ESMERALDA/SHANTI WEINSTEIN Isang linggo nang lumabas si Daddy mula sa ospital. Mabuti nalang at sa binti lang ang kanyang natamo mula sa pagka bangga ng sasakyan sa kanila. Hindi daw nakita nang driver sa kabilang sasakyan na may patawid na bata. Kaya minaubra niya ang makina pa kaliwa, na naruon ang sasakyan ni Daddy. Dahil wala naman may gusto sa nangyari nagkausap lang ng maayos ang magkabilang panig. Isang linggo na rin na hindi kami masyadong nag usap ni Arogante dahil siya ang nag aasikaso kay Daddy. Pero araw araw pa rin nagbibigay ng bulaklak. At Parang himala nga na naging close na sila ni Daddy at Kuya pati si Mommy. Palagi kong nakikita na kapag nag uusap sila laging tumatawa si Daddy. Iba nuon na kapag makita ni Daddy si Arogante sa bahay nag iiba ang kanyang itsura na parang

