The next two days went fine. Nagkaroon ng general orientation para sa mga freshmen at na-pressure ako sa bigat ng expectations na ibinato nila sa amin. Kaunti lang kasi ang binabayaran dito kung kaya't kailangan naming patunayan na karapat-dapat kami rito.
Taliwas sa suporta ng mga magulang ni Leila, ibang-iba ang pananaw ng pamilya ko tungkol dito. They prefer me taking accountancy or legal related courses on big four universities like Ateneo and La Salle. Kaya lang ayaw ko, desidido na talaga ako sa nais ko at ayaw ko nang magbago pa ng desisyon.
Organic Chem ang subject namin ngayon and surprisingly, majority sa mga hard sciences ay si Cullen 'yong nakasasagot sa mga tanong ng prof. I didn't expect him doing that well in science subjects knowing he took Law way back. Pero nakakagulat lang na parang scientific-inclined ang katalinuhan niya.
"Naka-ilan ka kanina?" tanong ni Leila. Isa-isang nagsilabasan ang mga estudyante sa room para sa next subject ngunit naiwan muna kaming nakaupo rito para makapag-refresh, hindi ko kinaya ang quiz!
I rolled my eyes and looked at my watch. May fifteen minutes pa ako para magpapetiks dito.
"Pasado naman, pero ang baba ng 15."
"Knowing na masyado kang grade conscious." Tumawa siya at tumayo. Tiningnan niya ang sched sa cellphone niya at nagpaalam sa akin. Tumango lang ako at dumukdok nang makalabas na siya.
Napaisip ako bigla sa nangyari noong huli kong punta sa japanese resto. Nakaka-miss pero nakakairita rin. Hindi ko alam kung magjowa ba ang dalawang iyon pero base sa kinikilos nila ay oo. Anyway, ano bang pakialam ko?
Matapos ang limang minuto ay nag ayos na ako ng gamit at tumayo. Pero nang tingnan ko ang buong paligid ay para akong ninakawan ng hininga. Bakit hindi pa umaalis si Cullen?
Kaming dalawa na lang pala ang nandito!
Still, I managed to calm myself as I went out of this room. I don't want any involvements, kuntento na ako sa mga problemang mayroon ako, ayoko nang madagdagan kung sakaling may hindi man ako magandang magawa.
Next class was never hassle. Okay naman ako dahil more on general bio ang natalakay. A sort of refreshments from senior high yet I can now imagine how difficult it is when hell comes. Kung okay na kina Papa at tanggap na nila ang lahat, then makakabawas sa pasanin.
Saktong alas singko y media ako nakauwi ng bahay, pasan-pasan ko pa ang mga libro na nirekomenda ng prof namin na kabibili ko lang din kanina sa NBS. Pagpasok ko ay bumungad kaagad ang malamig na mga mata ni Papa, na sa gulat ko ay bahagya ko pang natutop ang aking bibig.
Pinagmasdan ko ang hawak niyang papel at may iilang mga papeles na matatagpuan sa sofa. Hindi ko na inalam kung ano iyon dahil baka related sa trabaho pero nang bigla siyang nagsalita ay para bang tumigil ang mundo ko.
"Jane," he whispered, calling me on my second name. Siya lang ang tanging nagtatawag nito sa akin at nasasambit lamang niya sa oras na seryoso ang nais niyang pag-usapan. Kilalang abogado ang papa ko, sa katunayan ay napakarami na niyang naipanalong kaso, kasangga niya rin si Mama dahil madalas naman silang nagtutulungan.
Nakalulungkot man isipin pero batid ko ring nais nilang ipagpatuloy ko kung ano na ang nasimulan nila. Nasasaktan ako at nagagalit sa sarili dahil hindi nananalaytay sa dugo ko ang pumasok sa abogasya. Gusto nilang mag pre-law ako. Pre-med naman ang nais ko. Sa layo ng mundong nais ko sa mundong nais nila para sa akin, unti-unti akong nawawalan ng gana sa pamilyang ito na manhid sa gusto ko maging.
"I won't," sagot ko at padarag na binagsak ang mga libro sa lamesang halos katapat lang niya. Binaba ko ang bag ko at matalim ang mga matang ipinukol sa kanya.
When I met his sharp gaze, I felt fear. I felt pain. I felt torment. He's still my dad afterall. He deserves my respect. He deserves to feel how his daughter treats him more than a father.
But everything's enough. I'm tired of their plans!
"Take what you want. Still, I'll push you into law—" I cut him off and pointed my finger right into his face.
"Really?" My tears began to stream like an idiot mourning in a dead end. I confronted him with eyes now certain for decision. And that decision is to break their rule and I'll follow mine.
"Ito ba ang gusto mong mangyari sa anak mo? Ang dumanas sa bagay na hinding hindi naman gusto? Bakit pilit niyo akong dinadarag sa pesteng abogasya na 'yan? Pa! Tanggapin niyo naman ako. Nakakasawa na!"
He hissed, as if he knew better. Parang dinaanan ng patalim ang sugat sa puso ko. "Tatay ko ba talaga kayo?"
"Frances!" Mom exclaimed from behind. Na-estatwa ako nang makita ko ang galit niyang mga mata at nakapukol iyon sa akin.
Mas lalo akong naluha. I can't believe that this s**t is already happening.
"Why are you still doing this to me? Ma, Pa. Hayaan niyo ako sa gusto ko, hayaan niyo naman ako maging masaya sa tatahakin ko—"
"Anong mapapala mo sa pagiging doctor?" sigaw ni Papa. Napapikit ako, bakit ba ayaw nila akong pakinggan?
"At anong mapapala ko kung hindi ko naman gusto ang tinapos ko?" Ang sagot kong iyon ang dahilan kung bakit napansin kong napabuntong hininga si Papa, na para bang suko na siya. Si Mama naman ay hindi nagsalita. Hindi ko alam kung sasagutin ang tanong ko o hahayaan akong naghuhurumentado rito.
Pagod na ako. Pagod na kami.
But as I can clearly see how Papa made his way away from us, I heard him utter words that merely broke me into pieces. I kept on thinking that this is just a dream but I deserve more than this. I know I don't deserve this family.
"Go and chase your dream. Leave."
***
I can't pretend that nothing happened last month. Parang kahapon lang pero malinaw pa rin sa akin hanggang ngayon kung paano ako pinagtabuyan ng sarili kong pamilya. Ni hindi ko nakita ang sarili kong ngumingiti kahit pa masaya naman ang bawat pagkakataon. Nakalimutan ko na rin yatang tumawa.
Naging mahirap sa akin ang bawat araw. Lalo na't biglaan iyon at kinailangan kong maghanap ng matitirhan. Ang akala ko noong araw na iyon ay babawiin ni Papa ang sinabi niya sa akin, pero pati yata si Mama ay naging sang-ayon na sa paglisan ko.
Nilakasan ko ang loob ko, lalo na't sarili ko na lamang ang kakampi ko. Na kahit gabi na ay naghahanap pa rin ako ng mapagtutulugan. I called Leila several times at nakiusap kung pwede muna ako makitira sa kanila, but it turned out that her strict parents don't allow someone into their home, kahit sleepover lang. Pinaliwanag naman sa akin ni Leila at doon ay naintindihan ko naman, na trauma raw sa dating nanloob sa kanilang tahanan, kasabwat ang dating kaibigan na pinatuloy doon ng dalawang gabi.
Habang nagkakabisa ng scientific names para sa botany class bukas ay biglang may kumatok nang malakas sa pinto ng apartment ko, na dati ay pahirapan kong nahanap at napakiusapan. Malakas iyon, puno ng panggigigil. Huminga ako nang malalim at tumayo mula sa pagkakahiga. Pinagbuksan ko ng pinto ang landlady na mainit ang ulo.
"Ano ba? A-kinse na ng buwan oh, hindi ka pa ba magbabayad?"
Biglang naghurumentado sa kaba ang puso ko. Nakalimutan kong schedule na pala ng bayad ko ngayon. Pero hindi ko pa natatanggap ang sahod ko sa pinagtatrabauhang fast food.
"Sensya na po, magbabayad po ako agad kapag natanggap—"
"Kapag natanggap mo na ang sahod mo? Ineng! Paulit-ulit na 'yan ah? Puta, eh kung palayasin kaya kita?"
"S-sorry po, gagawa po agad ako ng paraan para makapagbayad agad, humihingi lang po ako ng palugit. Pasensya na po," pagmamakaawa ko. Kulang na lang ay duraan niya ako sa inis kaya nang maglaho na siya sa paningin ko ay para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.
Agad kong sinara ang pinto at bumalik sa study table. Binalikan ko ang mga numero ng kumpanya na pwede kong pasukan dahil magre-resign na talaga ako sa fast food na iyon. Hindi makatarungan ang sahod, bilang isang working student na hindi na umaasa sa magulang at pinapaaral na lang ang sarili, ano ang magagawa ng 50 pesos per hour kung apat na oras kada araw ang salary ko?
Sa dami ng gastusin, hindi dapat ako makuntento sa kung ano lang ang meron ako. I need these oppurtunities liban sa pinagtatrabauhan ko ngayon.
Kinabukasan ay pilit kong itinago sa concealer ang nangingitim kong eye bag. Sa dami kasi ng iniisip ko kagabi ay halos hindi ko nagawang matulog. Kung susumahin, halos dalawang oras lang ako tuluyang nakapagpahinga.
"Ayos ka lang ba? Uy!" untag sa akin ni Leila, tumango lang ako habang binabalikan ang notes sa botany. Mamaya sure nang matatawag ako, nakakainis lang dahil wala pa sa kalahati ang nakabisa ko.
"Chill, mas lalo kang mabablangko kung pilit mong pinapagana ang utak mo. Nakapagpahinga ka naman ba?"
Ngumiti ako at nagpatuloy sa ginagawa. Nang mapansin niya sigurong hindi ako interesado makipagdaldalan ay nanahimik na lang siya at kinuha ang cellphone.
Nang sumapit ang oras ay pilit kong inalala ang mga ni-review ko. Pero tama si Leila, dapat ay hindi ko pinagod ang utak ko. Noong turn ko na kasi para mag recite ay na-mental block ako, na para bang hinigop palayo sakin 'yong mga inaral ko.
Kaya nang matapos ang klase ay umiiyak kong tinahak ang daan palabas ng unibersidad. Naiinis ako sa sarili ko, hindi ko alam kung bakit ang bigat-bigat ng mga pasaning ito. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Saan ako maghahanap ng trabaho? Paano ako makakapagbayad sa upa? Paano na ang pag-aaral ko? Paano na ako?
Tumawid ako sa kabilang kalsada habang tangan ang libro. Pilit kong pinupunasan ang mga luha dahil ayaw kong mapansin ito ng mga nakasasalubong ko. Awang awa na ako sa sarili ko at ayaw kong dumating ang punto na pati ibang tao ay maaawa na sa sitwasyon ko.
Nang makahinto ako sa parte ng Teresa kung saan tahimik at walang gaanong estudyante ay humarap ako sa pader at hinayaang bumuhos nang tuloy tuloy ang mga luha. Umaasa na kapag naubos na ito ay makakabangon ako muli at makahanap na ako ng paraan para gumaan na ang pasaning ito.