“Kanor, huwag mo na lang sanag masabi sa iba ang nakita at mga narinig mo,” ang pakiusap ni Cha-cha kay Kanor. “Bakit ko naman sasabihin sa iba? Sa susunod kasi ay huwag kayo sa kung saan-saan ni Nonong. Lalo ka na at babae ka. Pwede kang mabosohan ng ibang mga lalaki na kasama natin dito sa rancho,” sermon ni Kanor na patuloy lang sa pag aayos ng mga dayami. “Ayoko rin naman, Kanor. Kaso pinipilit ako ni Nonong. Sinabi ko naman sayo ang dahilan kung bakit hindi ko siya mahiwalayan diba?” katwiran pa ni Cha-cha. “Buhay mo naman yan. Ikaw naman ang bahala,” saad pa ni Kanor. “Kanor, nakakahiya naman sayo at nakita mo kami ni Nonong sa malaswang eksena. Paumanhin at nadungisan na ang ka inosentahan mo,” wika pa ni Cha-cha. “Huwag mo ng isipin yon, Cha. Mabuti nga at ako na lang ang nari

