Epilogue - Airson Quel Monterealez

1202 Words
Malia Raquel Siento Monterealez "Sige mag-iingat kayo, lalo ka na Airisha..." "Opo, Mommy. Kayo rin po. Mamimiss ko kayo... Ikiss niyo po ako kay baby brother ko..." Mababaw akong ngumiti. Hindi nagtagal nagpaalam na rin ako. Humugot na lang ako ng malalim na buntong-hininga. Hindi ako mapakali. Siguro ay dahil ito sa balitang sinabi ni Airisha. She was ten years old right now. Apat na taon na rin ang lumipas nang mabalik si Airisha sa totoong mga magulang niya, sina Erion Toscano at si Erika. But still, she was calling me Mommy and daddy for Airol too. We don't have any problem with that, para na rin naman namin siyang tunay na anak. We love her. Sa mga lumipas na taon, hindi naging madali ang magpatawad pero unti-unti, lahat kami ay natutunang magpatawad. Nakikita ko naman na kahit hirap si Airol noon ay sinikap niya pa rin na patawarin si daddy. Until now nasa Amerika pa rin si daddy at Mommy. Tuluyan ng nalumpo si daddy sa pagkawala ng mga paa nito pero mabuti na lang nandyan si Mommy at palaging nakaalalay kay daddy. Ang gusto sana ni Mommy ay magpaartifical Legs si Daddy ngunit ayaw naman nito dahil kabayaran daw iyon sa lahat ng kasalanan na nagawa niya. Tuluyang napabuti ang lahat lalo na ng isilang ko si Airson Quel Monterealez. He's already three years old. Super cute ng baby ko. Hands on talaga ako sa kanya. Ni ayaw ko nga siyang mawala sa paningin ko. Siguro natrauma lang ako sa panganay na anak namin na namatay. Every month binibisita namin ang baby ko. Ang daldal ni Airson kapag nagpupunta kami sa ate niya. Hindi pa naman buo ang salita niya pero kung makadaldal akala mo tuwid magsalita. Napatawa na lang ako. Para kasing ang dami niyang ikinukwento sa ate niya. Its a good thing, even though hindi naman nakita ni Airson ang ate niya, para bang kilalang-kilala niya ito. Sigurado ako na kung nabubuhay siya, magiging close sila at protective to each other. Natigilan ako nang may pumulupot na braso sa aking bewang. Isinandal nito ang baba sa aking balikat. Bahagya nitong hinimas ang medyo flat kong tiyan. Tila ay hinehele ako sa kanyang ginagawa. "What's the problem, hmmm?" He lightly kiss my shoulder that gives shiver in my whole system. Umiling ako. Niyakap ko ang mga braso niyang nakapulupot sa aking Tiyan. "Nag-aalala ako kay Airisha..." "She'll be alright. She's with her parents. Don't worry too much." "Kahit na... Malaki pa rin ang epekto ng aksidenteng 'yon sa pamilya nila..." Muli itong humugot ng hininga. Hinarap niya ako sa kanya. Ipinulupot ang isang braso sa aking bewang samantalang ang isa ay hinawakan ang aking pisngi at marahan na hinimas ng hinalalaki nito ang aking pisngi. Mariin siya tumitig sa akin. Bayolente akong lumunok ng magsimula na lumakas ang kabog ng aking dibdib. Hanggang ngayon patuloy ko pa rin itong nararamdaman kapag nasa malapit si Airol. Ang malakas na pagtibok ng puso ko na sa kanya ko lang nararamdaman. I will always love him... "Kaya nga sila pupunta sa ibang bansa para makalimot. They will be alright. Hmmm? Tsk. Stop worrying. Don't stress yourself..." Unti-unting bumaba ang paningin nito sa aking tiyan at pagkatapos ay ngumisi. "Baka pati si baby ay mastress din." Ngumuso ako. Bahagya ko siyang pinalo sa matigas nitong dibdib. Dumaing ito at nagkunwari na nasaktan bago bahagyang natawa. I'm two months pregnant. Magkakaroon na kami ng baby number three. Ngumisi ako, ang siraulo, hindi talaga ako titigilan hangga't hindi ako nabubuntis. Gusto niya daw ng babae. Kahit anong tanggi ko naman na bata pa si Airson, ayaw pumayag. "What?" Mangha na tanong ko