Inihatid ni Kanor ang dalaga bahay ng mga amo dahil baka abangan ni Nonong ang nobya habang naglalakad at gawan ng masama. Pagdating sa bahay ay nakita ni Cha-cha na nakasakay si Aling Ligaya sa sasakyan na kasama si Nonong. “Cha, bahala ka na muna sa bahay at may pupuntahan lang ako. Isasama ko si Nonong at may mga ipapabuhat ako,” bilin ni Aling Ligaya na napangiti ng matamis ng makita si Kanor. “Opo, Aling Ligaya,” tugon ng dalagang kasambahay. “Papasukin mo si Kanor sa bahay at pakainin mo pa,” utos ulit ng amo sa dalaga bago pa umalis. “Kung saan man pupunta si Aling Ligaya ay sana sa malayon-malayo tapos iwanan na niya ang mayabang na Nonong,” sambit ni Cha-cha bago sila pumasok ni Kanor sa malaking bahay ng mga amo. “Maraming salamat, Kanor. Salamat sa pagtulong at pagtatanggo

