Chapter 2
[ Luna Pov. ]
Hindi na ako nakaligo sa sobrang inis ko sa kanya, Nakaupo lang ako sa bato at pinapanuod silang magtampisaw sa tubig. Ilang beses na nila akong niyaya ngunit tinanggihan ko lang ang mga ito.
Si dennis at william ay nauna na dahil may gagawin pa daw ang mga ito, Nalaman ko rin na taga rito sila at may bahay sila dito.
Pinsan din nila si miguel at tawag nila dito ay kuya, Mabait naman daw siya hindi nga lang palaimik..
Halos irap lang ang nagagawa ko sa tuwing naririnig ko ang paguusap nila tungkol dito, Naiinis ako sa kanya kung aaminin niya lang na kinuha nito ang cellphone ko ay hahayaan ko na siya, Kaya ko naman bumili ng limang cellphone.
Pero dahil matigas ito at feeling ko ay nagmumukha akong tanga dahil pilit niyang tinatanggi na hindi niya ito ninakaw kaya mas lalo akong naiinis.
"Uuwi pa ba kayo? Mag-gagabi na bukas na lang kaya.." saad pa ni vanz, napatingala naman ako sa langit.
Magdidilim na nga, Baka gabihin na kami sa paglalakad patungo sa kotse at hindi rin kami aabot ng alas otso sa bahay.
Sh*t siguradong beast mode na si mommy! Kailangan kong mag-isip ng dahilan.
"Pwedi naman kayong mag stay dito dahil may mga kwarto pa naman na bakante.." anas ni neil, nakangiti naman ang dalawa kong kaibigan dahil pabor sa kanila ang pag oover night dito.
Siguradong alam ko na ang mangyayari mamaya dahil sa ngisi nila.
"Sure! Pwedi naman ipagpabukas ang biyahe sabay sabay na lang tayo.." masayang wika ni antonette, nakaakbay naman si neil dito.
Nakakainggit! Kung wala lang sana ang hayop na yun dito ay hindi ako nawalan ng gana, baka pinatulan ko na siguro si zeke ngayon at may kayakap narin ako! Nakakaleche talaga siya.
"Let's go luna, Hindi ka man lang nagbabad.." anas ni zeke, nilahad nito ang kamay para tulungan akong tumayo.
"Sorry, Nawalan ako ng gana.." ani ko, Sumunod naman kami sa mga kasama namin na nauunang naglalakad.
"Nabadtrip ka ba kay miguel?.."
"No.." mabilis na sagot ko, hindi niya pweding malaman na apektado ako dito, nakakahiya baka isipin niya nalungkot ako sa pag alis niya.
"Okay, Hindi talaga palakibo iyon. Isang taon palang kaming magkakilala pero alam ko na ang ugali niya.."
"Bakit ganyan siya?" curios na tanong ko habang naglalakad.
"Ugali niya na daw talaga iyon, Si vanz matagal na silang magkaibigan magtanong ka sa kanya.."
"Uh? Wag na, Hindi naman ako interasado sa pagkatao niya.." asik ko, natawa naman ito sa sagot ko.
Matapos ang paglalakad ay nakarating kami sa isang lumang bahay, Malaki ito at halatang namana pa sa matatanda dahil sa lumang disenyo sa labas,
Binuksan ni giovanni ang gate at malalaman mo talaga na may pumasok dito dahil sa ingay nito,
Dalawang palabag ang bahay at sobrang lapad nito sa harap, Mapapansin mo na maraming kwarto at parang nasa dormitoryo ka kung iisipin mo.
Sh*t, parang hounted house din sa sobrang luma ng bahay.
"Kanino bahay ito?" usisa ni vivian habang papasok kami sa loob, malawak naman sa labas at may garden pa. May luma ding fountain sa harapan.
"Sa lolo ni miguel, Nasa loob ang tiyahin niya.." anas ni vanz, Binuksan nito ang malawak na pintuan at namangha naman ako dahil sa ganda ng loob.