sa kanya. Malaki kasi ang ngisi nito. Marahas na lang ako na lumunok ng makita sa mga mata nito ang pagnanasa. "Bakit gumaganda ka sa paningin ko, love? Araw araw mas gumaganda ka lalo..." Ngumuso ako para pigilan ang mapangiti pero unti-unti iyon kumawala sa aking labi. Hindi ko napigilan. Bahagya pa akong natawa kaya tumawa din ito ng malakas. "Bolero... may laman na ang tiyan ko Mister... huwag mo na akong akitin!" Mas lalo siyang natawa. Kalauna'y lumunok. Napasunod ang tingin ko sa umalon niyang adams apple. Tila nanuyo ang aking lalamunan. "Want to kiss me?" mapang-akit na sabi nito. Wala sa sariling napatango ako. Kumislap ang kanyang mga mata. Namalayan ko na lang na naglapat na ang aming mga labi. Tila ay sabik na sabik ito na halikan ako kahit na maya-maya naman niya akong hinahalikan. Mas lumalim ang aming halikan hanggang sa maramdaman ko na lumapat na pala ang aking likod sa kama habang siya ay nakakubabaw sa akin. "I love you..." Mahina kong sabi. Marahan kong hinimas ang kanyang pisngi. Pumungay ang mga mata nito. Nagbaba ang kanyang ulo at panaka-nakang hinahalikan ang aking labi. "Mas mahal kita, love... Mahal na mahal kita..." THE END... Thank you so much for reading my story po! Here's the story of their son; AIRSON QUEL MONTEREALEZ entitled, "Desire between the war" Airisha Toscano, Quincy Agoncillo, and Airson Quel Monterealez Story. Synopsis; DESIRE BETWEEN THE WAR Matagal ng magbusiness partner ang mga Toscano at Agoncillo ngunit sa hindi pagkakaunawaan, nagkaroon ng hindi inaasahan na hidwaan sa pagitan nila. Isang pangyayare ang naganap ng mabaril ang lalaking Agoncillo ng hindi kilalang rider in tandem. Isinugod ito sa Hospital ng mga Toscano. Bumuti ang lagay nito ngunit, kinabukasan, nagulantang ang lahat ng mamatay ito. Sa isip nila ay may anumalyang nangyare. Labis na galit ang naramdaman ng angkan ng Agoncillo lalo na ang anak ng lalaking Agoncillo na sina Ramon and Quincy Agoncillo at nagkonclude na ang mga Toscano ang may kasalanan dahil sila lang ang nakaaway ng kanilang ama. Labis ang galit nila sa mga Toscano at hindi pinayagan na bumisita sa burol ni Agoncillo. While on the other hand, the same day of Agoncillo's burial, is the same day that Toscano family will be leaving and migrate to America but on their way, unexpected thing happened, they ambush. Erika and Erion died because of that. Airisha cried and left by her parents again. Sobra ang galit ni Airisha sa mga Agoncillo dahil ito lang ang pwedeng gumawa no'n sa pamilya nila. Muling kinupkop ng mga Monterealez si Airisha at nanirahan sa Isla. Lumipas ang panahon, Mula sa ibang bansa, umuwi na sa kanyang bansa si Quincy at nanirahan sa kanyang Tito, which is sa Isla ng mga Monterealez. Airisha and Quincy's paths crossed that leads them to revenge to each other. Airson entered and was between of the war. Pagkamuhi ang naramdaman ni Airson sa pamilya ni Quincy dahil sa nangyare sa mga magulang ng ate Airisha niya. But what if, hindi na lang hidwaan ng pamilya nila ang dahilan ng galit nila sa isa't-isa? Paano kung ang galit nila sa isa't-isa ay dahil na kay Airson? Paano kung ang dalawang babae na ito ay si Airson na ang ipinaglalaban at hindi na ang nangyare sa nakaraan? Ano nga kaya ang mangyayare sa hidwaan ng dalawang pamilya at pati ang Monterealez ay nasali sa pagitan ng dalawa? ____ Erika and Erion Toscano Story entitled, "Words against her" ____________________________ ____________________________ M. Exclusive Island Series 2: Blazing Fire ©Khay2626 ©Copyrights 2022. All Rights Reserved, 2022.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD