Chapter 38. Luna Pov. Alas onse na ng umaga ay wala pa akong kinain ni ano, ngunit ang ikina-pagtataka ko ay ang ikatlong balik ko sa banyo. Nasusuka at nahihilo ako. yun ang aking pakiramdam ngayon, Hindi ko alam kung ano ito, Kakaiba, bago saking pandama. Wala naman akong lagnat. "Wala ka ba talagang nakain buhat kaninang umaga?" tanong ni vivian, nakapamewang itong nakaharap sakin habang ako ay nakasandal sa mahabang upuan. Hawak ko ang noong umiling. "Hindi ako kumain, Ni kape nga ay hindi ako uminom." nagtataka niya akong tinitigan. "Kung ganon ay ano yan?" tanong nito, nagkibit-balikat ako. "Bakit hindi ka muna magpasuri sa doctor, para malaman natin." umiling akong muli. "Mawawala din ito mamaya." sinuklay ko ang buhok at pumikit saglit. Nahihilo talaga ako. "Tsk, What if

