Xyzrielle's PoV: "Babyloves, pupunta ka ba sa party mamaya?" Tanong ko kay Athena. Wednesday na ngayon at mamaya na ang party ni Akira. "Pang ilang tanong mo na ba sa akin yan ah? Pa ulit-ulit? Unli ka ba? Sinabi ko na ngang hindi eh." Masungit nyang turan at humalukipkip pa. Napakamot ako ng aking ulo. G na g sa akin eh. Hmp. Parang nagtatanong lang naman ako huhuhu. "How about you? Pupunta ka ba?" Napalunok ako ng wala sa oras dahil doon. It's her first time na itanong sa akin 'yan. Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba. "Syempre hindi. Wala ka roon eh." Kinakabahan kong sagot sa kanya. I let out a forced a laugh. Tinitignan ako ni Athena nang mabuti na para bang sinusukat kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi. Nako po. Hindi pa naman ako sanay na magsinungaling huhuhu. "Are yo

