Chapter 2

1662 Words
“Kanor, pinakain mo na ba ang mga baka?” tanong ni Buro sa binatang umiinom muna ng tubig dahil sa sobra ng uhaw. “Oho, Mang Buro. Kanina ko pa sila pinakain,” sagot ni Kanor na pawis na pawis. “Dalian mong uminom ng tubig dahil kailangan mo pang ayusin ang bakod ng manukan,” ang utos na naman ng among lalaki sa trabahador kayod kalabaw na hindi pa pumuputok ang araw ay nasa latian na at nagpapakain ng maraming bilang ng mga baka. “Oho, Mang Buro,” ang tugon na lamang ng tahimik na binata na hindi pa kumakain ng almusal o kahit uminom ng kape. Nagbilin na rin si Buro sa iba pang mga trabahador lalo na kay Koko na kanyang kanang kamay. “Narinig mo naman siguro si Mang Buro, Kanor. Bilisan mo at marami ka pang gagawin,” ang sabi ni Nonong habang nakangisi. “Baka pwedeng ikaw na muna ang magbuhat ng mga palay, Nonong. Aayusin ko pa kasi ang kulungan ng mga manok,” pakiusap ng binatang si Kanor sa kanang kamay ng kanilang amo. “Aba! Inuutusn mo na yata ako, Kanor? Gawain mo ang magbuhat ng palay kaya ikaw ang gumawa niyan. Sayo nakatoka yan kaya huwag mong ipasa sa akin,” kontra ni Nonong. “Baka kasi magtagal ako sa pag-ayos ng kulungan kaya nakikisuyo lang sana ako sayo,” giit ni Kanor. “Problema mo na yon, Kanor. At saka, may gagawian akong iba. Magwawalis pa ako sa paligid ng bahay ng amo natin kaya diyan ka na. Maiwan na kita at gawin mo ang lahat ng utos sayo kung ayaw mong malintikan kay amo,” bilin pa ni Nonong at saka na nga iniwan si Kanor. “Saan ka pupunta? Nagdala ako ng kape. Magkape na muna tayo,” si Cha-cha ang kasintahan ni Nonong na kasambahay ng mag-asawang Ligaya at Buro. Kumuha naman si Nonong ng isang tasa ng kape sabay simsim pa para tikman. “Ang sarap talaga ng kape mo, Cha-cha. Kaya lalo kitang minamahal, eh,” pang uuto pa ni Nonong sabay halik pa sa pisngi ng kasintahan. “Nang uto ka na naman. Mabuti pa dalian mo ng magkape habang hindi pa nagigising si Aling Ligaya at hindi pa nakikita na marumi pa ang paligid ng bakuran,” ang sabi ni Cha-cha sa kasinatahang si Nonong. “Pupunta na ako roon. Ibigay mo na yang kape kay Kanor at marami pang gagawin yan. Lagot siya kay Mang Buro oras na hindi siya makatapos sa mga inutos sa kanya,” ani pa ni Nonong saka na naglakad palayo kay Kanor at kay Cha-cha. “Magkape ka na muna, Kanor. Nakita ko kanina na mabilis kang naglalakad patungong latian kaya alam kong kanina ka talaga gising at wala pang kahit na anong laman ang tiyan mo,” sabay abot ni Cha-cha ng baso na naglalaman ng mainit na kape kay Kanor. “Salamat sa kape, Cha-cha,” kiming pasasalamat ng binata at saka na nga humigop ng mainit na likido upang malamnan na ang kumakalam na sikmura. “Saglit at may dala pa ako para sayo,” ani ni Cha-cha at saka tumingin-tingin sa paligid sabay suksok ng kanang kamay sa malalim na butas ng kanyang saya. “Tinago ko talaga ito para sayo, Kanor. Kainin mo na para magkalaman ang tiyan mo,” sabay abot na naman ni Cha-cha ng isang plastik na naglalaman ng sinangag