Nakauwi nga si Kanor sa bahay ng kanyang tiyuhin ngunit ang pagkasabik na makauwi at makita ang pamilya ay wala siyang inabutan sa bahay. Hinanap niya ang tiyuhin at nakita ito sa sabungan. “Naku! Paldo na naman si Mando at sahod na naman ang pamangkin niya!” buska sa tiyuhin ni Kanor na hindi napapansin ang pagdating niya dahil nakatago siya sa dami ng mga tao. “Huwag kayong mag-alala at magpapainom ako sa lahat sa inyo. Mabuti at matipid ang pamangkin ko sa labas at nabibigay ang pambistyo ko,” malakas na kwento Ni mando sa mga kasambahay “Akala ko nga ay walang silbi ang batang yon na kinupkop ko lang para nga may mautusan sa bahay. Ngayon binabayaran na mga utang ko ay may pambisyo pa ako,” sabay tawa pa ng tiyuhin ni Kanor. Alam naman ni Kanor na talagang ginagamit lang siya ni M

