(Solace) Nang tuluyan nang nawala si Garreth sa aking paningin, napatingin na naman ako sa tulog na tulog na si Catriona. Sana paggising nya, hindi na sya magwawala at maging kalmado na sya. Gustong- gusto ko na talaga syang makausap. Bahagya akong napapitlag nang narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Pangalan ni Santie ang nabasa ko sa screen. Ayaw ko na sanang sagutin ang tawag nya dahil wala ako sa mood para makipag- usap sa kanya. Masyadong okupado ang aking isip sa kung bakit nangyayari ito kay Catriona at kung alam ba ng mga magulang ko itong nangyari sa pinsan ko. Isa pa, sinisisi ko din si Santie sa nangyari sa pinsan ko, pinaasa kasi nya ito nung pinili na nya ito noon. Pero, natagpuan ko nalang ang aking sarili na sinagot ang tawag ng kinaiinisan kong lalaki. "Where are you

