“L-let me g-go…” napapaos kong sabi sabay hakbang. Pero sa halip na umalis siya sa harap ko at pagbigyan ang sinabi ko, mas lalo pa niya akong hinarang. “Ano ba Jarco!” Pinilit kong panatilihin ang timpi ko. Napapikit ako at huminga nang malalim. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko uunawain ang sitwasyon dahil may mga pangyayari na sa nakaraan na unti-unti nang nabibigyang linaw sa akin. Kung noon pa pala siya may lihim na pagtingin sa akin, bakit hindi siya mismo ang nagpakita sa akin? Bakit kailangan pang idaan sa landlady? Bakit hindi ako mismo ang kausapin? “Please France, I’m begging---” “Respeto naman Jarco! Ako na ang nagmamaka-awa!” Namayani ang nakabibinging katahimikan. Ang kaninang ekspresyon na nagsusumamo ay lalo pang pumungay. “Bakit? Ano ba ang p

