Chapter 26

4999 Words
Chapter 25 [ Luna Pov. ] Matamlay ako'ng bumangon sa kama at tulalang nakatingin sa bintana habang inaalala ang pinag-usapan namin ni miguel kagabi. Aaminin ko may kaonting kirot sa dibdib ko dahil hindi kami maayos ngayon. Nalulungkot at nasasaktan ako sa kadahilanang malamig ang pakikitungo niya sakin. Hindi ko rin naman siya masisi kung ganyan ang i-akto niya, kasalanan ko naman. Napabuntong hininga ako sabay tayo para mamili ng damit masusuot ngayon, Agad akong napasimangot ng makitang wala ng damit pambabae sa closet. Lahat yata ng damit ko ay halos nasa basket na at hindi pa nalalabhan. "Kailangan ko na yatang maglaba.." kausap ko pa sa sarili at kinuha na lang ang malaking tshirt na nakita ko sa closet. May mga undies pa naman ako kaya pwedi na siguro ito maghapon, matutuyo din naman agad ang mga damit. Dala ko ang tshirt at bagsak ang balikat na naglakad ng banyo. Grabe para akong lowbat na cellphone sa sobrang tamlay ng katawan ko, ganito yata ang epekto pag hindi ka pinapansin ng taong importante sayo. Nakakapanlambot at para'ng isang lantang gulay ang aking katawan, D*mn! I need to talk miguel later baka bigla na lang akong mabaliw dito. Mag-eexplain talaga ako sa kanya kahit ayaw niya, kailangan ko siyang pilitin makinig. Matapos maligo ay agad na akong nagtungo sa kusina dahil alam ko na nandoon siya, Nakangiti akong pumasok doon ngunit napanguso ako ng makitang sobrang linis ng paligid. Umalis na kaya siya? Himala lang na hindi siya nagluto ngayon. Naglakad na ako patungong sala at pabagsak na naupo sa mahabang sofa. Napatingin pa ako sa wallclock at nakitang alas syete pa lang ng umaga. Ang aga niya naman yatang umalis. Ganon ba talaga kalaki ang galit niya sa'kin? Hindi man lang nag paalam. "Dumating na ba si miguel hija?" napatingin ako sa hagdan ng magsalita si tita elizabeth, Nandito pa pala sila akala ko ako na lang ang nasa bahay. "Hindi ko pa po siya nakita." agad na sagot ko ng makababa siya ng hagdan, Nakita ko rin si tito na pababa na rin habang may dalang dalawang maleta. "Tinawagan na namin siya, magpapahatid lang kami sa airport." anas pa ni tita kaya muli akong napatingin dito. "Aalis po kayo?" tanong ko pa kahit obvious naman na may pupuntahan sila. "Yeah, we're going in province, may bibisitahin lang kaming kaibigan." tugon pa ni tita, lumapit samin si tito sabay lapag ng mga maleta sa gilid ng sofa. "Do you want to come with us? para sana makapamasyal ka at hindi mainip dito." anyaya sakin ni tito ngunit umiling lang ako at ngumiti. "Dito na lang po ako sa bahay.." "Are you sure?" "Yes po." "O sige, hindi rin naman sasama si miguel e." wika niya pa, hindi na ako nakasagot dahil may bumusina na sa labas. "Si miguel na yata yan, Ayaw mo bang sumama sa airport?" tanong pa sa'kin ni tita, napatingin ako sa suot ko kaya nakangiwi akong umiling. "Hindi na po, ingat na lang po sa biyahe." "Hm okay, takecare too.." humalik pa siya saking pisngi habang si tito ay nginitian lang ako bago maglakad palabas ng bahay. Nakasunod ako sa kanila ngunit hangga pinto lang ako dahil isang mahabang tshirt lang ang suot ko. Mula sa pinto ay tanaw ko si miguel na bumaba ng kotse at agad tinulungan si tito maglagay ng maleta sa likod ng kotse. Kung dati nakikita ko siyang nakangiti, pero ngayon halos bumalik ang dating miguel na wala na naman reaksyon sa mukha. Kahit kausap niya si tito at tita ay makikita mo na sobrang seryoso nito. Natatakot ako na baka hindi na kami magkabati at hindi ko na muling makita ang mga ngiti niya, Ngiting matagal ko'ng hiniling na masilayan sa kanya. Bigla siyang napasulyap sa gawi ko kaya nginitian ko siya, Ngunit tiningnan niya lang