You'll always be forgiven by those who love you, but it doesn’t mean they deserved the pain you’ve caused them. Habang tinitingnan ni Myka ang invisible Uno reverse card sa kanyang kamay ay nanlaki ang mga mata niya nang naalala na kilala pala ng Daddy niya ang Ate Cassandra niya. Paano kung ma-recognize nito ang Ate Cassandra niya? Mabilis siyang tumalikod at pinulot ang mga bubog. Oh no, nag-iisa na lang ang wine na ito. Mabilis pa rin ang t***k ng puso niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari. How could she believe the fact that she’s Jarred’s fiancée? Hindi niya magawang maharap ang katotohanan. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang niya kapag nakita siyang namamasukang kasambahay rito at sigurado siyang Jarred might be disappointed of her. Kulang na lang ay takpan

