KABANATA 17 Kanina pa ako naa- alibadbaran kay Hulyo. Naka sunod kasi ito saakin kanina pa. Mula sa palengke hanggang dito sa pag lalakad ko pauwi ng bahay ay nasa likod ko siya. Tumigil ako at humarap sakanya. “ Pwede ba? Utang na loob h’wag mo na akong sundan. ” Singhal ko sakanya. Tumigil naman ito sa pag lalakad. Itinaas ang kanyang malaking salamin mata at ibinaba ang kanyang sombrero na kulay itim. Napa irap ako at muling tumalikod. Nakaka ilang hakbang pa lang ako ngunit narinig ko na naman ang mga yabag niya. Talagang pinapa- init niya ang aking ulo. “ Uhm. Ano k- kasi Monique. ” Naningkit ang aking mata dahil mukhang wala balak si Hulyo na lubayan ako. Hindi pa naman ako nag paalam kay Tiyo Lucas kanina na aalis ako. Nakaka inis kasi ang Tiyo Lucas. Binitin niya ako ng so

