CHAPTER 42 EXPECT THE UNEXPECTED. MIGUEL POV. Halos buong magdamag ay hindi ako dinalaw ng antok, Nakapikit man ay gising ang aking diwa. Hindi mabura sa isip ko ang nangyaring sagutan namin ni luna kagabi, Pilit iyon gumugulo sa 'akin. Ang kanyang mga salita ay hindi ko makalimutan, kung paano siya tumingin. At kung paano niya sabihing nasasaktan siya. Hindi ko intensyon na saktan siya, nais 'kong ipaintindi sa kanya na kaibigan ko lang talaga si selena at walang kahit anong espesyal sa pag trato ko rito, May Dahilan ako kaya ko iyon ginagawa, At kahit anong mangyari ay hindi ko magagawang iwasan siya. Naaawa ako sa lagay niya, Nais ko man sabihin ngunit hindi ko alam kung paano. Isang pribadong kalagayan ang meron si selena, Nais ng kanyang pamilya na kami lang ang nakakaalam. Maliba

