“Himala at hindi ka yata umalis ngayong araw para gumala?” ang tanong ni Buro ng mabungaran ang asawa na si Ligaya na nasa sala at hindi nakagayak ng bihis para umalis ng bahay. “Himala rin naman sayo at narito ka? Wala bang sabong ngayon? Walang kang mga kasugal?” ang ganting tanong din naman ni Aling Ligaya na nakaupo lang sa malambot na sofa kanilang maluwag na sala. Mariin na tumitig si Buro sa asawa na mukhang iba ang dating ng aura. Para ba itong hindi naiinis sa kanya o kaya nagagalit dahil sa hindi niya ito binibigyan ng pansin kahit pa mag-asawa sila. “Teka nga, bakit parang may iba sayo ngayon?” ang tanong pa ni Buro na pinagkrus pa ang matitikas na braso sa harap ng kanyang malapad at matigas na dibdib. “Ano namang naiba sa akin, Buro. Huwag mong sabihin na ngayon mo pa lang