na kanin at pritong itlog. “Cha-cha, salamat pero sana ibinigay mo ito kay Nonong dahil siya ang kasintahan mo,” sambit ni Kanor na bantulot kunin ang pagkain na inaabot ng dalaga. “Huwag mong alalahanin si Nonong, Kanor. Kumpara sayo ay makapal ang mukha ng isang iyon. Siguradong diretso na yon sa kusina ng bahay at pasimple ng kakain habang wala si Mang Buro at tulog pa si Aling Ligaya. Samantalang ikaw ay kanina pa nagtatrabaho pero wala pang almusal man lang. Kaya kainin mo na yan. Sayo talaga yan,” paliwanag ni Cha-cha. “Salamat, Cha-cha. Salamat at inaalala mo ako,” pasasalamat muli ni Kanor at saka na nga naghugas ng kamay sa poso na nasa maliit na kubo na nagsisilbing pahingahan ng mga trabahador ng rancho na gaya niya. May mga kagamitan din gaya ng mga pinggan at baso kaya inilagay na ni Kanor ang pagkain na nakalagay sa supot sa pinggan at inumpisahan ng kumain dahil talagang gutom na gutom na siya. “Pasensya ka na, Cha-cha kung ganito ako kumain. Sadyang gutom na lang talaga ako,” paghingi ng pasensya ni Kanor sa dalagang nagmamalasakit sa kalagayan niya. “Huwag mo akong alalahanin, Kanor. Huwag kang mahiya dahil sino ba naman ang makakaintindi sa mga gaya natin kung hindi tayo lang din naman hindi ba? Pasensya ka na at iyan na lang ang nadala ko sayo dahil tira na lang din yan ni Mang Buro,” pahayag pa ni Cha-cha na hindi pa iniiwan si Kanor. Tumango na lang si Kanor at pinagpatuloy ang kanyang pagkain at pag inom ng kape. “Kanor, may kasintahan ka na ba?” tanong ni Cha-cha habang pinapanood kumain si Kanor. Umiling naman ang binata. “Talaga ba? Sa gwapo at kisig mo na yan ay wala kang kasintahan?” mga tanong muli ni Cha-cha. “Wala akong panahon sa mga ganyan, Cha-cha. Ang gusto ko ngayon ay makabayad na ng utang kay Mang Buro ng sa ganun ay may sumosobra na sa dapat kung sinasahod,” ang tugon ni Kanor. “Oonga pala at may utang ang Tsong mo kay Mang Buro. Kung bakit naman kasi pumayag ka na ikaw ang magbayad ng utang ng Tsong mo. Ikaw tuloy ang napapagod sa hindi mo naman pinakinabangan,” komento ni Cha-cha. “Si Tsong Mando kasi ang kumupkop sa akin ng maulila ako sa aking pamilya kaya bilang pagganti ng utang na loob ay pumayag ako na humalili sa kanya rito sa rancho,” ang paliwanag naman ni Kanor kung bakit pumayag siyang magpakahirap magbayad sa utang ng kanyang tiyuhin. “Pero kahit na, Kanor. Ang laki kaya ng utang ng Tsong Mando mo. Hindi na nga bale kung ginagastos niya sa pamilya niya pero hindi. Ang lakas kaya magwaldas ng Tsong mo sa sabungan. Malaki ang pusta niya pero madalas talo kaya nabaon siya ng utang kay Mang Buro,” saad pa ni Cha-cha. Bahagyang napatigil sa pagnguya si Kanor dahil wala siyang alam na nagsasabong ang kanyang tiyuhin. “Hayaan mo na at may utang na loob pa rin ako dahil kung wala si Tsong ay hindi ko alam saan ako pupulutin. Wala na akong ibang pamilya kaya sila lang ng pamilya niya ang matatawag kong pamilya,” malungkot na kwento pa ni Kanor. “Bahala ka, desisyon mo naman yan at katawan