(Solace) Napasigaw ako saka agad akong bumangon. Binangungot na naman ako. Binangungot na naman ako ng huling encounter namin ni Catriona at ng mga katagan na nanulas sa kanyang labi nung. Mula ng dinala ng aking mga magulang si Catriona sa isang mental hospital, isang linggo na ang nakakalipas, lagi ko nalang napapaginipan ang pinsan ko. Humihingi sya ng tulong sa akin at parang may gusto syang sabihin sa akin. Binabalewala ko ito nung una pero ngayon, kailangang may gagawin na ako. Kailangan kong puntahan ang pinsan ko. Kailangan kong malaman kung ano pa yong mga gusto nyang sabihin sa akin. Kinabukasan, pinuntahan ko si Catriona sa mental hospital kung saan sya naka- confine. "Sorry maam, pero hindi nyo po pwedeng makaharap ang pasyente. Mapanganib po sya." ani ng nurse sa akin. "P