Kung anong luma ng labas ay ganun rin sa loob, ngunit mamangha ka dahil parang nagtravel ka sa past at bumalik sa unang siglo.
"Wow, Ang daming antik.." namamanghang anas ni antonette,
Ang dami ngang vase na malaki, May chandelier sa gitna at mamalaking frame na halatang mga ninuno pa nila miguel.
"Tara, pumunta na tayo doon.." sumunod muli kami kay giovanni at dinala niya kami sa dining kung saan nandoon ang isang magandang ginang.
"Oh hijo, May kasama pala kayo.." saad nito na kaming tatlo ang tinutukoy.
"Yes tita, Kaibigan po namin sila. Pwedi po bang mag stay sila dito ngayong gabi?" sagot ni vanz, tumango naman ang ginang.
"Oo naman, gabi na at delikado ng magbiyahe sa lugar na'to. "
"Thankyou po.." sabay na saad naming tatlo, ngumiti naman siya bago ayusin ang mga pinggan.
"Sabay sabay na tayong kumain, tatawagin ko lang yung tatlo.."
"Okay tita.." sagot ni giovanni, humarap naman siya samin at inalok kaming umupo.
So, nandito rin si miguel? At makakasabay ko siyang kumain, What the h*ll. Napaka malas ko talaga.
Ramdam ko naman ang pagsipa sa paa ko kaya nilingon ko ang dalawang nakangisi sakin.
"Problema niyo?!" pabulong na tanong ko nasa harapan ko silang dalawa na kapwa nakangisi.
"How's your charming tricks? Gumana ba?" tanong ni vivian, nakangisi parin.
"Tsk! Ayaw ko siyang pag-usapan." asik ko, natawa naman silang dalawa.
"Tumaob din yata ang ganda ni luna hahaha.." bulong pa ni antonette kaya sinipa ko ito sa paa.
"OUCH!!"
"What happen?" Agad na tanong ng prince charming niyang si neil, D*mn.
"Hehehe, wala.." pilit na tawang sagot nito, napatingin naman kami sa magkapatid na dumating kasunod ang tiyahin ni miguel.
Napataas naman ako ng kilay dahil hindi ko nakita ang magnanakaw, Hahaha salamat naman at hindi siya sasabay ang sama talaga ng ugali.
"Bakit hindi pa kayo kumain?" tanong ng ginang at binukasan ang nakatakip na ulam, napangiti naman ako dahil pamilyar sakin ang nakahain.
Thanks god at nagugutom na ako, buti na lang at makakatikim din ng may sarsa.
Tatlong putahe ang nakahain at kanya kanya na kami ng sandok, At dahil sa sobrang gutom ay agad na akong kumain. Grabe hindi man lang ako nakapag miryenda, nasobrahan na ako sa diet.
Ngunit halos mabulunan ako ng makitang umusog ang upuan sa tabi ko at umupo doon ang lalakeng kinaiinisan ko.
"Huuukkkk!!" Napapikit na lang ako dahil sa sakit ng aking dibdib dahil sa biglaang pag-ubo, Bwist siya! Bakit dito pa naupo.
"Tsk.." dinig ko pang singhal nito, tumayo siya at kumuha ng tubig.
Inabot niya iyon sakin kaya hindi na ako nagdalawang isip na kunin iyon dahil sa nakabara sa lalamunan ko, Sh*t ikakamatay ko pa yata ang lalakeng ito.
"Dahan dahan lang kasi luna.." saad pa ni antonette, nakahinga naman ako ng maluwang dahil sa pag inom ng tubig.
"Sorry.." paumanhin ko sa mga kasama naming kumakain at inis na nilingon si miguel na kumakain na.
Leche! Parang wala man lang nangyari at prente lang siyang sumusubo sa tabi ko, pwedi naman siyang umupo sa ibang bakanteng upuan bakit dito pa? Nang-iinis talaga siya.
At dahil ramdam ko ang presensya niya sa tabi ko ay hindi ako nakakain ng maayos, Hindi ko tuloy na enjoy ang masarap na ulam dahil sa asungot na kumakain sa gilid ko.