ako bago maglakad papasok ng driver'seat. Nakagat ko na lang ang labi habang pinag-mamasdang umandar paalis ang kotse nito. Galit talaga siya sakin, Ano ba dapat ang gawin ko para kausapin niya ako Sobrang namimiss ko na siya, kahit hindi ito pala-kibo nagiging sweet naman siya sakin. Pero ngayon halos hindi niya ako matingnan ng matagal, nasasaktan talaga ako. Huminga ako ng malalim bago isara ang pinto at maglakad patungo sa hagdan. Maglalaba na nga lang ako para kahit papaano naman malibang panandalian ang isip ko. Masyado na akong naiistress kakaisip kung paano ko ba makakausap si miguel at kung paano niya pakikinggan ang paliwanag ko. Muli ako'ng napabuntong hininga at tuluyan ng umakyat sa taas, dumiretso ako sa banyo para kunin ang madudumi ko'ng damit. Naisipan ko rin pumunta sa kwarto ni miguel para tingnan kung may labahin ba ito para isabay ko na saking lalabhan, Easy lang naman sigurong gumamit ng washing. Nakikita ko naman ang mga maid dati sa mansyon kung paano ang ginagawa nila. Gagayahin ko na lang. Pagkapasok ko sa kwarto niya ay halos manlumo ako ng makitang sobrang kalat sa loob, Hindi na yata siya makapaglinis dahil sa sobrang sama ng loob niya sakin. Ganon ba talaga magalit si miguel? Sobra sobra, yung tipong pati gawain niya dati nakakalimutan na nito. "Tsk, This is your fault luna.." paninisi ko pa sa sarili habang pinupulot ang tatlong longsleeve na nasa sahig, May napansin pa akong beer malapit sa kama nito kaya lumapit ako doon para ligpitin ito. "Uminom pa siya kagabi? e amoy alak na nga siyang umuwi." nakangiwing anas ko at itinabi iyon malapit sa basket na dala ko, pumunta pa ako sa banyo at doon ko nakita ang kalahating basket na madudumi niyang damit. Kinuha ko na iyon at isinama sa basket na dala ko, Hindi pa man ako nag-uumpisa pinag-papawisan na ako. Paano pa niyan kung magsasampay pa ako mamaya, Ang hirap talaga pag lumaki ka'ng sagana sa pera 'yung tipong hindi mo na kailangan magtrabaho, pero in the end of life mararanasan mo pa rin talaga lahat ng hindi mo nakatamtan noon. Itinali ko muna ang buhok ko bago kunin ang mga maruruming damit at agad na akong nagtungo sa ibaba para makapag-umpisa ng maglaba. Nang mailapag ko na ang bakset sa likod bahay ay agad ko ng inumpisahan ang gagawin. Kinuha ko ang water host at inilagay sa washing. Ipinasok ko lahat ng damit doon habang hinihintay ko itong mapuno. "Tama naman siguro ang ginagawa ko di'ba?" tanong ko pa sa sarili habang tinitingnan ang daloy ng tubig, ngunit napakamot ako sa ulo dahil parang may kulang pa. "D*mn luna, Walang sabon!" asik ko ng mapagtanto'ng walang powder ang tubig. Luminga ako sa gilid at may nakita ako'ng pinto na nakasara, Agad akong naglakad doon para tingnan kung may powder ba sa loob. Napangiti naman ako ng makitang may mga stock na sabon at ibat ibang gamit na paglaba. Kinuha ko ang malaking powder at naglakad na palabas para lagyan ang nilalabhan ko, napaisip pa ako kung powder lang ba ang ilalagay kaya muli akong pumasok sa stock room para mag tingin tingin kung ano pa bang pwedeng ilagay sa nilalabhan ko. May nakita akong downy doon na isang liter kaya kinuha ko rin iyon para lagyan ang mga damit, Nang mahalo iyon ay agad ko ng inikot ang timer sabay takip sa washing machine. "Wala na sigurong kulang 'no?" tanong ko sa sarili kaya napakamot ako sa ulo, ang hirap naman ng walang alam nakakasakit sa ulo. Pabagsak akong naupo sa upuan na nakita ko sa gilid habang hinihintay matapos iyon, Napatingin pa ako sa langit at nakitang sobrang tirik ng araw. Paniguradong matutuyo agad ang mga damit. After 1Hour. Makalipas ang isang oras ay natapos ko na ang paglalaba kaya halos basang basa