At the age of 17 years old ay unang beses naka-scam si Karla.
Teka. Bago ko ikwento kung paano siya nakapang-scam. Balik muna tayo kung saan siya nagsimula.
Si Karla ay isinilang sa magulong pamilya. Magulo in the sense na kasal ang magulang ngunit maagang naghiwalay. Ilang buwan taong gulang pa lang si Karla ay nahuli ng kanyang ina na si Rina ang kanyang ama na si Rico na may binabahay na ibang babae.
Hindi alam ni Rico na papunta si Rina sa apartment nila sa Maynila. May hinala na rin naman si Rina na may kabit ang kaniyang asawa dahil na rin sa mga tsismis na nakakarating sa kanya. Kaya't kahit ilang buwan pa lamang siyang nakakapangaanak at nakaipon na siya ng lakas ay agad-agad itong bumiyahe pa-Maynila.
Nasa pangalawang palapag ang nirerentahang apartment ng mag-asawa. Habang papakyat ng hagdan si Rina ay may nakikinig siyang dalawang taong naguusap sa loob ng apartment. Boses ng lalake at babae. Walang kaabog-abog ay kinuha ni Rina ang maliit na bote sa kanyang bag, hinawakan ng mahigpit at binalutan nya ng lampin ang kanyang kamay. Pagkabukas ng pinto, nakita nya ang dalawa na magkatabi.
“Rina! Anong ginagawa mo dito? Si Amy nga pala, kaibi...”
Sabay sinuntok ni Rina ang mukha ni Rico.
“Ang galing mo din, ano? Alam mong ‘di ako makakabiyahe at kakapanak ko pa lang. Inaasahan kong nagtratrabaho ka lang dito sa Maynila. Iba na pala ang tinatrabaho mo!”
Napatingin si Rina sa tiyan ni Amy na kabit ni Rico. Pilit tinatago ng kabit ang kaniyang tiyan.
“Buntis ka?” tanong ni Rina kay Amy.
Walang alinlangan ay tumango ito.
"Ilang buwan na yan, Rico?" gigil na tanong ni Rina. “Ang kakakapal ng mukha nyo!"
"Mali ang akala mo".
Nakatungo lamang si Amy at 'di makasalita. Tila ba hiyang hiya na nahuli sila ng legal na asawa ng kanyang nobyo.
"Hayaan mo, Amy, sa ‘yo na ang asawa ko."
Nanlaki ang mata ni Amy. Nagulat siya na kilala sya ni Rina.
"Nagulat ka, 'no? Alam ko pangalan mo? Wala kayong maitatago sa akin. Hayaan mo, sa 'yo na ang asawa ko. Hindi ko siya hahabulin.”
“Teka, Rina. Pakinggan mo muna ako.” paki-usap ni Rico.
“Tama na. Alam ko namang hindi tayo tatagal at pinilit lang naman ang kasal natin. Kung ‘di lang kay nanay at tatay, hindi ako magpapakasal ‘sayo!”
Bagama't pareho nilang gusto ang isa't isa ay alam nilang walang pagmamahal na namamagitan sa kanila. Sapilitan lamang na pinakasal ang mga magulang ni Karla dahil sa nahuli itong magkasama sa isang kwarto. In-assume ng mga magulang ni Rina na buntis ito. Pero kung nakinig lang sila kay Rina na totoong walang nangyari sa kanila ay hindi sana humantong sa isang relasyong sa hiwalayan din napunta.
Makalipas ng araw ng eskandalo sa kanilang apartment sa Maynila ay humingi na ng annulment si Rina kay Rico. Ayaw nyang matali dito. Ngunit saan hahanapin ni Rico ang pera para sa annulment? Alam niyang napakagastos ng proseso nito.
Dumaan pa ang ilang buwan ay tumigil ang suporta ni Rico kay Karla. Hindi na rin ito ma-contact ni Rina. Pilitin man ni Rina na maging civil sa asawa ay hindi niya maiwasang magalit pa rito ng husto. Kaya't nagpasya siya na kumunsulta sa isang abogado.
"Misis, kelangan mong magpadala ng sulat sa inyong asawa na nag-dedemand ka ng sustento."
"Paano po 'yun, attorney, hindi ko po alam ang address nya?"
"Hindi mo ba alam address kahit ng kamag-anak niya?"
"Puwede po ba 'yon?"
"Oo. At 'pag hindi niya pinansin ang iyong demand letter ay puwede mo siyang kasuhan ng VAWC."