F*ck, Why your so affected luna?
Pagkatapos kumain ay tinuro na nila ang kwarto namin para makaligo na, tatlo pa ang bakante kaya nagsamantala na kami at kanya kanya na ang pasok sa bawat kwarto.
Binuksan ko ang ilaw at agad tumambad sakin ang kulay krema ng silid, Dilaw ang sinag ng ilaw kaya ang sakit sa mata. Pinatay ko na lang iyon at binuksan ang malaking bintana para masinagan ng buwan ang kwarto, napangiti naman ako dahil tama lang ang pwesto ng bintana sa buwan.
How I love the brightness of moon, Sinisimbolo nito ang pangalan ko kaya napapangiti ako tuwing nakikita ko ito.
Nakangiti akong pumasok sa banyo at nakitang may mga cabinet sa taas, Binuklat ko iyon at tumambad sakin ang mga nakatuping towel. Kumuha ako ng isa para isabit sa hook.
Naghubad narin ako at agad ng nagtungo sa ilalim ng shower, Napapikit na lang ako dahil sa sobrang laming ng tubig na umagos saking katawan, Naalala ko na naman ang nangyari kanina.
Kung wala siya dito siguradong nag enjoy ako sa water falls kanina, Nakakapag hinayang lang at hindi ko man lang naramdaman ang lamig nito.
Pagkatapos maligo ay pinalupot ko lang ang towel saking katawan at agad ng naupo sa kama, Huminga muna ako ng malalim bago humiga at ipahinga saglit ang aking likod bago magbihis, Sobrang napagod ako sa paglalakad kanina pero nakakaenjoy naman ang view kaya sulit ang pagod.
Gumulong ako paharap ngunit halos mapasigaw ako ng makitang may taong nakahiga sa kama.
"Waaaaahhhhhhhh!!!" Malakas na sigaw ko at agad napaupo sa kama,
"Sh*t what are you doing here!!" gulat na asik ni miguel, Nahampas ko naman siya ng unan dahil sa tanong niya.
"Tarantad* ka! Ang galing mo talagang mag-panggap hindi ka lang magnanakaw mamboboso ka pa!"
"What! Anong sinasabi mo! Kwarto ko ito!" sigaw niyang muli kaya hinampas ko ulit siya ng unan.
"Gag* ka! gag*! dito ako pinapasok ni giovanni!"
"Sh*t stop that!!" ani pa nito na sinasagka ang bawat hampas ko nahinto naman ako sa isang katok na nanggagaling sa labas.
"Miguel anong nangyayari diyan?" tanong ng tiyahin niya kaya halos hilain na ako ni miguel para takpan ang bibig ko.
"Hmmmmm, Mmmmm." pagpupumiglas ko dito ngunit nanatiling nakasampa ito sakin habang nakatakip ang palad saking bibig.
"Wala tita.." sigaw nito, sinenyasan pa niya akong manahimik ngunit nagpupumiglas parin ako.
"Ah ganun ba, may narinig kasi akong sumigaw.."
"Nanunuod ako ng video tita.." tugon niya at pilit tinatakpan ang bibig ko.
"Sige, Matulog ka na pagkatapos mo diyan maaga pa ang biyahe niyo bukas.." narinig na namin ang yapak nito paalis ngunit hindi niya parin inaalis ang pagkatakip saking bibig.
Salubong naman ang kilay nitong tumingin sakin ngunit masyadong malapit ang mukha niya kaya halos pigilan ko ang paghinga dahil sa nakikita ko
Tanging buwan lang ang nagliliwanag sa mukha niya pero makikita mo pa rin ang kagwapuhan nito at perpekto niyang mukha.
Bumaba ang tingin nito sa dibidb ko na bahagyang nakalitaw dahil sa biglaang paghila niya sakin kanina, Mabilis naman itong tumayo at napapikit na hinilot ang kanyang noo.