ang damit ko dahil sa pagbabanlaw kanina, Nakapamewang akong nakatingin sa mga sinampay ko at kagat labing pinagmasdan ang damit ni miguel. Iniisip ko kasi kung paano naging kulay pula iyon e hindi naman ganon ang kulay niya kanina, Kulay white ito pero halos magkulay pula na siya at hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Magagalit na naman siya sa'kin, itapon ko na lang kaya? Napakamot ako sa ulo sabay tingin sa isang longsleeve na mukhang tuyo na, gumamit rin kasi ako ng dryer kaya mabilis lang na natuyo ang damit. Kinuha ko na iyon at naisipan mag plantsa dahil lagi ko itong nakikitang suot ni miguel. Mukhang favorite niya ang damit na ito kaya paplantsahin ko na. Agad na akong nagmartsa sa taas patungo sa kwarto niya para plantsahin iyon, Simple lang naman ang magplantsa carry ko na yon. Nang maihanda ang gagamitin ay agad ko ng inumpisahan iyon, Halos nanga-ngalahati pa lang ako ng may marinig na sasakyan sa labas kaya sumilip ako sa bintana. Nakita ko ang kotse ni miguel kaya agad akong tumakbo palabas para pagbuksan siya ng pinto. Hindi pa man ako nakakababa ng hagdan ay nakapasok na siya kaya binagalan ko na ang paglalakad, Agad itong napatingin sakin na nakakunot ang noo at pababang hinagod ang aking katawan. "Naglaba ka ba?" tanong nito kaya tumango ako. "Who told you to do that?" "Ha? W-wala, Ako lang.." sagot ko, mas lalong nangunot ang noo niya kaya ngumiti ako. "Wala na kasi akong damit.." "Bakit hindi mo sinabi?" "Hindi mo naman ako kinakausap.." anas ko kaya iniwas niya ang tingin, hindi mapakali ang kamay ko dahil sa kabang nararamdaman. D*mn, I forgot the white polo. Baka makita niya ito at magalit sakin. "Tapos ka na ba?" "Ha?" gulat ko'ng saad sa tanong niya, umiling siya at naglakad patungo sa likod kaya nagmadali akong sumunod dito. Halos kagatin ko ang labi ng makarating kami sa likuran, Agad niyang tiningnan ang damit na hindi ko alam kung maayos ba ang pagkakasampay o ano dahil sa itsura ng mga ito. Nangunot ang noo niya ng makita ang polo kaya agad ko'ng kinuha iyon. "A-ah, Lalabhan ko na lang ulit ito. Baka kasi nasobrahan sa sabon.." "Nasobrahan sa sabon?" kunot noong tanong niya kaya tumango ako, "Hindi nasobrahan sa sabon yan luna, Pinaghalo mo ba lahat ng yan?" "Oo." sagot ko agad, kaya napahilot siya sa sintido. "Tsk, Pinaghihiwalay ang de-color at puti luna, Sa susunod wag ka ng maglalaba kung hindi mo naman alam.." napanguso ako dahil sa sinabi niya sabay yuko, Malay ko ba'ng magkahiwalay pala yon. Grabe siya. Napatingin ako dito ng maglakad siya patungo sa washing sabay bukas doon, Halos hindi maipinta ang mukha niya ng buksan niya iyon kaya lumapit ako. "Don't tell me pinaghalo mo ang downy at powder?" Agad niyang tanong ng hindi nakatingin sakin. "Oo, Ang bango di'ba?" proud ko pa'ng sagot ngunit masamang tingin lang ang pinukol niya sakin. "May problema ba?" tanong ko, bumuntong hininga ito sabay hilot sa kanyang noo. "Go to your room." "Ha?" "Ako na ang bahala dito.." "Gusto sana kitang makausap.." anas ko, nag-iwas naman siya ng tingin sabay ikot sa bagay na nasa washing. Doon ko lang nakita na kailangan pa lang ikutin iyon para maalis ang tubig, D*mn ang tanga ko talaga. "May niluluto ka ba?" tanong niyang muli kaya bumalik ang tingin ko dito. "Wala, hindi naman ako marunong magluto.." "Are you sure? Bakit amoy sunog?" suminghot ako para maamoy ang tinutukoy niya, At halos mapatakip ako sa bibig ng mapagtantong amoy sunog. "OMGOD! OMYGOD!!" Natatarantang anas ko sabay takbo. "What happen luna?!" sigaw ni miguel ngunit hindi ko na siya pinansin dahil nagmamadali na akong tumakbo patungo sa kwarto niya. Halos manlaki ang mata ko ng makita