Chapter 1

1659 Words
"Inay, anong ginagawa natin dito?" Kunot ang noong nilingon ko ito at nakitang ibinaba niya ang tatlong bag na hawak. Imbes din na sagutin ako ay lumakad pa siya palapit sa malaking gate saka nagpipindot sa door bell. Mas lalo lang nangunot ang noo ko habang nanatiling nakatitig kay inay. Nagbabakasakaling sagutin ang kaninang tanong ko pero masyado itong abala sa ginagawa. Nakailang pindot na siya roon pero wala pa ring taong lumalabas o kahit na anong sign man lang na magbubukas iyon. Ano na naman ba itong trip ng nanay ko? Pinasadahan ko ng tingin ang malaking bahay na nasa harapan namin ngayon, sobrang lawak no'n at kahit nga nandito ako sa labas ay nakikita kong sobrang laki talaga. Paano pa kaya kung pumasok kami sa loob? Hindi na ako magtataka kung sobrang yaman din ng may-ari ng bahay na iyan at kung sobrang dami ng pera nila para makapagpatayo ng ganiyang bahay. Dati-rati, ganito ang gustung-gusto kong bahay. Pinangarap ko noong tumira sa isang mataas at malaking bahay pero naisip ko, ang bata ko pa noon para mangarap ng isang bituin na mahirap abutin. Kasi hanggang ngayon, wala pa rin akong napapatunayan sa nanay ko at kahit sa sarili ko. Nag-aaral pa lamang ako at tanging pagtulong sa trabaho niya lang muna ang nakakaya kong gawin. "Anak, buhatin mo na iyang mga bag." Pahayag nito, ilang segundo lamang nang namalayan kong nakabukas na pala ang gate. Walang alinlangan na binuhat ko ang tatlong bag na nasa lapag at kahit mabigat ay hindi na alintana sa akin o problema iyon kasi alam kong sanay na ako sa ganitong bagay. "'Inay, ano ba kasing ginagawa natin dito?" Pagtatanong ko na hindi mapakali kakabaling sa paligid. "Dito muna tayo pansamantalang titira." Simpleng sagot nito bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Sa sinabi niya ay natigilan ako, naiwan ako roon na tulala. Napakurap-kurap pa ako sa hangin na para bang isang malaking kahibangan ang sinabi ng nanay ko. Kami? Titira sa malaking bahay na ito? Alam kong minsan may pagka-feelingera si inay pero hindi ko lubos maisip na sa ganito pa siya mangangarap, kahit na alam ko namang walang masama sa pangangarap. Ganito ba talaga ang epekto ng mawalan ng bahay? Pagak akong natawa at nailing-iling na lamang sa kawalan. Napalayas kami sa apartment na tinutuluyan namin sa kadahilanang dalawang buwan na kaming hindi nakakapagbayad ng renta. Ilang beses kaming nakiusap na bigyan pa kami ng palugit, pero wala, e. Anong magagawa namin kung wala talaga kaming pera? Minsan naiisip ko kung ganito ba talaga ang nakatadhanang mangyayari sa buhay ko. Lumaki na nga akong mahirap, tatanda at mamamatay pa rin ba akong mahirap? Kung hindi lang masama magbenta ng lamang-loob at katawan ay nagawa ko na, gaya ng mga nagawa ng dati kong kaibigan dahil sa sobrang kahirapan sa buhay. Ngunit hindi ko rin naman kayang gawin iyon dahil mahal ang puri ko. Mahal ko pa ang sarili ko at mas lalong mahal na mahal ko si nanay na kahit mahirap kami, napalaki niya akong may respeto sa sarili. Muli ay napailing-iling ako. Hindi nagtagal ay pumasok na rin ako sa loob at gaya nga nang inaasahan ko, sobrang rangya at puro kagamitan ng mayayaman ang naroon sa loob. Halos malaglag na nga yata ang panga ko sa sobrang pagkamangha. Iba pa rin talaga kapag nakaapak ka sa ganitong lugar, pakiramdam mo ay ang gaan-gaan mo at wala kang problemang pang-pinansyal ang hindi malulutasan. "Anak." Anang nanay dahilan para balingan ko siya. Wala pa sa sariling napangiwi ako nang makitang nasa malaking sofa na ito at prenteng nakaupo habang may kausap na babae, hindi lang basta-bastang babae dahil kung titingnan mo siya, para bang may nakadikit sa noo nitong— I'm a billionaire, don't touch me. Matamang nakatingin sa akin ang medyo may kaedaran ng babae na kasing-edad lang naman ni nanay. Ngumiti na lamang ako upang maipakitang masaya akong makita siya. "Magandang gabi po, ako po pala si Tyra Nicole Fajardo." Magalang kong saad at nahihiya pa nga dahil hindi ko alam kung uupo ba ako o mananatiling nakatayo. Idamay pa na para akong naiihi at halos hindi na rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Magnetic ba itong tiles na nila? "Good evening, hija." Bati nito bago nilingon si inay. "Siya na pala ang anak mo, Karla?" Tumango-tango ito bilang pagsagot sa kaniya. Muli ay nilingon ako nito, sa ginawa niya ay peke akong ngumiti. Wala naman akong ibang maramdaman kung 'di ang pagka-ilang. Mahigpit na napakapit ako sa bag na hawak ko at kahit na naiilang ako ay pinanatili ko pa rin ang eye contact ko sa kanya para hindi naman ako magmukhang bastos at baka mapalayas pa ako nang wala sa oras. "Umupo ka, hija." Maya-maya ay sambit nito. "Sige po, salamat." Inilapag ko ang mga bag sa isang tabi saka naupo sa tabi ni inay. Hindi ko maiwasan na libutin