ‘to? At teka, ‘yung cookies ba na ako mismo ang nag-bake kagabi ang ipinamumudmod mo sa mga lalaki mo? Hoy Barbie, kung gusto mong magpasikat sa mga boylet mo, mag-bake ka ng sarili mong cookies. Hindi ‘yung pinapakialaman mo yung cookies ko,” sita niya sa binabae. May pagbibigyan dapat siya ‘nun. Ang kaso, hindi pa niya nakakausap ang pagbibigyan niya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon lumalabas mula sa kabilang bahay.
“Eto, napakaramot mo! Parang binigyan ko lang ‘yung bago nating kapitbahay natin eh. Sort of welcoming ko na ‘yun para sa kanya. Hayaan mo, mamaya rin papalitan ko ‘yung cookies mo!” Nag-walk out ang bakla. Naiwan siyang tulala. Tama ba ang pagkakaintindi niya? Ang Travis na ka-text nito ay ang bago nilang kapitbahay? At dito mismo ibinigay ni Barbie ang precious cookies niya? Oh My!
“Barbie! Barbie!” sumisigaw na tawag niya sa kasambahay niya. “Barbie!”
Nakabusangot na lumantad sa harapan niya si Barbie. “Bakit na naman? Kung yung cookies mo ‘yung inaalala mo, hayaan mo at mamaya rin magbe-bake ako.”
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha niya. “Forget about the cookies. Pinapatawad na kita. Pahiram ako ng cellphone mo at makiki-text ako.”
Nagtatakang napatingin sa kanya ang binabae. “Ha? Eh, di ba, naka-plan ka naman? Ba’t ka makiki-text?”
“Naputulan ako. Nakalimutan kong magbayad kahapon. Akin na ang cellphone mo at may ite-text akong importanteng tao.”
“Pasaloadan na lang kita ng dos.”
“Ayoko! Dali na, peram na ng cellphone mo.”
Pero sa halip na iabot sa kanya ang cellphone nito ay naglakad si Barbie at pumunta sa may center table. Dinampot nito ang ballpen na naroon at may kung anong isinulat sa papel na pinilas nito sa diary pa niya mismo! Aba’t!
“O, ayan ang number ni Travis. Alam ko namang ‘yan talaga ang gusto mong kunin sa cellphone ko. Andami mo pang alibi.”
Napapangiting tinanggap niya ang kapirasong papel na inaabot nito. “Thanks!”
At naglakad na siya pabalik sa entrada ng bahay nila na nakangiti pa rin. Naulinigan pa niya ang pahabol na komento ni Barbie sa inasal niya kanina. “Kunyari raw, hindi niya type ‘yung bago naming kapitbahay. Pero ang totoo, bet naman niya. Asus! Kerengkeng!”
Hindi na siya nag-react pa. Inilagay niya sa phonebook ng cellphone niya ang number ni Travis. At sa pagkalipas ng ilang minuto ay bumubuo na siya ng mensahe para sa binata.
* * * * *
“Hi! I’m gonna bring you a chocolate cake later. Hope you’ll like it.” Matagal na napatitig sa screen ng cellphone niya si Travis nang mabasa ang message na iyon mula sa isang unregistered number. Kagabi pa siya tine-text ng numerong ‘yun ng kung anu-anong quotes. Ang akala nga niya ay wrong number lang. But this time, may pakiramdam siyang kilala talaga siya ng nagte-text sa kanya.
Nagtatakang napasalampak siya ng upo sa sofa. Wala siyang ni katiting na clue kung sino ang mysterious texter niya. Iilan lang naman kasi ang nakakaalam ng numero niya. At ang totoo ay kailan lang naman siya nagkaroon ng cellphone. Magta-tatlong buwan pa lang siyang gumagamit ‘nun.
Mabagal na tumipa siya ng reply para sa unknown texter niya. “Hu u?”
Pero hindi na nag-reply ang kung sino mang texter niya. Ipinagpatuloy niya ang naantalang pagbabasa ng English textbook na kahapon pa niya pinagtitiyagaang intindihin kahit halos sumabog na ang utak niya dahil para sa kanya ay masyado iyong komplikado.
Marunong siyang magsalita ng straight English pero mahirap palang pag-aralan ang grammar rules.
Hindi pa man masyadong nag-iinit ang puwet niya sa kinauupuan ay bigla namang tumunog ang doorbell. Muli ay nagtaka siya. Wala naman kasi siyang inaasahang panauhin. Wala siyang kamag-anak o kaibigan na inaasahang darating. Una dahil wala naman na talaga siyang kamag-anak. Nag-iisang anak ang mama niya na pumanaw noong labing-anim na taong gulang pa lamang siya. And that was five years ago. Ang ama naman niya ay tanging sa litrato pa lamang niya nakikita. Nasa Cebu naman ang mga kaibigan niya. Doon siya nanggaling bago siya mapadpad dito sa Napocor Village.
Pagbukas niya ng gate ay ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita niya ang babaeng nakatira sa katabing bahay niya na may bitbit na chocolate cake. Honestly, mukha iyong masarap. Wait! Did he just mentioned that it was a chocolate cake?
Ito rin ba ang nagte-text sa kanya simula kagabi hanggang kanina? Malamang! Imposible namang nagkataon lang na chocolate cake ang dala-dala nito.
“Hi! Can I come in?” anang magandang babae na nasa harap niya.
