Santinir Davis Montreal, the youngest of the popular Montreal Triplets, son of the well known billionaire and business magnate, Mr. Samuel and Mrs. Sheila Montreal.
He is an architect and the head of Montreal Engineering and Architectural Firm, part of Montreal Corporation in which his brother Seighfred is the CEO. Aside from that, he is also a CEO of this very own gaming business. And one of the co- owner of "Innocent Bar", together with his twin brothers, Sancho and Savino.
Palangiti at madaling lapitan si Santinir pero sagad din sya sa pagiging laitero. He always aims for perfection. Kaya hanggang ngayon, masama parin ang loob nya. His parents are forcing him to marry someone. In short, he was into fixed marriage. He just met the woman kanina, Solace Cathleya Montemayor, at nandidiri agad sya pagkakita palang nya sa babae.
Mahilig sya sa mga modelo, kaya kadalasan nyang idini- date ay ang mga ito. Never pa syang nagkaroon ng serious relationship. He's not a playboy like his brother Sancho, hindi palang siguro nya nakikilala ang babaeng bibihag sa kanyang pihikan na puso.
Back to that woman named Solace, that woman is a failure of what he called a standard of his dream woman. Hindi na nga maganda, mataba pa, mahilig pa naman sya sa mga skinny. Para din bata, sobra sa pagka- ignorante, na para bang kalalabas lang mula sa lungga.
Nakaupo sya ngayon sa counter table. Sya nakatuka ngayon para bantayan ang negosyo nilang magkakapatid. Nasa loob sya ng VIP room nilang magkakapatid dito sa bar.
Hindi talaga nya lubos akalain na ang pangit ng babaeng napili ng kanyang mga magulang para maging asawa nya. Sya na nga ang naisipan ng mga ito na ipakasal sa anak ng kasosyo sa negosyo ng mga ito, hindi man lamang pumili ang mga ito ng maganda at parang super model, yon ang mga hilig nya sa babae.
Walang nakakaalam na minsan sa buhay nya, nagkagusto din naman sya sa isang babae. Isang batang babae na iniligtas ang kanyang buhay nung nalunod sya, mga 10 years old palang sya nung. Hindi na nya maalala masyado ang batang babae na yon, pero alam nyang maganda ito at may magandang ngiti. Sayang nga lang, isang beses lang nya itong nakita at hindi na nasundan pa. Ilang araw din syang pabalik- balik sa lugar kung saan nangyari ang aksidente na yon pero hindi na talaga nya nakita ang magandang mukha ng batang babae na nagligtas sa kanya. Pero hindi nya nakakalimutan na naipangako nya sa kanyang mga magulang nung na pakakasalan nya ang batang babae na nagligtas sa kanya.
"Kapatid."
Napatingin sya sa entrance ng VIP room kung nang bumukas iyon, at bumulaga sa kanya ang mukha ng kapatid na si Sancho.
"Anong ginagawa mo dito?" kunot- noo sya. " Akala ko ba, ayaw mong magbantay sa bar ngayon dahil may date ka sa isang modelo."
"Lagot sa akin ang Atasha na yon bro. Sinira yong date ko. Nabitin tuloy ako." naiirita nitong sambit saka umupo ito sa kanyang tabi. "Nakita mo ba ang babaeng yon dito?"
"Hindi. Diba, nandito lang naman yon pag nandito ka? Malamang nagsaya yon dahil day off nya ngayon. Ano bang ginawa ni Atasha at nasira ang date mo?"
Umigting ang panga nito. Halata sa mukha nito ang sobrang inis.
"Ang pinabili ko sa kanya na condom bro, ay XL yon size, tapos ang binili ba naman ay extra- small. Kaya nung nakita ng date ko ang box, nilayasan ako, hindi daw sya mag- eenjoy sa akin. Lagot talaga sa akin ang Atasha na yon. Pag makita ko yon, talagang---- kung hindi palang dahil kay Akeelah, matagal ko nang ibinitin patiwarik ang Atasha na yon. Sumasakit ang ulo ko sa babaeng iyon. Para syang hindi tao. Para syang martilyo na ipinukpok ko sa aking ulo."
