KABANATA 13 “ Papa nakita n'yo po ba si Tiyo Lucas? ” Tanong ko kay papa. Ngayon ay narito siya sa bahay kasama ang kanyang babae na si Percy. “ Bihis na bihis kanina e. Mukhang pupunta siya ng bayan. S'ya nga pala anak may bago kang manliligaw. ” Pag papaalam ni papa. Sino naman kaya ang maswerteng lalaki na ito? Naupo ako sa mahabang upuan at hinintay ay susunod na sasabihin ni papa. “ Mag bihis ka ng maganda. Isuot mo ang nakaka akit mong damit mamaya ay pupunta na rito si Hulyo ang bago mong manliligaw. ” Muling sambit ni papa. Sa pag kaka- alala ko si Hulyo ay taga kabilang baryo sa Bagasbas siya habang kami' at dito sa Palayanan. May lihim na pag tingin pala saakin ang lalaking iyon. Nag kausap kami ni Hulyo noong nag punta kami sa kanilang baryo dahil fiesta rito tatlon