Napatitig siya sa labi nito. Natural na mapula ang labi ng dalaga. Parang masarap halik-halikan. Sigurado siyang mabango ang hininga nito. Mula sa mga labi nito ay umakyat ang mga mata niya papunta sa mata ng babae. Mapupungay ang mga mata nito na bumagay naman sa hugis ng ilong nito. She’s pretty. No, he thought that the word ‘pretty’ is an understatement. She’s beautiful, charming and oozing with s*x-appeal.
Kagaya kahapon ay parang naumid na naman ang dila niya ngayon. Mukhang mapapahiya yata siya sa ikalawang pagkakataon. Kahapon, nang batiin siya nito ay isang simpleng tango lang ang naisagot niya dito dahil hindi niya nagawang apuhapin ang sariling tinig. Siguro ay iyon na ang tinatawag ng iba na ‘batubalani’. Nabatubalani siya sa ganda ng babaeng kaharap ngayon.
“Can I come in?” ulit-tanong ng babae na siyang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.
Nahihiyang napakamot siya sa batok niya. Paano ba ang tamang paraan para itaboy niya ang isang ito? Habang nakatitig kasi siya sa maamong mukha ng babae ay isang bagay ang parang ilaw na gumigitaw sa isip niya: KOMPLIKASYON! Isa itong malaking komplikasyon na hangga’t maaari ay kailangan niyang iwasan habang may pagkakataon pa siya.
“A-ano kasi… may ginagawa kasi ako sa loob.” Naknangpusa! Pati boses niya nanginginig! Bakit ba siya nagkakaganito sa harap ng isang babae? Sanay naman siyang makakita ng magandang dilag na maputi ang kili-kili kagaya ng babaeng kaharap niya ngayon.
Matamis na nginitian siya ng babae dahilan para magwala sa kinalalagyan nito ang puso niya. “Illegal ba ang ginagawa mo sa loob at bawal kong makita?”
Umiling-iling siya. “Hindi naman. Pero kasi…” wala na siyang maisip na dahilan. Ang hirap naman kasing mag-isip lalo na kapag nginingitian siya nito.
“Iyon naman pala eh. Come on, hindi rin naman ako magtatagal. Ibibigay ko lang ‘tong cake na ‘to tapos aalis na rin ako. Promise,” pangungumbinsi pa ng babae.
“Pwede namang ako na lang ang magpasok nyan sa loob.”
“But I insist. Besides, gusto ko ring makita ang loob ng bahay na mo. Matagal na akong nakatira sa village na ‘to pero ni minsan ay hindi ko pa napapasok ang bahay na ito.”
Wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ang babae. Pinatuloy niya ito sa gate at saka laglag ang balikat na sumunod siya dito. Naaamoy niya ang pabangong gamit nito. Sigurado siyang mamahalin iyon at hindi kailanman nagamit ng mga naging ex-girlfriend niya.
Nakita niya ang reaksyon ng babae nang tuluyan itong makapasok sa sala ng bahay. It was the same expression that he had yesterday nang una niyang makita ang loob ng bahay. Every detail of the house represents luxury.
“Wow! This is such a beautiful house,” komento ng babae. “You own this?”
Mabilis na umiling siya. Pero makalipas lang ang ilang segundo ay naisip niyang pagmamay-ari na nga rin pala niya ang bahay na iyon. Pero hindi na niya nagawang itama iyon dahil mabilis na nakagawa ng paraan ang babae para mabago ang takbo ng usapan nila.
“Dahil bago ka pa lang dito, ginawan kita ng chocolate cake. Parang pa-welcome ko na rin sayo. I hope you’d enjoy your stay here in our village. Mababait ang mga tao dito. ‘Yun nga lang, bihira kang makakakita ng tao na nagpapagala-gala dito sa lugar natin. But don’t you worry, andito naman ako. Pwede kitang i-tour dito sa lugar natin. At ang pinakamahalaga sa lahat, I can be your friend.” Sa wakas ay natapos sa pagsasalita ang babae. Natutuwa siya dito dahil naaalala niya ang nanay niya dito na walang preno din ang bibig kapag sinesermunan siya.
“Ikaw ‘yung nagte-text sa akin simula pa kahapon?” tanong niya.
Matamis na nginitian siya nito. “Yeah. I’m Daniella Villacorte, by the way. I live on the next house. Nagkita na tayo kahapon, di ba? Kay Barbie ko nakuha ‘yung number mo. I hope you don’t mind.”
Wala siyang nagawa kundi tanggapin ang inaalok nitong pakikipagkamay. “Travis Paxton.”
“Travis Paxton… Nice name. Wait, mag-isa ka lang ba dito? Where are your parents? Wala ka man lang ba maski katulong?”
Napalunok siya nang wala sa sariling kinagat ng babaeng—oh, Daniella is her name—ang ibabang labi nito. That spontaneous act elicited so much tension on his part. “Look, Daniella, na-appreciate ko ‘yung cake na dala mo at pag-e-exert mo ng effort para i-welcome ako dito sa lugar niyo. But I’m sorry to say this, I don’t need your friendship. Lalong-lalong ayokong magkaroon ng utang na loob sa ibang tao. I’m sorry.”
Nakita niya ang pagtatagis ng bagang ng dalaga. Pero mabuti nang umpisa pa lang ay masabi na niya ditong hindi siya pumunta sa lugar na iyon para makipagkaibigan sa ibang tao. He was there for some reason—reasons that he could not say to her. Hindi na niya pinigilan pa si Daniella nang magpaalam ito sa kanya na uuwi na.
Pero aaminin niyang sa pinakasulok ng puso niya, nakaramdam siya ng lungkot at matinding panghihinayang.
Parang gusto tuloy niyang kantahin ang klasik na kanta ni Imelda Papin na Sayang.
Sayang…