“May pumalo sa ulo ko, Man Buro. Nakatalikod ako kaya hindi ko nakita ko sino,” ngingit na ngitngit ang kalooban ni Nonong dahil may pumalo sa ulo niya ng nasa loob siya ng bodega ng mga palay ngunit hindi niya nakita kung sino. Bukod sa nakatalikod siya ay nawalan pa siya ng malay pagkapalo sa kanya. “Sino naman kayang gagawa niyan sayo? At anong dahilan bakit ka naman pinalo sa ulo?” takang tanong ni Mang Buro dahil pinagkakatiwalaa niya si Nonong sa mga tauhan. “Wala naman akong nakakaaway sa mga kasamahan ko, Mang Buro. Kaya hindi ko rin alam kung bakit may nananakit sa akin,” sagot ni Nonong. “Hindi kaya nais na magnakaw sa bodega natin?” sapantaha ni Mang Buro dahil nga sa bodega ng mga palay nangyari ang pananaki kay Nonong. “May magnanakaw ho ba ng umagang-umaga? At saka ho may

