Xyzrielle's PoV: Isang magulong kwarto ang nadatnan ko nang buksan ko ang kwarto ni Athena. Parang dinaan naman 'to ng bagyo. Kanina lang ay medyo maayos pa ito ah. Pero anong nangyari ngayon? Ganon ba kagalit si Athena para gawin nya ang mga 'yan? Hindi ko maiwasang mapalunok. Kinakabahan na ako dahil sa naisip ko. Feeling ko ay matitigok na ako anytime. Parang makikita ko na ata si San Pedro nito o baka naman si Lucifer. Bubugahan na ako ng apoy ng isang dragona at sa isang iglap lang ay bubulagta na ako. Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako sa ginawa ko. Bakit kaya wala sa unahan ang pagsisisi? Aish. Nako, Xyzrielle. Ano ba kasing pumasok na kokote mo at nagdrawing ka sa mukha ni Athena? Marker pa talaga ang ginamit mo. Ang hirap pa naman tanggalin non. "Xyzrielle! Where the hell