"Sige, attorney. Sabihin niyo po ang mga dapat kong gawin para maasikaso ko na. Kailangan ko maturuan ng leksyon ang ama nitong anak ko."
Bitbit ang kanyang anak ay dali-daling pumunta si Rina sa kanilang computer shop at nagprint ng demand letter na ipapadala kay Rico. Walang kaabog-abog ay nagpadala ito ng sustento kay Karla. Simula noon ay regular na ang padala nito sa anak.
Pagpatak pa lamang ni Karla ng isang taon ay marami pang dumating na problema sa kaniyang pamilya. Imbes na sa kaniya nakatutok ang atensyon dahil sa siya ang una at nag-iisang apo ay nabaling ito sa ibang miyembro na kanyang pamilya. Nariyan ang kanyang nanay na nagbubuhay dalaga, tiya na kumabit sa may asawa, mga tiyuhin na pasaway, at lolo at lola na malapit na maghiwalay.
Dahil sa gantong takbo ng kanilang pamilya ay unti-unti na silang nagkawatakwatak. Iniwan ni Rina si Karla sa kanyang lola at lolo. Alam ni Rina na kulang na kulang ang pinapadala ni Rico para mabuhay ang kanyang anak. Kaya nagpasya itong magtrabaho sa Maynila.
Nakitira si Rina sa kanilang malayong kamag-anak sa Maynila. Tiniis niyang makitira sa squatter's area. Hindi siya sanay sa ganito dahil kahit mahirap ang buhay sa probinsya ay maayos naman ang kanilang tirahan, sariwa ang hangin at malinis. Ibang iba ito sa bago niyang tinutuluyan na maraming daga, ipis, maingay, mabaho at laging nawawalan ng tubig.
Ilang araw pa lang si Rina sa Maynila ay nakahanap na agad siya ng trabaho. Natanggap siya bilang isang sales lady sa isang mall.
Hindi naman ito naging imposible dahil likas na matalino ito at talentado.
Nganit dumaan din sa pagkakataon na nagamit ni Rina ang kanyang katalinuhan sa masamang gawain. Bata pa lamang ito ay nahuhuli ito ng kanyang mga magulang na madalas kumuha ng bagay na hindi kanya. Lagi siyang napagtsitsismisan ng kapitbahay dahil nakikitang kumukuha ng chirchirya sa tindahan.
Akala ng mga magulang ni Rina ay dahil bata pa lang ang anak nila kaya ito nagagawa. Pero hanggang high school ay nadala ni Rina ang ugaling ito. At may isang pangyayaring hindi malilimutan ang kanyang nag-iisang kapatid na babae. Isa ito sa mga dahilan ng pagkakaroon nila ng gap.
"Oh, Tina." sambit ni Rina habang inaabot sa nakababatang kapatid na si Tina ang bracelet na gawa sa perlas.
"Wow, ate, ang ganda. Sa 'kin na lang 'to?"
"Oo. Binili ko 'yan para sa 'yo."
"Salamat, ate." Sabay halik ni Tina sa kanyang ate. "Oy, ate, baka mahal ang bili mo dito. Baka wala ka ng matirang baon."
"Hindi, 'no. Pinag-ipunan ko talaga 'yan para sa iyo. 'Di ba may sasalihan ka na contest? Suotin mo 'yan para angat ka at maganda kang tignan sa stage."
Hindi pa man arawa ng contest ay sinuot na ni Tina sa school ang bigay na bracelet ng kanyang Ate Rina. Proud na proud ang dalagita dahil talaga naman napakaganda nito. Siya lang sa klase ang may suot na gantong alahas.
"Bella!" Tinawag ni Tina ang kanyang bestfriend na papaakyat pa lang sa second floor.
Nagyakapan ang dalawa ng mahigpit na para bang ang tagal nilang hindi nagkita. Samantalang nung Biyernes lamang ay nag-sleepover si Tina kasama ang kanyang Ate Rina sa bahay ni Bella.
Habang naguusap ang dalawa ay napatingin ni Bella sa suot na bracelet ni Tina. Itsurang takang taka ang kanyang bestfriend.
"Sa 'yo ba yan?" Nakakunot ang noo ni Tina habang tinatanong si Bella.
"Oo. Ang ganda, 'no?
Sabay nag-ring ang bell at dali-dali na pumila ang magkaibigan para sa klase.
