Rex’s POV;
.
Nagising ako at sumilip sa bintana ay madilim na.Pumunta ako sa kusina at kumuha ng makakain at inumin sa ref.Habang kumakain ako sa may lamesa ay saktong bumababa ang stepbro ko sa hagdan.
“San kagaling kanina??...”-Kuya.
‘Himala at kinakausap niya na ako....’sabi ko sa isip.
“Kasama ko lang yung unang-unang kumausap at naging kaibigan dito sa lugar na ito....si Niel...”pagmamayabang ko.
“Saan kayo nagkakilala...??”takang tanong nito.
“Sa parang.....Bakit kilala mo ba siya??..”
“Oo kaibigan ko rin yun.....”-Ian.
Hindi na siya nagsalita pangmuli at lumabas na ng bahay.Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa aking kwarto at ipinagpatuloy na lang ang pagtulog.
Niel Mother’s POV;
.
Gabi na ng dumating ako sa bahay namin at nakita kong umiinom si Ben ng isang boteng beer.Sa banig naman nakita ko ang anak kong si Jane na mahimbing na natutulog.
“Benn!!..nag iinom ka na naman....!At ikaw may kasalanan....kapa...kanina....WAG NA WAG mong sasabihin kay Niel ang totoo...!!”Singhal ko sa asawa ko.
“Bakit!!!....Mahal mo na ba yung batang yun!!....Ang ampon na yonnn..!!”lasing na sabi ng asawa ko.
“Hindi...!!dahil makukulong ako pagnalaman ng totoong nanay niya.!!..”Kinakabahang sabi ko.
Hindi na muling nagsalita siya at nilagok na lang ang iniinom niyang alak.Kaya hindi narin ako nagsalita at inilagay na lang ang mga natira kong paninda sa lamesa........
-
-
-
Ian’s POV;
.
‘Ba’t ako na curious kung saan niya nakilala si Niel??...Diba galit ako sa kanila ni Papa..??Bakit ko siya kinausap??’mga gulong tanong sa isip ko.
Habang ako ay naglalakad ay nakitako si Niel na may kasamang lalaki na siguro ay kaidadan din namin.
“Ohh...Ian ikaw pala...”-Niel.
Ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya.
“Ahh....siya nga pala Ian ito si Mac....Mac ito na man si Ian.....”-Niel.
Inilatag niya ang kaniyang kamay upang makipagshake hands.Iniabot ko na rin ang sa akin dahil nakakahiya kay Niel.
“Mac...”sabi niya.
“Ian.....”sabi ko.
“Saan ka nga pala pupunta??...”tanong ni Niel sa akin.
“Ahh...diyan lang sa comshop....Kayo?...”.
“Papauwi na....”sabi ni Niel.
“Tara na Niel....Baka hinahanap na ako ni Mama...”-Mac.
“
Sumang-ayon naman si Niel.
“Ian mauna na kami haaa.....”.-Niel
Tango na lang ang sinagot koko.Naglakad na sila papalayo at nagpatuloy na ako papuntang comshop.
.
.
Pagdating ko sa comshop ay nagonline agad ako sa isang computer.Hindi na kasi nakakatawag si Mama sa aking cellphone isang linggo na ang nakakalipas ng simula ng tumawag siya.
Tinignan ko si mama kung online pero hindi.
‘Bakit kaya hindi na tumatawag si mama??Ano kayang ginagawa niya??..’Kinakabahan ako dahil hindi naman si Mama ganito katagal na hindi tumatawag.
Nag games na lang ako sa com dahil hindi naman online si Mama pero di nawawala ang kaba sa dibdib ko......
-
-
-
Ian Mother’s POV;
.
Habang ako ay naglilinis ay dumadaing na ako sa sakit dahil sa mga sugat na bigay ng amo ko.Kinuha ng amo ko ang cellphone ko at isang linggo na akong hindi nakakatawag sa anak ko.
‘Anak....Miss na kita...’sabi ko habang naglilinis ako at naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata.
‘Gusto ko ng umalis sa impyernong ito....’
‘Kailangan kong umisip ng paraan...para makatakas dito...’sabi ko sa aking isip.
Natapos akong maglinis ay inilagay ko na ang mga panlinis na ginamit ko sa bodega.Pumasok na ako sa maid room at nagpahinga.....