ang usok na nanggagaling sa longsleeve kaya nagmadali akong bunutin ang saksakan ng plantsa sabay kuha sa damit na may butas na. "F*ck!" mura ni miguel kaya nabitawan ko ang damit dahil sa gulat. "What have you done luna?!" binuksan nito ang bintana para lumabas ang usok dahil sa epekto ng plantsa, wala akong magawa kundi kagatin na lang ang kuko ko. "Balak mo bang sunugin ang bahay?" tanong pa nito, hindi ako makasagot. "Tsk, Go to your room!" "B-but miguel, H-hindi ko naman sinasadya nagmamadali kasi akong bumaba kanina dahil pagbubuksan sana kita ng pinto." "Sa susunod wag munang gagawin ito.." sagot niya lang at kinuha ang damit na nasunog. "Sorry miguel.." "Your always saying sorry, Go to your room." "Pero kas--" "I SAID GO TO YOUR ROOM!" Sigaw nito kaya napaigtad ako dahil sa gulat, ginulo niya ang buhok sabay labas ng kwarto at iniwan akong mangiyak-ngiyak dahil sa biglaang pagsigaw niya. Huminga ako ng malalim sabay tingin sa kisame para pigilan ang luhang nagbabadya sanang tumulo, Stop it luna. Don't cry its your fault. Kasalanan mo naman kaya nagalit siya. You're a big mess, Pasakit ka lang kay miguel. Hinagod ko ang aking buhok sabay lakad palabas ng kwarto, Wala ka'ng karapatan mag emote luna. Nasaktan muna siya kahapon tapos ngayon gumawa ka na naman ng ikakasakit ng ulo niya. Tama lang na sigawan niya ako, I deserved it. Nagtungo ako sa kwarto at pabagsak na naupo sa kama, Napatingin pa ako sa orasan at nakitang mag-Aalas diyes na pala ng umaga. Hindi ko man lang nararandaman ang gutom at pagod, Mas lamang pa ang sakit sa dibdib kesa sa tiyan ko. D*mn it, Ngayon ko lang nafeel ito. Kahit bago ito sakin alam ko naman kung ano ito, Nasasaktan ako at parang gusto ko na lang umiyak. Pero pinipigalan ko lang, Ako naman ang may kasalanan. Humilata ako sa kama sabay pikit saking mata, Kung pwedi lang sana pag-gising ko maayos na kami ni miguel. Buong buhay ko ngayon lang ako nagka-problema sa lalake, Sa mahirap pang suyuin. ____ Napamulat ako ng may marandamang gumagalaw sa ilalim ng paa ko, Bumangon ako ng makita si miguel na nakaupo doon habang tinutupi ang mga damit. Tiningnan ko pa ang wallclock at nakitang Mag aala-una na. "Kumain ka na." sambit ni miguel kaya napatingin ako sa kanya, Wala man lang emosyon ang mukha niya habang inaayos ang mga damit na mukhang natuyo na. "Wala akong gana.." tugon ko, lumingon ito sakin na wala parin emosyon ang mukha. "Kumain ka na." ulit pa nito kaya umiling ako. "Gusto ko sanang mag-usap muna tayo.." "Wala naman tayong dapat pag-usapan.." sagot niya sabay tayo, nagmadali din akong tumayo para ilock ang pinto. "We need to talk.." "About what?" taas kilay niyang tanong, sumandal ako sa pinto. "About us, please listen to me.." "I have important things to do, Let's talk tomorrow.." anas niya kaya napanguso ako, "Ganito na lang ba tayo?" tanong ko pa na nagpa-kunot ng noo niya. "Hindi ako ang may gusto nito luna, kaya mas mabuti pang wag muna natin itong pag-usapan.." "Bakit ba ayaw mo?!" iritable ko ng tanong dahil pilit niyang nililihis ang usapan. "May magagawa ka ba kung ayaw ko? Wala din naman magbabago kung pag-uusapan pa natin iyon, Lahat naman ng narinig ko totoo di'ba?” hindi ako makasagot dahil sa sinabi niya, paano kami makakapag-usap nito kung mainit ang ulo niya. "See, you didn't know what to say because it's true, So don't push me to listen.." anas niya pa kaya umiling ako. "Hindi tayo magkaka-intindihan kung mainit ang ulo mo, Pakinggan mo lang muna ako.." "May pupuntahan pa ako, tumabi ka na.." "Per--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ng tumunog ang cellphone niya, Tiningnan niya pa ako bago niya kunin ang cellphone