We care because they are special to us. Cassandra kept fixing the new girl with an angry stare. Wala naman itong ginagawa sa kanya pero ang simpleng ‘pag titig nito kay Jarred ay nagpapakulo ng dugo niya. That girl cheated on him. How dare she stared at him with too much affection? “Ate.” Siniko siya ni Myka. Napansin siguro nito na masama ang tingin niya sa babae’ng bisita. Pero hindi niya ito pinansin. Nanlaki ang mga mata niya nang ipinulupot ng babae ang braso nito sa braso ni Jarred. “You!” she yelled, pointing finger. Lahat ng mga naroon ay napatingin sa kanya sa gulat. Hindi na niya napansin ang nananaksak na tingin sa kanya ni Victoria dahil nasa babae ang buong atensyon niya. She narrowed her eyes as she walked toward the girl. Tumayo ang babae at humalukipkip. “My name i