"Get dress, At lumabas ka na dito.." saad niya at nagmartsa palabas.
Doon lang naging maayos ang paghinga ko kaya mabilis akong tumayo at agad hinagilap ang aking bag para makapag bihis na.
Bwist na giovanni, Inisahan ako! Dito pala ang kwarto ni mokong!
Nagmadali akong lumabas para pumunta sa kwarto ni Vivian ngunit ng pihitin ko iyon ay nagulat pa ako sa nadatnan kaya muli ko itong isinara. Grabe siya, Nakascore na agad kay giovanni sobrang tinik niya talaga.
At dahil hindi na ako pwedi sa kwarto ni vivian ay nagtungo ako sa kwarto ni antonette ngunit nakalock iyon kaya hindi na ako kumatok, Mga mahaharot talaga siguradong nandito din sa loob si Neil at alam ko na ang ginagawa nila.
D*mn it! How can I sleep with him! Bakit hindi niya na lang muna ipaubaya ang kwarto nito, napaka-sama talaga ng ugali niya.
Muli akong naglakad pabalik sa kwarto at dahan dahan ko iyon binuksan upang silipin kung nandoon ba ito, Nang makitang wala siya ay pumasok ako para doon na lang matulog. Nilock ko rin ang pinto upang hindi na siya makapasok pa.
Pabagsak akong nahiga sa kama at naamoy ko ang ginagamit nitong pabango kanina, Magnanakaw siya pero nakakagamit pa ito ng mamahalin pabango.
Hmm, kung hindi ko lang alam. Baka binenta niya na ang cellphone ko at pinagbili na ng pabango. Nakikitira lang siya dito at sigurado akong mahirap lang ito dahil hindi naman sila magtitiis sa lumang bahay, bakit hindi nila parenovate para maging bago naman ang dating.
Pumikit na ako at pilit siyang inalis sa isip, Ayaw ko naman itong mapanaginipan baka mabangungot pa ako sa huli dahil sa inis ko.
Wala pa man akong limang minutong nakapikit ng marinig ang pagbukas ng pinto kaya mabilis akong napabangon at nakita si miguel na nakatingin sakin.
"Paano ka nakapasok!" singhal ko dito at tumayo sa kama para lumayo, baka bigla niya na naman takpan ang bibig ko.
"This is my room flying heels, So get out of here.." seryosong anas nito, Put* binansagan pa akong flying heels!
"No! Ikaw ang lumabas! Magpaka lalake ka naman kahit ngayon lang!" sigaw ko kaya sinsenyasan niya akong tumahimik.
"Wag kang sumigaw nasa kabilang kwarto lang si tita!"
"Lumabas ka muna.." asik ko dito, nakapamewang naman itong tumingin sakin.
"Wala akong pinapatulog na babae dito, kaya lumabas ka na at doon ka sa sofa.."
"What!, I'll never sleep in sofa! Ikaw ang matulog doon!" singhal ko at agad ng humiga sa kama sabay sukob sa kumot, Ngunit halos mapatili ako ng hilain niya ang paa ko pababa kaya sumipa ako ng malakas at sa hindi sinasadya ay ang munting alaga nito ang natamaan.
"Ahhhhhhh! F*ck, .." napahiga ito habang hawak niya ang gitna niya kaya muli akong sumampa sa kama at kagat labing tumingin dito.
"Thats your fault! Bagay lang sayo yan!" giit ko pa, nakangiwi naman itong tumingin sakin.
"D*mn, Your a big pain in my ass flying heels!"
"Shut up, Diyan ka matulog sa sofa dito ako!" hinagis ko ang dalawang unan at muling nahiga, dinig ko pa ang pagmumura nito kaya halos matawa ako sa ilalim ng kumot.
Bwist ka, Akala mo magpapatalo ako sayo!
Puro kasi flying heels, Yan tuloy nakatikim ka ng flying kick!.
Tawa tawa akong pumikit at hindi na tiningnan pa ito, Bahala siya. He deserve that.
___
To be Continued..