Expect the unexpected. Kanina pa siya pa-iba-iba ng posisyon sa paghiga dahil hindi siya makatulog. Ala-una na ng umaga at patuloy pa ring nagpi-play sa utak niya iyong sinabi ni Jarred sa kanya kanina. Hindi niya maintindihan kung anong ibig sabihin nito sa sinabi nitong, "Ikaw? Sino ba talaga ang gusto mo sa mga kapatid ko kaya ka nandito?" She could still hear his voice so clearly, and his mad face was so vivid in her memory. She’s a smart lawyer, but she couldn’t get what he meant. Anong ibig sabihin nitong sino ang gusto niya sa mga magkakapatid? Anong ibig sabihin nito kung bakit siya nandito? Kilala ba siya nito? Kung kilala siya nito ay matagal na siya dapat nitong pinaalis at ibinunyag sa lahat ang sekreto niya. Hindi, hindi siya nito kilala. Pero ano’ng ibig sabihin n

