Chapter 54

1243 Words

“Day-off mo ba?” tanong ni Aling Ligaya kay Buracha na nagpapapaalam na uuwi muna sa kanila para ihatid ang saho niya sa kanyang pamilya. “Opo, Aling Ligaya,” magalang na sagot ng dalagang kasambahay. “Sige, umuwi ka na para agad kang makauwi sa pamilya mo,” ang malumanay din na sagot ng among babae. Nagtataka si Buracha dahil kadalasan kapag nagpapaalam siyang day off niya ay kung anu-anong naririnig niyang sermon sa among babae. Pero heto at pinagmamadali pa siyang umuwi para agad makauwi sa kanila. “Salamat po, Aling Ligaya. Maaga naman po akong uuwi bukas,” ani ni Buracha. “Kahit mga hapon na. Hindi rin naman ako aalis kaya may tao rito sa bahay.” Gusto hawakan ng dalagang kasambahay ang kanyang among babae para mahipo ang noo at leeg nito kung mainit ba at nilalagnat dahil talag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD