People can steal the love that’s theirs. Nag-iimpake na si Cassandra para sa bakasyon nila ni Jarred bukas. This vacation was actually a task for her, but she was excited. Sana nga ay mabilis mag-umaga. Sa buong buhay niya ngayon lang siya makakapagbakasyon kasama ang isang lalaking gusto niya at ngayon lang din niya naranasang maging excited ng ganito. “So, Ate. Babalik ka? Baka hindi mo na kami balikan?” Tinutulungan siya ni Rima sa pagtutupi ng mga dadalhin niyang damit habang si Myka naman ay nasa kama lang nito nakaupo at nanonood sa kanila. Kanina pa niya kasi ito hindi pinapansin. She looked at Myka and she was pouting with those sad eyes. Pinaypay niya ito. Myka’s face brightened at mabilis itong tumayo at lumapit sa kanya. Myka sat beside at ipinulupot nito ang braso sa bra

