May mga panahong hindi ko maawat ang sarili sa tuwing sinisisi ko ang langit. May mga pagkakataong nananahimik na lang at walang magawa kundi tanggapin ang masakit na kapalaran. May mga panahong tumataliwas ako sa agos kahit alam kong hindi na ito ang itinatakda sa akin ng tadhana. Pero bakit? Bakit sa dinami-dami ng taong paglalaruan, bakit ako pa? Delubyo ang araw-araw kong pagmulat. Na sa pagbangon ko tuwing sasapit ang umaga, ang pumapasok kaagad sa isip ko ay ang kahilingang dumating na sana ang dapit-hapon. Wala akong ibang nasa isip kundi ang katapusan ng araw dahil hindi ko nanaising dumanas muli ng lungkot at hirap na para bang sa akin na lang ibinubuhos. I have to learn that life is not all about butterflies and rainbows for life is full of storms and tornadoes. Pero bak