ng tingin ang kaloob-looban ng bahay na iyon. Walang hiya! Kung bakit naman kasi ang bago-bago niya sa paningin ko kaya ganito na lamang ako ngumanga. Muling nag-usap sina inay at ang matandang babae na hindi ko maintindihan kung tungkol saan, kaya tinuon ko na lamang ang atensyon sa mamamahaling bagay na naka-display doon sa sala. Tinatansya ko kung magkano ba ang lahat ng nagastos nila at kung sakaling magkatrabaho na ako at magkapera ay baka magpagawa na rin ako ng mas hihigit pa sa bahay na 'to— isang malaking regalo para kay inay. Sa isiping iyon ay napangisi ako. Sige lang, Tyra, mangarap ka lang. Sa kakalibot ay nahagip ng mata ko ang isang malaking picture frame na nakasabit sa pader. Sobrang laki no'n na kahit malayo ay kitang-kita mo ang mga mukha roon. Isang babae at dalawang lalaki na pare-parehong nakangiti. Malamang na ito 'yung pamilya na nakatira rito. Matandang lalaki na nasisiguro kong padre de pamilya at iyong matandang babae na ngayon ay nasa harapan namin at kausap ni nanay. Kuha siguro ito ilang taon ang lumipas dahil medyo bata at iba pa ang itsura ng ginang. Napapagitnaan nila ang isang lalaki at masasabi kong may itsura ito base na rin sa porma nito. Siya marahil ang nag-iisang anak ng dalawang matandang iyon. Okay din, napakagwapo. Nasaan kaya iyon? "Okay lang naman sa akin na rito muna kayo tumira since malaki naman itong bahay namin at bilang kaibigan mo na rin, Karla. Okay na okay sa akin syempre." May kagalakang sambit ng ginang. "Naku, maraming-maraming salamat talaga. Pasensya na kung nakaabala kami, kailangan lang kasi talaga namin ng pansamantalang matutuluyan habang wala pa akong hanap-buhay." "No need. I offer you na rito ka na lang din magtrabaho para hindi ka na mapagod na bumiyahe. Bibigyan na lang kita ng allowance every one month at kung may kailangan kayo ng anak mo, pwedeng-pwede. Basta magsabi lang kayo, okay?" Napatingin ako sa matandang babae na malawak ang pagkakangiti. Anong ibig niyang sabihin? Titira kami rito kapalit ay magtatrabaho si nanay dito bilang katulong? Plus the fact na suswelduhan pa niya si inay? Wow, napakabuti naman pala niyang tao at hindi na rin masama. Kung ako ang tatanungin, walang alinlangan akong papayag. Hindi ko na napakinggan pa ang usapan nila ni nanay dahil napukaw ang tingin ko sa lalaking naglalakad, galing ito sa kusina at alam kong dito ang punta nito. Hindi niya pa siguro napapansin na nandito kami dahil tuluy-tuloy ito sa paglalakad. At malamang na kapag nakita niya kami ay mahihiya siyang tumakbo palayo dahil ang tanging suot lamang nito ay ang boxer niya. Wala itong pang-itaas at nakabalandra pa nga ang mabuhok nitong dibdib. Shit na malupit! Hindi ba talaga siya aware na may maria clara rito? My ghad, Tyra! "Ma—" Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang mapagtanto niyang may iba pang tao sa bahay nila. Unang dumapo ang mata nito sa akin na siya namang ikinabalisa ko. Halos lumikot ang tingin ko, huwag lang mapako ang tingin ko sa kaniya. s**t talaga! May itsura nga talaga ito gaya ng nasa litrato, mas gwapo rin siya sa personal, samantalang ang malaking katawan nito ay naaayon naman sa itsura ng mukha at edad niya. Hindi malayong habulin siya ng babae, isama na rin ang bakla dahil sa taglay nitong s*x appeal at kaangkinang charm. Wala sa sariling napangiwi ako. Hindi ko ibig sabihin na pati ako ay maghahabol. Tsk! Unang-una, hindi siya ang tipo ng lalaking pangarap ko. Ayos na sa akin ang hindi kagwapuhan basta ay kayang magmahal ng tunay at totoo. Sa lagay kasi ng lalaking ito ay para bang lahat ng bagay ay biro lamang. Iyon bang lalaking hindi marunong mag-seryoso? Marahil mali nga rin sigurong husgahan ko ito sa unang kita pa lamang. But the first thing I know, he's not my type— as in never! Seryoso. Ayaw ko sa lalaking gwapo dahil ayokong ma-stress sa mga babaeng gusto siyang agawin. "Oh, hijo, nandiyan ka pala. Siya nga pala, sila ang mga bisita ko at pansamantala na magiging kasamahan natin dito sa bahay." Paliwanag ng kaniyang ina. "Ah." Aniya sabay kibit balikat, tumaas la ang sulok ng labi nito. "Good to know then." Napairap ako sa hangin na hindi ko naman alam na nakita niya pala. Tumitig ito sa akin na para bang mamaya lamang ay handa na ako nitong atakihin at sunggaban dahilan para mag-iwas ulit ako ng tingin. Narinig ko pa silang nag-uusap ng mama niya pero hindi ko na nagawang pakinggan. Ang laki ng boses nito na para bang isang utos lamang niya ay mapapasunod nito lahat. "May bago ulit labandera." Aniya at tila nang-aasar pa ang boses, rason para mag-angat ako ng tingin dito. Isang ngisi ang iginawad nito sa akin bago kami tinalikuran at walang lingun-lingon na umalis. Huh! Ang yabang, ah? Akala mo kung sinong gwapo, tsk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD