Chapter 61 (Strawberry taste) Luna Pov. Wala pa ako sa wisyo ng makauwi sa bahay nila vivian, Suot ang isang sandal ay tumakbo ako paakyat sa hagdan patungo sa silid na nakalaan para sa' kin. Binuksan ko ang kwarto, pumasok ako sa loob at pabagsak na naupo sa kama. "Ang lakas ng loob niyang halikan ako!" angil ko sa sarili, kinagat ko ang pang-ibabang labi, wala sa sariling hinawakan ko iyon at muling naalala ang nangyari kanina lang. "D*mn you, Sandoval!" pumikit ako ng mariin, hinagod ang sariling buhok at pilit winawaksi sa isipan ang pamilyar na senariong iyon. Ang labi niyang kay tagal ng muli 'kong mahalikan 'uli, Hindi ko pa limot ang mga ilang beses na halikan namin noon, bawat nakalipas na araw ay gumigimbala talaga iyon ng matindi sa' kin. Bakit ba nakapa-lupit mo, ganito

