The Feeling

999 Words
“Alam mo Rafa, tingin ko sign na to.” “Sign ng ano?” Nguso ko habang puno ng manok ang magkabilang bibig. “Sign na yan na dapat tumigil ka na sa kalokohan mo.Ganorn!” Paliwanag nito. “Hindi pwede sesh! kaya ko pa tong ilaban!” “Anong kaya pa? hindi ka ba nag tataka? Ilang beses ka na umiiwas sa mga yon! lalo na kamo don kay ano kay basher ba yon?” Tanong nito na ikinabuga ko ng pira- pirasong manok. “Asher bonak! anong basher? kaka epbi mo yan!” Sambit ko ng naiiling. “Asher basher whatever!!! yun na nga! diba ilang beses ka na umiiwas sakanila? lalo na dun s sa good looking guy na sinasabi mo? sino nga yun?” “Si Dwight.” Tugon ko habang pinapapak ang manok.Bigla nama'y sumulpot si Tita Teza bitbit ang panibagong serve ng chicken wings “Ayan iha, kumain ka pa ha?” Saad nito na ikinangitngit ni Athena habang ako naman ay patuloy sa pag papacute dito. “Nay, Nay, anak mo yan?” “Hindi! pero malapit ko na kayong ipag palit!” Biro ni tita dito na ikinahalakhak ko. Nang bigla ay may sumulpot na isang kamay at dumukot ng manok sa mangkok.Kapwa kami napalingon ni Athena nang malakas na hampasin ito ni tita Teza ng nakuhang hanger. “Aray ko nay!” “Sigaw ni kuya Kenneth.” “Umuwi na pala ang señorito? kumusta ang date? halika cinderello dahil tapos na ang oras ng pag papaka prinsepe mo, kailangan mo ng bumalik at mag hugas ng plato!” “Aray ko nay kauuwi ko pa lang eh! Ahhhh!” Sigaw nito habang hila-hila ni Tita teza ang tenga nya papuntang shop. “Iba talaga definition ng salitang señorito at señorita sa mga nanay na taga Pilipinas.Kasi biruin mo, sa ibang bansa, kapag tinawag kang señorita iki-kiss pa yung kamay mo eh, dito sa Pinas ? pag tinawag ka ng nanay mong Prinsesa takbo ka na sesh.” Turan ko habang mariin pa ring nakatitig kay Tita Luiza na hila hila ang tenga ni Kuya Kenneth. “Why naman kailangan tumakbo?” Manghang tanong nito. “Ay malamang, pag tinawag kang señorita ng nanay mo, you have to run as fast as you can kasi panigurado n'yan may hawak ng hanger yan.” Kapwa kami patawang nag apir ng mga kamay habang patuloy sa pag nguya ng manok. “Back to topic sesh, yun na nga, diba patuloy ka sa pag iwas sakanila pero patuloy pa rin kayong nalalagay sa iisang sitwasyon kung saan nag kakalapit-lapit pa rin kayo? and worst, malala, bongga, of all people na pwede mong pag di-deliveran ng pakpak ng manok eh nag kataon pang si Asher ang na deliveran mo. Sign na to sesh. It's your pag papanggap against the world.Tigil mo na yan be.Mamaya na in-love ka pa sa isa sa mga yan ewan ko sayo.” “Sesh, that's not gonna happened okay.My plan is to enjoy this whole year kaya nga nag lay low muna ako sa amin.” “Sus, tulak ng bibig kabig ng dibdib.Tandaan mo,sayo mismo nang galing na iba ang t***k ng dibdib mo sa tuwing nariyan si Dwight sa tabi mo.Alam mo naman ang puso very mysterious yan pag dating sa love.” Wika ni Athena na siyang ikinaisip ko rin. Kinabukasan... Humihikab kong nilakad ang patungo sa aming class room ngunit bago ko pa man ito marating ay hinarang na ako ng isang taong tila kanina pa ako hinihintay. “A-anong kailangan mo?” Tanong ko rito habang seryoso itong naka pamulsa at nakatitig sa malayo. Magkakaroon ng group study para sa darating na marketing discussion.I wan't you. “Hhh-ha?” “I wan't you and i to be group partner.” “Ahhhhh, okay group partner pala hehe.Akala ko kasi..” “Sambit ko habang malikot na idinuduyan-duyan ang aking mga kamay.” “What?” Masungit na tanong nito. “If you're wondering why i chose you.. it's because you impressed me with your high intelligence in the first day of our class.Imagine, all you did was to sleep the whole time and suddenly you answered a random questions which was not related to our lesson.You monster huh! anyway hindi ito pakiusap.You will join me weather you like it or not because Its a command. Let say from now on you will start paying me for the things i did for you.” Wika nito na ikina-awang ng aking mga labi.Halos mapaatras naman ako nang unti unti itong lumapit sa akin.Napahinto lamang ako sa pag atras nang maramdaman kong pader na ang sumalo sa aking likuran.Dahan dahan nitong ibinaba ang kanyang mukha at unti-unting inilapit sa akin.Halos napapikit ang aking mga mata sa balak nitong gawing pag halik ngunit nagitla ako ng bumulong itong... “Remember i saved you! so pay me by doing all my favors understood?” Dali nitong inayos ang kanyang pustura at halos matulala ako sa naririnig ko.Ka'y sarap pakinggan ng boses nito habang tumatawa.Napaka manly ng paraan ng pagkilos nito partikular na ang kanyang mabangong amoy.Tumigil ito sa pag tawa at mabilis na ginulo ang aking buhok. “I'll see you.” Saad nito.Tila may nag liliparang mga paro- paro sa aking tiyan.Agad akong lumingon sa gilid ng aking ulo kung saan nakita kong tila nuno sa punso na lumitaw si Athena habang kumakain ng manok at sinasambit ang... “Sus, tulak ng bibig kabig ng dibdib" Halos mag tatalon ako sa inis sa isipang unti-unti nga akong nag kakagusto kay Dwight. “Hindi ito maaari no fraking!” Sigaw ko sa hallway habang hawak-hawak ang buhok. “Hey Rafael.” Bati ni Asher ngunit wala ako sa mood para pansinin ito. “Hindi ito maaari no! no!' Bulong ko. “Hey Rafael!” “Please lang mamaya ka na!” “What?” “Ahhhhhhhhhh! hindi pwedeeee!” Sigaw ko habang hawak ang aking buhok na tumatakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD