ESMERALDA SHANTI " Mamita, we miss you, po!" Sabay sabay na bati ng triplets sa kanilang Lola saka yumakap at humalik ng makalabas sila sa sasakyan. Nakaabang na si Mommy malapit sa gate ng bahay. Hindi na si Mommy makapaghintay pa na pumasok ang sasakyan sa loob. Pag hinto ng sasakyan sa tapat ng ng gate ng bahay kaagad na lumabas din ang triplets para salubungin ang kanilang Lola. Ang akala mo kung taon na, hindi sila nagkita. N'ong isang araw lang naman. "Mga apo ko, mabuti at narito na kayo. Kamusta ang byahe, napagod ba ang mga apo ko? Kamusta ang Pilipinas mga apo? Gusto niyo ba dito?" Tanong kaagad ni Mommy sa kanyang mga apo. Nakaka panibago, after six years nakabalik ako ulit sa Pilipinas. "It's cool Mamita." sagot ni Sean sa kanyang Lola. "It's so hot! Mamita, and very crow