Kapansin-pansin ang pagiging mailap ni Bella. Simula nung pumasok sila sa classroom ay hindi na niya pinansin si Tina. Noong una ay hindi ito pansin ni Tita, ngunit nung lumapit siya upang may tanunging sa bestfriend ay hindi niya ito pinansin. Hanggang sa matapos ang klase ay hindi pinansin ni Bella sa Tina.
Takang taka si Tina kung anong nangyari? Pilit niyang iniisip kung ano ba ang nagawa niya sa kaibigan. Kahit anong isipin niyang dahilan ay wala siyang maisip.
Ilang araw 'di nag-usap ang magkaibigan. Kahit tawag sa telepeno ay wala. Dati rati'y oras-oras silang nagtetelebabad.
Lumipas ang ilang araw ay pinatawag si Tina ng principal. Ang buong akala niya ay para lang ito sa activity na sasalihan niya sa school. Subalit, pagdating niya sa office ay nakita niya rin ang kanyang kaibigan na si Bella. Pinaupo sila pareho ng principal. Unang tinanong ng principal si Tina.
"May idea ka ba kung bakit kita pinatawag?"
"Wala po, sister."
Sister ang tawag ni Tina sa kanyang mga guro dahil ito ay isang Catholic school na pinamumunuan ng mga madre.
"Totoo bang wala kang idea, ha? Baka gusto mo na umamin?"
"Totoo po talaga, sister. Hindi ko po alam."
"Gan'to kasi ang nangyari, Tina. Bumati si Bella sa akin kaninang umaga. Kapansin-pansing malungkot siya at mukhang may problema. Noong una ay ayaw pa niya sabihin kung bakit, pero eventually napilit ko siya. Ikinwento niya sa akin na sa kaniya ang suot mong bracelet."
Kitang-kita sa mukha ni Tina ang pagtataka. Paano ito magiging kay Bella? Ang pagkakaalam niya ay galing ito sa kanyang Ate Rina.
Biglang sumagi sa isipan ni Tina. Noong nagsleepover silang magkapatid sa bahay ni Bella ay may mga pagkakataong bigla na lang nawawala si Rina.
Malaki ang bahay ni Bella, tatlo ang palapag. Kumpleto sa appliances at kasangkapan. Hindi naman 'to katakataka ang pagkakaroon ng mga gantong bagay sila Bella, dahil siya ay anak ng doktora at successful businessman.
Alam ni Rina ang estado ng buhay ni Bella, kaya naman ng inaya siya ng kanyang nakakabatang kapatid ay agad-agad itong sumama.
Habang ang tatlo sa rooftop ay nag-excuse si Rina na mag-c-CR. Malalim ang usapan ng magbestfriend at 'di maistorbo. Para ngang hindi nila napansin na wala na si Rina.
Bago makapunta sa banyo ay napadaan si Rina sa kwarto ni Bella. Nakita niya itong nakabukas ng bahagya. Lumingon muna siya at tumingin sa paligid. Walang tao. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.
Hindi ito ang unang beses na nakapasok siya sa kuwarto ni Bella kaya't alam na niya kung saan nakalagay ang mga gamit nito. Agad niyang pinuntahan ang vanity table ni Bella. Binuksan niya ang drawer at naghalungkat ng magugustuhan niya. Nakaagaw sa kanyang pansin ang isang pares ng gintong hikaw at ang bracelet na gawa sa perlas. Binulsan niya ito at mabilis na bumalik sa roof top.
Dito na napagtugma ni Tina kung bakit siya binigyan ng kanyang ate. Madalas mainggit ang ate niya sa kanya. Kitang kita kasi na mas maraming nagagandahan kay Tina kaysa sa kay Rina. Pero hindi pa rin lubos maisip ni Tina bakit ito gagawin ng kanyang ate. Nandoon pa rin ang kanyang paniniwala na kahit madalas silang nagkakatampuhan ay mahal pa rin siya ng kanyang ate.
"Tina, kinuha mo ba ang bracelet?"
Mahinang sumagot si Tina ng, "opo, sister."
Napaiyak na lamang ang kanyang bestfriend na si Bella. Hindi ito makapaniwala sa kanyang narinig.
Kahit na alam ni Tina na mawawalan siya ng kaibigan at masisira ang reputasyon niya sa eskwelahan ay nangibabaw pa rin ang kanyang pagmamahal sa kanyang kapatid. Handa siyang akuin ang maaring parusa na kanyang hahaapin.
"Hubarin mo na ang poselas, Tina, at iabot kay Bella. At kung may gusto kang sabihin sa kanya ay sabihin mo na."
Habang tinatanggal ang lock ng bracelet ay pumatak ang luha ni Tina. Pinipigilan niyang umiyak. Pero dahil hindi nga siya ang nagnakaw ng bracelet ay masakit para sa kanya ang mga nangyayari.
"Sorry, Bella."
Sa simpleng salita ni Tina ay niyakap siya ng kaibigan. Hindi man akalain na nagawa ito ng kaibigan ay isanaalang-alang pa rin niya ang kanilang pinagsamahan. Mula grade 3 hanggang high school ay magkakaklase na sila. Inisip na lang niya na baka dahil kulang sa kagamitan ang kanyang kaibigan at kaya niya ito nagawa. Tutal bracelet lamang ito. Hindi masisira ng isang bracelet ang frienship na meron sila.
Hindi na rin inalaman pa ni Bella kung nasaan ang kanyang gintong hikaw.
Ang mga nangyaring pag-uusap sa office ay hindi nakalabas sa kanilang tatlo. Ni hindi kinompronta ni Tina ang kanyang kapatid. Naging maingat na lang siya sa mga natatanggap na regalo mula dito. Mga bigay na pagkain na lang ang kanyang tinatanggap, hindi na materyal na mga bagay.
Apat na taon ang pagitan ng magkapatid. Pero dahil sa pagbubulakbol ni Rina ay naabutan pa niya ito sa college. Inabot na siya ng pitong taon sa kanyang kursong kinukuha.
Nung mga unang taon ni Rina sa kolehiyo ay natuto itong i-drop ang kanyang mga subjects para makakuha ng refund. Walang idea ang kanyang mga magulang ganto ang kanyang ginagawa. Buong akala nila ay nag-aaral ito ng mabuti. Sa kalaulan ay nabuko nila si Rina. Pero umasa pa rin ang mag-asawa at bingyan nila ito ng maraming chances.
Dahil sa alam nilang na si Rina ay may likas na katalinuhan ay mas binigyang pabor ng mag-asawa ang kaniyang pag-aaral. Siya ang pinag-aral ng four-year course at two-year course lamang kay Tina.
Kaya't ng malaman na nagloloko ang kanyang ate ay galit na galit itong si Tina.
"Sabi ko naman sa inyo, mama, dapat ako na lang in-enroll niyo sa four-year course. Eh 'di sana tapos na ako. Teacher na sana ako ngayon tulad mo"
"Pagkatapos ng ate mo, siya na magpapaaral sa 'yo."
"Kelan pa 'yun, mama? Baka kung ako ang mas pinaboran niyo ay ako na ang nagpapa-aral kay ate! Kaya niya bang pag-aralin ang tatlo pa naming kapatid? Matauhan na kayo ni papa, hindi 'yan magagawa ni ate."
"Nangako naman na ang ate mo na magtitino na siya."
"Yoon lang ang akala niyo."
May laman ang sinasabi ni Tina. Kakatanggap lang kasi niya ng text message na may kumakalat sa school na nahuli ang ate niya na nagshoplift. Hindi ito nalaman ng kanilang magulang dahil nagpatulong ang ate niya sa mayaman niyang kaibigan para mabayaran ang nashoplift. Kaya naman ang lakas nito gumawa ng kalokohan dahil may mga kaibigan siyang natatkbukhan tuwing nagkakaproblema.
Ngunit hanggang sa pagkakataong ito, kahit galit na galit si Tina ay hindi niya sinumbong ang kanyang nakakatandang kapatid. Ayaw niya ng gulo at ayaw na niyang bigyan pa ng sakit ng ulo ang kaniyang mga magulang.
Hindi na natapos ng pag-aaral si Rina. Tanging si Tina ang nakatapos sa kanyang two-year course. Hinayang na hinayang ang nakababatang kapatid sa pagkakataong sana'y kanya.
Mataas ang parangarap ng mga magulang ni Rina sa kanya. Planado ang gap ng edad ng magkakapatid. Apat na taon ang pag-itan ng edad ni Rina sa sumanod sa kanya para sagayon ay pagkagraduate nito kolehiyo ay siya naman ang magpapa-aral sa kaniyang kapatid na babae.
Nagroon sila ng maliliit business. Lahat dito ay hindi naging successful.
Ang huling business na kanilang itinayo ay computer shop ang medyo tumagal. Boom na boom ito at sila pa lamang ang merong computer shop sa kanilang lugar.
Sari-saring tao ang labas pasok sa kanilang computer shop, kaya't maraming naging kaibigan ang magkakapatid. Dito rin nakilala ni Rina ang kanyang napangasawang si Rico.
Nagrent ito ng isang computer sa kanilang shop upang gumawa ng resume. Napansin ni Rina na hirapang hirapan ang binata sa pagta-type. Paubos na lamang ang kanyang isang oras na renta ay hindi pa nito natatapos ang kayang resume.
"Sir, gusto n'yo po tulungan ko na kayo? Ako na lang po magta-type. Idikta niyo na lang po sa akin ang ilalagay."
"Okay lang ba, miss?"
"Opo. Add na lang po kayo. Nagpriprint din po kami. I-diretso print ko na rin po."
Nagaalinlangan si Rico dahil sakto lang para sa isang oras ang kanyang dalang pera. Buti na lang sinuggest ng dalaga na kung gusto ni Rico ay isulat na lamang sa papel ang mga information at balikan na lamang ang resume na nakaprint na.
"Sige, miss. Magandang idea 'yan. Konti lang kasi nadala kong pera." sabay kamot sa ulo.
Napangiti ang dalaga. "'Ikaw naman, sir. Dapat sinabi mo na lang na kulang pera mo."
"Huwag na sir. Rico na lang itawag mo sa 'kin."
Hindi man kagwapuhan ay nahulog ang loob ni Rina kay Rico. Hindi din galing sa mayamang pamilya ngnunit masipag naman ito. Isa sa mga skills niya ay pagbebenta. Kahit ata sako ay maibebenta niya sa mahal na halaga. Ganoon kabulaklak ang kaniyang salita. Dahil din dito kaya siya nagustuhan ni Rina.
Araw-araw nang pinupuntahan ni Rico si Rina sa kanilang shop. Dahil nga hindi natapos ang si Rina sa kanyang pag-aaral ay siya na ang pinagbantay ng kanyang nanay na si Aling Leny. Kumpleto ang sinusumite niyang kita sa renta sa computer, ngunit 'di na niya ibinibigay ang mga bayad sa papa-type ng paperworks at ibang bayad sa photocopy. Hanggang sa kanilang business ay nangungupit pa rin si Rina.
Hindi nababantayan ni Aling Leny ang kanilang negosyo. Isa kasi itong guro sa kabilang lalawigan. Ang tatay naman niya na si Mang Barry ay madalas wala dahil isa itong pahinante.
Noong simula ay ang lakas ng kita ng kanilang chop. Puno ito lagi ng mga estudyanteng naglalaro.
Ngunit habang patagal ng patagal ay palugi ng palugi ang kanilang negosyo. Halos walang pumapasok na kita. Lahat ay napupunta sa gastusin a bills at pambayad sa renta. Isa pa dito ay sasampu na nga lamang ang kanilang pinarerentang computer, lima pa dito ay okupado ng magkakapatid. Lima lang sa mga computer ang kumikita.
Ang kanilang computer shop ay nasa baba lamang ng nirerentahan nilang bahay. Kaya naman convient sa magkakapatid gumamit kahit kailan nila gusto.
Maganda ang puwesto nito at nasa gitna ng bayan. Ang lokasyon ng kanilang computer ay pinagplanuhang mabuti ng kanilang magulang. Na kahit mahal ang renta ay alam nilang kikita ito ng malaki.
Kaya't tuwing Sabado ay pinipilit ni Aling Leny na magbantay kahit na ito lamang ang araw ng kaniyang pahinga.
"Bakit ito lang ang kita, Rina?" pataray na tanong ng ina.
"Kakaunti po ang naglalaro 'pag weekdays. Lahat po ata ng bata nagsusummer class."
"Hindi totoo, 'yan. Nakalimutan mo bang teacher ako? Halos wala akong estudyante sa summer class ko. Baka naman kung sino-sino kaibigan ang pinagagamit mo ng computer ng libre? O baka naman nangungupit ka?"
Binuksan ni Aling Leny ang drawer. Chineck niya ang mga stock ng papel. Halos paubos na ito. Ibig sabihin ay kumikita ang printing at photocopy. Pero laking taka nito na kakarampot lang ang ibinibigay ni Rina.
Hindi kinalaunan ay nalugi ang kanilang negosyo. Nabenta lahat ang kanilang mga computer at pang-photocopy machine. Napalipat din sila sa mas maliit ng apartment. Dahil dito ay mas lumuyo ang layo ang relasyon ng magkakapatid. Mas gusto nilang kasama ang mga kaibigan kesa may-stay sa siksikan nilang bahay.