“Anong pinag uusapan niyo ni Buracha?” bungad na tanong ni Aling Ligaya habang minamaneho niya na ang kanyang sasakyan at sakay na rin si Kanor. “Wala namang importante, Aling Ligaya. Natural na usap lang,” sagot ni Kanor dahil hindi naman niya puwedeng sabihin na pinapaalalahanan siya ni Cha-cha na mag-ingat sa kanilang mga amo. “Huwag ka ngang masyadong magdidikit diyan sa babaeng yan, Kanor. Malamang na nilalandi ka ni Buracha lalo pa at wala yang si Nonong,” waring naiirita na pagbabawal ng among babae sa binatang tagabayo ng palay. “Hindi naman ho kami masyadong malapit ni Cha-cha, Aling Ligaya. Madalas lang kaya kami nakakapag usap ay kapag hihingi ako ng kape sa gabi o kaya naman ay kapag nagdadala siya ng pagkain para sa aming mga trabahador ng rancho,” paliwanag at pagsisinung