at sagutin iyon. "Yes? you're there? okay. I'm on my way now,.." binaba na nito ang cellphone at muling tumingin sakin. "Excuse me luna.." "Saan ka pupunta?" "Uuwi din ako" sagot nito at tinanggal ang pagkaka-lock sa pinto. "Hihintayin kita.." "Wag na, Gagabihin na ako.." tumabi na ako sa pinto at halos humaba na ang nguso ko dahil sa sagot niya, Ganyan ba siya magalit, Ang hirap niyang suyuin nakakapagod din kaya ang intindihin siya. "Kung hindi mo ako kakausapin ngayon aalis na ako." matapang na wika ko kaya nahinto siya sa paglalakad. "Iniintindi kita dahil alam ko'ng may nagawa akong mali, pero paano tayo magkaka-ayos kung ikaw mismo iniiwasan ako. Nasasaktan na ako miguel.." wika ko pa at pilit nilalabanan ang emosyong namumuo sa'king dibdib, nanatili itong walang imik habang nakatalikod. "Okay fine, Kung ayaw mo edi wag!" naglakad na ako palabas at inunahan itong magtungo sa hagdan dahil ayaw ko'ng makita niya ang mukha ko. Siguradong namumula na ang mata ko sa sobrang pagpipigil ng luha, Kung ayaw niyang magka-bati kami edi wag. Mas mabuti pang umalis na lang dito. "Saan ka pupunta luna?" dinig ko'ng tanong nito kaya nagmadali akong bumaba ng hagdan at halos takbuhin ko na ang labas para makasakay sa kotse. Pagkasakay sa kotse ay pinunasan ko ang pisngi dahil sa luhang tumulo sa mata ko, Napatingin pa ako sa dashboard at nakita doon ang cellphone ko na halos hindi na nagagamit. Kinuha ko iyon at agad ng nagmaneho paalis, bahala na kung saan ako mapadpad. Mukhang importante naman ang lakad niya kesa sakin. ____ Lumipas ang maghapon ay halos nasa loob lang ako ng kotse habang nasa gilid ng isang playground at tulala lang na pinapanuod ang mga batang naglalaro, Ayaw ko naman pumunta sa salon nila vivian dahil makiki-usisa lang siya kung ano ng nangyari samin ni miguel. Masyado pa naman siyang chismosa at madaldal, Nang dahil sa kadaldalan niya nalaman pa tuloy ni miguel ang bagay na'yon. Sa totoo lang kinalimutan ko na ang pustahan na napag-usapan namin, wala narin sa isip ko ang maglaro dahil seryoso na ako. Gusto ko talaga siya, Hindi na yata basta gusto ang nararandaman ko. Iba na ito, malala pa sa pagka-gusto ang feelings ko sakanya. Umayos ako ng upo at kinuha ang cellphone para tingnan kung anong oras na, Nakita ko naman na saktong 6;20 na kaya nagbukas ako ng data para tingnan kung may message ba si daddy. Napangiti ako ng makitang may tatlo itong message at dalawang picture na kasama niya si mommy, One week pa lang pero halos humihilom na ang mga sugat nito pero bakas parin ang kulay puting marka sa mukha niya at palagay ko ay hindi pa siya tuluyan gumagaling. _Happy birthday luna. _Hope you fine there, Miss ka na namin ng mommy mo. Mabilis akong nagreply kahit na kahapon pa ang mga message na iyon, dahil sa tampuhan namin ni miguel nakalimutan ko ng gumamit ng cellphone. _Im okay dad dont worry, Imiss you too.' Tinggggggg.. 1message_Miguel. Pinatay ko ang data ng magsend ang message ko kay daddy, Agad ko rin binuksan ang mensahe ni miguel na halos kakapasok lang. _Where are u?' _Somewhere'- Reply ko agad at sumandal sa upuan, Kung ayaw mo akong makausap edi hindi na lang ako uuwi. Tinggggg.. 1message. _It's getting dark, luna'. _Kakausapin muna ba ako kung uuwi na ako..' Tingggggg. 