mo naman ang napapagod,” ingos ni Cha-cha dahil talagang naaawa siya kay Kanor. “Salamat ulit sa pagkain at kape, Cha-cha,” pasasalamat muli ni Kanor ng matapos sa pagkain. Agad niyang hinugasan ang plato na ginamit at tinaob sa banggerahan. “Sige at babalik na akong muli sa bahay at baka gising na si Aling Ligaya. Tanghali na siyang nagigising palibhasang maraming pera pambayad sa ating mga utusan. Baka kaya hindi sila makabuo-buo ng anak ni Mang Buro ay nababalot na ng taba ang matris ni aling Ligaya,” ani pa ni Cha-cha na waring nayayamot sa among babae. Sa ilan taon na kasing pagsasama ng mag-asawang Buro at Ligaya ay wala silang anak kahit isa dahil hindi nagbubuntis ang babae. “Palagay mo, Kanor? Sino kaya ang may diperensya sa mga amo natin at hindi pa sila magkaroon ng anak?” tanong ni Cha-cha kay Kanor. “Hindi ko alam, Cha-cha. Wala rin naman kasi akong alam tungkol sa ganyang usapin,” inosenteng sagot ni Kanor. “Ganun ba? Huwag mong sabihin na virgin ka pa, Kanor? Hindi ka pa ba nakakagalaw ng babae?” diretsahang tanong ni Cha-cha sabay lapit ng mas malapit kay Kanor. “Ha? Nakakagalaw? Hindi pa, Cha-cha. At wala akong balak na magkaasawa dahil baka maging mas mahirap pa kami sa daga sa oras na magkaroon ako ng anak,” ang sagot din naman ni Kanor. “Anak agad? Marami namang paraan para maiwasan ang pagbubuntis, Kanor. Kita mo nga kami ni Nonong. Basta marunong namang mag-ingat ay hindi ka makakabuntis. Sayang naman ang kakisigan mo kung takot ka pa lang makipagrelasyon. Palagay ko pa naman ay mahaba at sobrang tigas ng pang bayo mo at sobrang sarap mo sigurong bumayo,” sabay baba ng tingin ni Cha-cha sa nakaumbok na hinaharap ni Kanor. “Anong ibig mong sabihin sa sobrang sarap kong bumayo, Cha-cha?” inosenteng tanong na naman ni Kanor. “Kanor, wala ka talagang alam sa kung saan mas masarap ang luto, ano? Napaka inosente mo sa kabila ng ikaw ay lalaking may kaakit-akit na kakisigan,” matalinghagang sambit ni Cha-cha sabay hawak sa malapad na dibdib ni Kanor. “Cha-cha, bakit ka nakahawak sa akin? Baka makita tayo ni Nonong at mag-isip ng hindi maganda tungkol sa atin,” at saka dumistansya paatras si Kanor para makalayo kay Cha-cha. Tumawa ng mahina si Cha-cha. Tawa ng tila ng aakit. “Hayaan mo si Nonong, Kanor. Huli ka na lang kasing dumating kaya siya ang naging kasintahan ko. Kung nauna ka lang ay baka ikaw ang nobyo ko dahil mas gwapo at mas magaling kang bumayo kaysa kay Nonon,” sabay kagat pa sa ibabang labi ni Cha-cha at saka pa malanding kumindat sa binatang kasama. Napalunok na lang si Kanor at saka mas lumayo pa sa dalaga. “Sige, Cha-cha. May mga gagawin pa ako sa manukan pagkatapos ay magbubuhat ng mga sako ng palay sabay ibabayo,” tila nagmamadaling pag-iwas ni Kanor. “Mag-ingat ka Kanor. Nakakainggit naman ang mga palay na yan at binabayo mo. Sana sa susunod, ako naman ang bayuhin mo,” nang-aakit pang bilin ni Cha-cga sabay kaway pa sa papalayong si Kanor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD