CHAPTER 40 AENNAIAH POV Akala ko matitinag sina Bakikong at Rara. Akala ko sa huling hakbang na ginawa ko, sa huling baraha na itinaya ko, guguho ang mundong binuo nilang muli. Ngunit habang nakahawak ako sa manibela, habang paandar na sana ang sasakyang ako mismo ang nagmaneho doon bumagsak ang lahat ng ilusyon ko. Hindi sa banggaan. Hindi sa sigawan. Kundi sa tunog ng sirena. Isang mahabang, matinis, at walang-awang iyak ng batas. Humigpit ang kapit ko sa manibela. Kumabog ang dibdib ko na para bang may kumakatok mula sa loob galit, takot, at hindi maipaliwanag na panghihinayang. Sa side mirror, malinaw ang repleksyon ng pulang asul na ilaw. Isa. Dalawa. Tatlong mobile patrol. Para akong nilamon ng liwanag. “Hindi… hindi pa,” pabulong kong sabi sa sarili ko. Sa isip ko, babangga