1message. _let's talk tomorrow, I'm with jacob now.' Napaismid ako dahil sa reply niya, Bahala siya hindi ako uuwi. Gusto niya pa talagang ipagpa-bukas iyon? Tapos uuwi na naman siyang lasing at magagalit sa'kin. Ewan ko sa kanya. Binuhay ko na ang makina at ipinatong na lang muli ang cellphone sa harap, Sabi niya importante ang pupuntahan niya. Importante ba si jacob? paniguradong iinom lang sila dahil iniiwasan niya talaga ako. Tsk, Nakakainis siya. Natagpuan ko na lang ang sarili ko'ng nagmamaneho patungo sa dati naming bahay dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta, Huminto pa ako sa harap at agad sumilip sa bintana ngunit halos nakapatay naman ang ilaw. Wala ba ang may-ari dito? Kinuha ko ang cellphone sabay baba at naglakad patungo sa gate na hindi naman nakalock, Binuksan ko iyon at agad bumungad sakin ang malinis na paligid. Mukhang may naglilinis dito, Pero bakit parang wala namang tao. "Tao po, may tao ba diyan?" sigaw ko pa ngunit wala naman sumagot. "Sino ba kasing nakabili dito?" bulong ko pa habang naglalakad patungo sa pinto, pinihit ko iyon pabukas kaya nagtaka ako. Hindi man lang nakalock. Masyado naman yatang kampante ang nagbayad dito. Binuksan ko na ang switch at sumalubong sakin ang tahimik na sala, Nakita ko pa ang dating gamit na hindi man lang nagagalaw maging ang mga picture frame namin ni daddy at mommy. Mukhang hindi pa lumilipat ang nagbayad dito, Pero bakit naman? Naguguluhan man ay umakyat na lang ako sa taas para magtungo sa kwarto ko, Binuksan ko ang switch ng ilaw at nilibot ang buong silid kung saan dati akong natutulog. Nakakamis din palang pumasok dito, Nakakalungkot nga lang at hindi ako pweding magtagal. Baka bigla na lang dumating ang may-ari pagalitan pa ako. Kinuha ko na ang maleta at agad ng nilagay doon lahat ng naiwan ko'ng damit para madagdagan naman kahit papaano ang mga damit na sinusuot ko. Nagdadalawang isip pa ako kung didiretso pa ba ako sa bahay nila miguel, nagbitaw pa naman ako ng salitang aalis na ako. Napabuntong hininga ako at pinagpatuloy na lang ang pagsisilid ng mga damit sa maleta, Nang matapos doon ay kinuha ko na ang malaking travelling bag para ilagay ang mga ibang gamit na gusto ko'ng dalhin. Umabot siguro ako ng isang oras sa pag-aayos ng mga gamit bago ko mapansin na sobrang dilim na pala sa labas, Pero nagtataka ako bakit wala parin hangga ngayon ang may-ari. Makakapag stay kaya ako dito hangga bukas? Wala naman sigurong masama, Kami naman ang dating may-ari ng mansyon. DingggDongggg.. Napatayo ako ng may marinig na nagdoorbell sa labas, Hinawi ko pa ang kurtina sa veranda para makita kung sino iyon ngunit dahil madilim ay hindi ko makita ang mukha ng nakatayo sa may gate. Pero base sa tindig niya ay lalake ito, Lagot na, siya yata ang may-ari pero bakit nag doorbell siya? Sino kaya ito. Naglakad na ako pababa para makita kung sino ba iyon, Nang makarating sa labas ay hindi ko muna binuksan ang gate dahil baka magnanakaw pala ito o ano. "Who are you?" tanong ko, nakakacup kasi ito kaya hindi ko makita ang mukha niya. "Hello luna.." pag-angat niya ng tingin ay iyon agad ang bati niya, nangunot ang noo ko ng makitang si jasper iyon. "What are you doing here?" "Can I come in for a while, before I answer your question." ngiting anas nito kaya binuksan ko ang gate, "Thankyou.." sagot niya pa at nagpaunang naglakad sa loob, Agad ko itong hinabol para suwayin. "Hey jasper wait, Hindi ako pweding magpapasok dito.." lumingon ito ng may pagtataka. "Why?" "This house is not my property.." sagot ko ngunit tumango tango lang siya bago libutin ang tingin sa paligid. "Akala ko nga doon ka nakatira sa kabilang bahay kasi doon kita hinatid noon, pero pinuntahan kita kahapon at sinabi ng kapitbahay niyo ay hindi ka naman doon nakatira.." "Ah yun ba, Medyo strikto kasi ang parents ko kaya doon ako nagpahatid.." sagot ko pa. "Pero bakit sinasabi mo ngayon na hindi muna ito pag-aari? Nagsisinguling ka lang ba sa'kin para hindi kita puntahan?" tanong nito dahilan para mangunot ang noo ko, "I'm telling the truth jasper, Nakasangla