CHAPTER 19
AENNAIAH POV
“Good morniiiing po, Mam Rara! Good morniiiing po, Sir Bakikong! Good morning din po sa mga anak n’yoooooo!”
As in halos sumabog ang boses ko sa dining area habang nakapasok ako, dala ang tray ng prutas na hindi naman nila pinahanap. Pero kailangan may entrance, syempre. First impression is everything.
Paglingon ko, ayun na si Hasra, nakatingin sa’kin na parang may nakita siyang lumang basahan.
“Wow,” malamig niyang bungad. “Ang aga-aga, may megaphone?”
Sabay roll eyes na parang gusto n’yang i-swipe left ang buong existence ko.
Hindi ako nagpatalo.
Plastic mode ON.
“Ay Mam Hasra, hindi po! Happy energy lang po for the family! Nakakaganda po ng umaga yung positive vibes.”
“Positive vibes?” singit ni Jhonax. “Ate, parang negative sa akin.”
Sabay tawa niya, tapos lumapit kay Hasra at bumulong nang malakas-lakas na parang talagang dapat marinig ko.
“Ate, tingnan mo ‘yung suot niya. Parang”
“Parang kulang sa tela,” putol ni Hasra. “O baka nauubusan ng budget.”
At nag-roll eyes ulit si queen. Grabe, parang may membership siya sa “Eye-Rollers Association of the Philippines.”
Huminga ako nang malalim. Hindi puwedeng mapikon.
Character ko Plastic pero classy.
Goal ko: Kunin ang loob nila.
Secret motivation ko: Sir Bakikong… pogi mo talaga, grabe.
Habang naglalakad ako palapit para ilapag ang tray, hindi ko napigilang titigan si Sir Bakikong.
Modern daddy look.
Naka-glasses.
Naka-long sleeves na nakaroll-up.
At yung gray streaks sa buhok? Ay naku. Pogi alert.
“s**t,” bulong ko sa isip ko, “Sir bakit ka ganyan kagwapo? Laglag panty talaga, girl.”
Pero sa labas?
Smile. Demure. Mahinhin kunwari.
“Sir, prutas po, healthy po para sa inyo,” sabi ko habang inilalapag ang tray.
Nag-angat siya ng tingin.
Nakangiti.
At polite pa.
“Ah, thank you, Aennaiah.”
Kumislap agad ang utak ko.
OH LORD BAKIT KA GANYAN.
Pero bago pa ako makasagot
“HUY.”
Nandiyan na si Hasra, nakatayo sa tabi niya na parang bodyguard ng SM.
“Ate,” singit ni Jhonax, “pati prutas, sinasamahan mo si Sir? Kala ko ba mahilig ka sa chocolate?”
“Tumahimik ka nga,” sagot ni Hasra. “At mamamatay ako sa cringe kung magpapaka-sweet pa ‘to.”
Pinag-uusapan nila ako pero nasa tabi nila ako.
Ang sakit pero ang sarap.
Ang sarap sa drama.
“So… ikaw si Aennaiah, diba?” Sabi ni Mam Hasra
“Yes po, Mam. Nandito po ako para tumulong sainyo nang buong puso.”
“Buong puso?”
Taas-kilay.
Roll eyes.
Fold arms.
Classic Hasra.
“Sigurado ka bang may puso kang kasama?”
Sabay ngiti yung ngiting parang may balak magpatawag ng exorcist.
“Meron naman po, Mam,” sagot ko, plastic smile na pang-binibining Pilipinas.
“Good,” sagot niya. “Kasi kapag attitude ang dala mo, hindi ka tatagal dito.”
“Hasra,” saway ni Mam Rara, natatawa nang bahagya. “Be nice.”
“Nice naman ako, Mom,” sagot niya habang tumatayo, “pero hindi ako bulag.”
Tapos dumirecho siya sa pintuan, pero hindi pa tapos ang queen.
Pagdaan niya sa’kin?
Nag-whisper siya ng ubod ng bilis:
“Hindi ako nagpapalit ng katulong every month, pero kapag inirita mo ko? Let's see.”
At tumawa siya nang napakalamig.
Parang villain sa Disney pero mas maganda.
Pag-alis nila Hasra at Jhonax, kaming tatlo lang nina Mam Rara at Sir Bakikong ang naiwan.
“Relax ka lang dito, ha?” sabi ni Mam Rara. “Treat our home like your home.”
Ngiti ako.
Large smile.
Super polite.
“Yes po, Mam, sobrang thank you po!”
Pero sa loob-loob ko?
“Yessss, gusto ko yan. Home. As in… HOME. Kasama si Sir Bakikong sa HOME.”
Uy, Aennaiah, behave ka!
Pero hindi ko mapigilan.
Pag-akyat ko para maglinis ng hallway, andun na agad si Hasra sa tapat ng pinto niya.
Parang may radar talaga siya para sa presence ko.
“Ay,” aniya, “nandito ka pala.”
“Yes po, Mam. Maglilinis lang po dito sa taas.”
“Teka,” hawak niya balikat ko. “May dumi sa damit mo.”
Natuwa ako, akala ko concern
Pero hindi.
Kinawit niya yung kwelyo ko gamit daliri.
Binigyan ako ng ngiting nakaka-turn into ashes.
“Actually wala naman,” sabi niya. “Gusto ko lang sabihin na next time, magsuot ka ng mas tamang uniform. Yung hindi ka mukha nagpunta sa club.”
OUCH.
SOFTBUTTER ang ego ko pero tinaasan ko siya ng kilay sa isip lang.
“Yes po, Mam. Sorry po.”
“Sige. Good,” sagot niya sabay roll eyes, number…I lost count.
Bumaba ako para maghugas ng plato.
Pagpasok ko, andun si Jhonax.
“Uy,” sabi niya habang kumakain ng donut. “Ate, isipin mo… kung may award sa pinaka-plastic? Gold medal ka na.”
Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa.
“Sir Jhonax naman po,” biro ko, “nakikipag-friendly lang po.”
“Friendly?”
Tumingala siya.
Tumawa.
Tumawa nang malakas.
Parang hindi siya humihinga.
“Hahaha! Ate, good luck. Si Ate Hasra allergic sa plastic.”
“I know po…”
Pilit ang ngiti ko.
“Good luck ulit,” dagdag niya. “Yung ate ko? Grabe yun magmaanghang ng salita. Pero mabait yun kapag di ka umaarteng… like you.”
OUCH AGAIN.
Pero smile pa rin. Teatro ako eh.
Biglang dumating si Hasra.
Perfect timing para sa torture session.
“Tapos ka na?” tanong niya, walang emosyon.
“Almost po, Mam.”
“Good. Kasi may ipapagawa ako.”
“Yes po, Mam. Ano po iyon?”
“Maglinis ka ng mini library sa taas. And hey…”
Lumapit siya.
Tumingin mula ulo hanggang paa.
“Next time, mag-suot ka ng apron. Hindi uniform ang damit na pang-catwalk.”
Roll eyes.
Smirk.
Turn.
Walk out.
Grabe.
Chef’s kiss yung attitude.
Regina George but Filipino edition.
Habang naglilinis ako ng mini library, dumaan si Sir Bakikong.
Hawak niya yung laptop, busy siya pero nag-angat siya ng tingin.
“Comfortable ka ba dito?” tanong niya.
“Super po, Sir,” sagot ko, nanginginig ata ng konti ang boses ko. “Honored po ako na dito po ako nagtatrabaho.”
Ngumiti siya.
Naka-daddy smile.
Yung tipong wholesome.
Yung tipong gusto mo i-frame sa kwarto.
“Good,” sagot niya. “Kung may kailangan ka, sabihin mo lang.”
At umalis siya.
Tapos ako?
Napahawak sa dibdib.
“Grabe ka, puso… tumigil ka naman! Kahit sa isip lang ‘to huh.”
Pero bago ako mag-fantasize pa
“HUY.”
Si Hasra. Nakatayo sa pinto.
“Hindi ka dito nagpunta para ngumanga.”
At ayun, nag-roll eyes siya nang sobrang lakas na parang may sariling electric fan.