"Sakit pala sa ulo. Bakit ba kasi hindi mo nalang pakawalan? Pag sakit na sa ulo ang isang babae, dapat ng pakawalan."
"No." madiin na sambit nito. "Slave ko ang Atasha na yon habang buhay."
Napailing nalang sya sa tinuran nito.
"How about you? Bakit mukhang bad trip yan mukha mo? Diba, ipinakilala na nina mom and dad kanina ang napili nila para maging asawa mo? Maganda ba? Para bang modelo ang kaseksihan? O pwedeng ipambato sa Ms. Universe?" sunod- sunod nitong tanong na magpaismid sa kanya.
Naalala na naman nya ang mataba at ang pangit na si Solace. Bweset na bweset talaga sya sa babae. Hindi nya napigilan na e- kwento dito ang hitsura ng babaeng napili ng kanyang mga magulang para maging asawa nya. Tawang- tawa naman ito pagkatapos nyang magkwento.
"Really bro, ganyan kapangit?" paniniguro nito.
"Nakakainis nga bro, dahil bukas, kailangan ko pang puntahan ang Solace na yon sa date namin. Sobrang pamimilit nina mommy at daddy sa akin. Paano ako makakain sa date namin, kung nasusuka ako sa mukha ng babaeng yon?"
Hindi man nya masabing mabuti syang anak, dahil marami naman syang kalokohan na nagawa. Pero, masunurin sya sa mga magulang. Bilang bunso nung hindi pa natatagpuan si Safara, sadyang mother's boy na sya. Pero, hindi nya masikmurahan na kasama ang Solace na yon buong buhay nya.
"No worries bro, ako ang pupunta sa date mo bukas. At siguradong mag- eenjoy kami ng sinasabi mong piggy." nakangising sambit ni Sancho.
------
"Anak Solace, pang- ilang plato mo na yan? Diba, sabi ko sayo anak, na magbawas- bawas kana ng timbang dahil baka hindi magkasya sayo ang wedding gown mo."
Napaangat ng mukha ni Solace sa kanyang mommy. Naka- crossed arms ito na nakatingin sa kanya.
Nag- iisa syang anak kaya masyadong protective ang kanyang parents sa kanya. Sa katunayan nga dyan, home schooled sya buong buhay nya. At dahil wala naman syang ibang magagawa sa bahay nila, minsan lang kasi sya nakakalabas, kaya nakahiligan nya ang madalas kumain, tapos napakatamad naman nyang mag- exercise. Pagkatapos nyang kumain ng napakarami- rami, hihilata lang sya sa kanyang kwarto para magbasa ng akda ng kanyang favorite author na si sweetnanenz (ahem...)
"Mom, bakit ba kasi kailangan kong magbawas para sa wedding gown ko? Pwede naman natin ipabago ang size nung, yong kasya sa akin. Ang sarap kasing kumain, lalo pa't marami tayong pagkain." she pounted her lips.
Lumapit sa kanya ang ina, saka hinaplos nito ang kanyang mahaba at straight na buhok.
"Solace, anak, magbawas ka naman ng kunti. Nakita mo naman siguro ang hitsura ni Santinir. Maraming babae ang nagkakandarapa dun. Gusto mo bang magbago ang isip nung at wag kanang pakasalan?"
Hindi nya pinansin ang sinabi ng kanyang ina. Tila nangangarap sya ngayon habang nakatingin sa kawalan. Unang kita palang nya kay Santinir ay nagugustuhan na nya ito. Hindi nya lubos akalain na makakilala sya ng isang lalaki na sa buong akala nya sa nobela lang nya nababasa.
Santinir Davis Montreal, a man of her dreams. Alam nyang ito ang lalaking laging nagpapakita sa kanyang panaginip. Ito ang kanyang price charming. Ang swerte naman nya dahil ang magiging asawa nya ay katulad sa lalaking pinangarap nya.