ang bahay na ito kaya hindi ka pweding magtagal." "Pwedi naman siguro.." ngising saad niya pa sabay lakad patungo sa sala, napamaang ako dahil sa inasta niya. "Ano ba'ng kailangan mo? bakit hindi mo pa sabihin?" diretsong sagot ko habang nakasunod sa kanya, humarap ito sakin ng nakangisi. "Ikaw, ikaw lang naman ang kailangan ko e." hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya habang siya ay nakangisi lamang ng nakakaloko, Tsk, pumunta siya dito para sabihin lang iyon. Parang may kakaiba sa kanya ngayon pero hindi ko mapuna dahil natatakot ako na baka biglang dumating ang may-ari ng bahay. "Mag-usap na lang tayo sa susunod na araw, pwedi ka ng umalis.." anas ko, umiling siya sabay lakad palapit sakin. "Hindi ka ba natutuwa na pinuntahan kita? Alam mo naman siguro na may gusto ako sayo diba, at alam ko rin na parehas lang tayo ng nararamdaman.." ”Ano bang pinagsasabi mo?" naguguluhang tanong ko habang umaatras dahil hindi siya huminto sa paglapit. "Tell me, You like me too right?" Muling nangunot ang noo ko dahil sa tanong niya "No jasper, I have boyfriend and I like you as a friend no special feelings. Sorry." "Boyfriend? Pero sinabi mo noon na wala ka'ng boyfriend.." "Wala ako'ng sinabing ganon, Ang sinabi ko complicated lang ang status ko.." anas ko pa, nahinto ako sa pag-atras dahil pader na pala ang nasa likuran ko kaya malaya niya akong naikulong sa dalawa niyang kamay. Sumama agad ang tingin nito at mas lalo pang nilapit ang mukha niya. "Akala ko pa naman makukuha na kita.." saad niya sa pagitan ng titigan namin, doon ko lang napagtanto na nakainom siya dahil naaamoy ko na ang magkahalong alak at menthol sa hininga nito. "L-lumayo ka s-sakin Jasper.." kinakabahang anas ko pa sabay tulak dito, hindi siya natinag kundi mas lalo lang itong nagmukhang galit. "Akala ko makukuha kita sa bait-baitan ko hindi pala, Masyado ka'ng mahirap paamuin kaya palagay ko mas gusto mo ang marahas na paraan para makuha kita.." "A-ano ba'ng pinagsasabi mo?!" sigaw ko at pilit tinapangan ang sarili kahit na kinakabahan na ako sa mga binibitawan niyang salita. "Sayang, Gusto pa naman kita. Pero mukhang hindi na kita makukuha ngayon, Pero hindi naman ako papayag na hindi ka matikman.." hinawakan nito ang pang-upo kaya bigla ko siyang nasampal dahilan para tumabingi ang ulo niya. "Bastos ka! Lumayo ka sakin!" pinagpapalo ko pa ito sa dibdib ngunit halos mabingi ako ng makatanggap ng malakas na sampal sa kanya. "SHUT UP!" sigaw nito habang nakatingin sakin ng nanlilisik ang mata, nakahawak ako sa pisngi ko na halos mamanhid dahil sa pagsampal niya sakin. "Sinampal mo ako.." hindi makapaniwalang anas ko ngunit tumawa lang siya na parang demonyo. "What happen to you jasper? You're not like that.." dagdag ko pa na kinatigil niya, "Ganito talaga ako luna, Kung ano man ang gugustuhin ko'ng makukuha ko. At maswerte ka dahil sa dami ng babae ikaw ang nagustuhan ko." "Gag* ka." mura ko dito kaya tumango siya. "Mas gag* pa ako sa gag* kaya wag ka ng maingay magugustuhan mo naman ang gagawin ko.." bigla niya akong hinalikan kaya mariin ko'ng tiniklop ang aking bibig para hindi niya masakop ang aking labi, Halos sabunutan ko pa siya dahil pilit ko'ng inilalayo ang ulo nito ngunit masyado siyang malakas. "S-stop it jasper.." nangangatal ko'ng wika ng bumaba ang halik nito saking leeg, tumingin ito sakin kaya buong pwersa ko siyang tinulak dahilan para mapaupo siya. Tatakbo na sana ako ngunit agad niyang nahawakan ang paa ko na ikinatumba ko sa sahig. "Don't try to scape me luna, Sisiguraduhin ko'ng akin ka ngayon.." nakangising anas nito habang hawak hawak ang paa ko. "Bitawan mo ako!" sinipa ko ang kamay niya