“Sa lahat naman talaga ng dapat kagatin ng bubuyog ay doon pa talaga?” ang natatawang tanong ni Kanor sa isip ng maalala na naman si Cha-cha. Manghihingi na siya ng mainit na kape para agad makapagbayo ng mga palay. Alam niyang kahit alas kwatro pa lamang ng madaling araw ay gising na talaga ang dalaga pwera na lang kung nilagnat ito gawa ng kagat ng bubuyog. Bukas na ang ilaw sa sala ng bahay ng mga amo nila kaya umikot na si Kanor sa kusina at doon kakatok para marinig ni Cha-cha. “Cha, nariyan ka na ba? Hihingi na sana ako ng kape,” sabi ng binata at saka kumatok ng mahina sa harap ng pinto. Bumukas ang pinto ngunit sa halip na si Cha-cha ang bumungad ay si Aling Ligaya ang nagbukas. “Aling Ligaya, magandang umaga. Akala ko ho si Cha-cha kayo. Manghihingi lang sana ako ng mainit na

