Chapter 66 (Panunuyo) "Luna, Im waiting..." magsasalita na sana ang babae ng bigla ay may kumatok sa pintuan, kapwa sila napabaling doon. Nagtataka kung sino na naman ang mag-iistorbo sa kanila. *Tok....*tok....tok...* Mariing napapikit ang binata, inis na tumayo at walang pakundangan na binuksan ang pinto. "What is this now, reposposa!!" nangangalaiti na ito sa sigaw, iniisip na nito na alisin na ang abogado bilang personal nitong kasama. Masyadong istorbo. "Someone's calling on ms villamor phone.." ani ng abogado, Hindi man lang kakikitaan ng takot sa kaharap. halatang sana'y na kung ano mang meron sa ugali nito. Tumayo ang dalaga ng marinig ang apelyido, lumapit sa pinto na agad kinasama ng tingin ni miguel "Sinabihan ba kitang tumayo?!" tinaasan niya ang binata ng kilay, umirap