ngunit agad rin itong tumayo at sumampa sakin. "Wag ka na kasing manlaban." "Asshole! Gag* ka, Manyakis rapisttt!!!!" nangangalaiting sigaw ko ngunit tinakpan niya lang ang bibig ko sabay senyas sa kanyang hintuturo. "Ayaw ko ng maingay" "Mmmm. mmm.." nagpupumiglas ako habang nakahawak ito sa bibig ko at halos mapuno na ng halik ang aking leeg. Naibuka ko ang aking bibig kaya nakagat ko ito dahilan para matanggal ang pagkakatakip niya sakin. "Walang hiya ka!" muli niya akong sinampal ngunit hindi ako nagpatinig kundi sinipa ko ang gitna nito kaya halos mahiga ito sa sahig habang hawak hawak iyon. "LUNA!!!!!" Malakas na sigaw niya ng makatakbo ako papunta sa taas, Agad ko'ng hinanap ang cellphone para matawagan si miguel. Ngunit naka-isang ring ako ay hindi niya iyon sinagot kaya muli ko itong tinawagan. "P-please miguel, pick up your phone.." naluluhang anas ko habang umiikot sa kwarto. "Miguel." sigaw ko ng sagutin niya ang tawag. "Where are you luna?" "I-im h-here in mansion miguel, p-please puntahan m-mo ako s-si jasper n-nandi---" "SINONG NAGSABING TUMAWAG KA!!!" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng mabilis makuha ni jasper ang cellphone sabay tapon sa veranda. "Please jasper, Don't do this I know your a very kind man please. pauwiin mo na ako.." nagmamakawaang anas ko habang humahakbang paatras. "Not this time luna." mabilis itong lumapit sa'kin at walang ano ay itinapon niya ako sa kama, "Ahhhhh, No!" pagpupumiglas ko ng sumampa siya sakin, muli akong nakatanggap ng malakas na sampal kaya halos malasahan ko na ang sariling dugo na nagmumula saking labi. "Hindi ka na sana masasaktan kung binigay muna ang gusto ko kanina pa!" mabilis niyang napunit ang suot ko dahilan para tumambad sa kanya ang dalawa ko'ng dibdib. Pinagpapalo ko ito at pilit kumakawala sa kanya ngunit masyado siyang malakas kaya halos manlambot lang ako sa ginagawa ko. "You have a beautiful body luna, I wonder if your a virgin woman." anas nito sabay hipo saking gitna, "N-no please, jasper n-no.." lumaluha ng anas ko habang pilit inaalis ang kamay niya. "Sisiguraduhin ko'ng magugustuhan muna man ito luna.." hinubad nito ang suot niyang pang-itaas at muling lumapit sakin, halos mapaos ako kakasigaw habang pinapaulanan siya ng suntok. "Stop crying!!" sigaw nito sabay suntok saking sikmura, halos mapapikit ako dahil sa sobrang sakit na idunulot 'non. Nanlalambot na ako at halos manlabo na ang mata dahil sa luhang umaagos sakin, Malaya na nito akong nahalikan sa parte ng aking katawan kaya tahimik na lang akong nagdasal na sana dumating si miguel para iligtas niya ako. "HAYOP KA!!!!" Nabigla ako dahil sa sigaw na 'yon ngunit hindi ako makatayo sa panlalambot ng aking katawan. Malabo ang mata ko'ng lumingon sa gilid at doon ko nakita si miguel na halos paulanin na ng suntok si jasper. "Stop that miguel baka mapatay mo siya.." awat ng kung sino sabay tayo kay miguel para mailayo kay jasper. "I will kill that bastard!" sigaw pa ni miguel at pilit kumakawala sa dalawang lalakeng may hawak dito. "No, tatawag ako ng pulis asikasuhin mo si luna." tuluyan na akong napapikit dahil nakakaramdam na ako ng pang-hihina sa katawan. "Hey luna, wake up naririnig mo ba ako." nagmulat ako ng bahagya at nakita si miguel na nakayakap sa'kin, naramdaman ko pa ang pag-angat sa era habang nakatingin sa kanya. "Sorry luna, sorry" paulit ulit na anas niya habang tumatakbo palabas ng kwarto. Pumikit na ako ng tuluyan dahil alam ko'ng safe na ako ngayon sa bisig na nakayakap sakin. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nilamon na ng kadiliman ang paningin ko. ________
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD