Nagpasama nga si Aling Ligaya kay Kanor patungo sa kanyang abogado para isaayos ang lahat ng mga dapat ayusin tungkol sa kanyang mga lupain at ng mabenta niya na ang lahat. “Siguradong mabebenta lahat ang mga lupang yan dahil nga matagal ng maraming may interesado diyan. Ayoko lang ibenta dahil nga mga mana ko yan sa mga magulang ko na galing pa sa mga magulang nila. Pero dahil wala naman kaming mga anak ni Buro ay dapat lang na ibenta ko para mapakinabangan ko kahit paano,” lahad ni Aling Ligaya kahit hindi naman nagtatanong si Kanor. “Tama naman ho, Aling Ligaya. Dapat lang na mapakinabangan niyo. Marami kayong magagawa sa pera na pagbebentahan kung sakali,” ani naman ni Kanor na marunong ng magmaneho. “At saka, wala na akong tiwala diyan kay Buro. Hindi ko maintindihan kung bakit gan

